Chapter 1 The Story

4.2K 54 5
                                    

Andy's POV

Hi! Ako nga pala si Ghanna Andrea Lopez but you can call me Andy. I am a highschool student, studying in a private school here in Manila.

Hindi ako yung tipo ng babae na mahilig sa galaan or whatever things na karaniwang ginagawa ng mga kabataan ngayon, I'm a type of girl na school at bahay lang ang destinasyon. Mas gusto ko pang mag-aral or kaya naman ay mag-social media kesa tumambay dyan sa tabi-tabi, kasi para sakin waste of time lang yung ginagawa nilang pagtambay at paggala sa labas.

Top 1 ako ng klase namin kaya masasabi kong medyo nerd ako. May mga kaibigan din ako pero di ganon karami pero solid ang samahan namin as friends. Kasama ko na sila since we are just in elementary kasi di katulad ng iba dyan, sila lang yung nakaka-intindi sakin at sila lang ang may gustong maging kaibigan ako. Lahat kasi ng mga classmates ko noon, ayaw sakin kasi daw boring daw akong kasama, tsaka palaging libro ang hawak ko kaya ayaw nila sakin. But one day I met this two girls na kaya akong intindihin at pakisamahan kaya naging friends kaming tatlo.

"Andyyyyyy!!!!" sigaw ng dalawa kong mga kaibigan.

"Oh Carla, Analyn. Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila. Hay, ano na naman kaya ang kailangan ng dalawang to?

"Nakalimutan mo na ba?" sabi ni Carla sakin. Ano naman daw kaya yung nakalimutan ko?

"Anong nakalimutan?" tanong ko sa kanila.

"Hay nako, kahit kailan talaga napaka ulyanin mo na. Hindi mo ba naaalala na may group project tayo ngayon? Tsk.. Kahit kailan talaga oh!!" sabi ni Analyn. Ay oo nga pala may project nga pala kami ngayon.

"Oh ano, naalala mo na?" sabi naman ni Carla.

"Oo, naalala ko na. Tungkol pala saan yung gagawin natin?" sabi ko sa kanila na ikinakunot ng mga noo nila. Ano na naman kaya ang problema nila?

"Hay Ghanna Andrea" sabay nilang sabi sakin.

"Kahit kailan talaga napaka makakalimutin mo na, ewan ko nga kung pano ka pa naging Top 1 sa lagay na yan." sabi ni Analyn sakin.

"Ang gagawin po natin ngayon Andy, ay yung pinapagawa ni Ma'am sa science, yung tungkol sa volcanoes!" dagdag pa nya. Oo nga pala nakalimutan ko na. Ang dami ko kasing iniisip ngayon eh.

"Sorry nakalimutan ko, marami lang kasi talaga akong iniisip at iniintindi ngayon sa school."pagpapaliwanag ko sa kanila.Totoo naman kasi eh, sa sobrang dami ng iniisip ko ngayon nakalimutan ko na yung project namin.Parang maluluka na nga yata ako dahil sa mga yon eh.

"Okay lang naiintindihan ka naman namin eh" sabi ni Carla.This is what I like to them, napakamaintindihin nila lalo na sa sitwasyon ko.

"Iba na daw kasi talaga kapag Top 1 eh, buti na lang hindi tayo naging Top 1 kundi baka matulad tayo sa kanya na makakalimutin na." sabi ni Analyn.Kahit kailan talaga tong babaeng to oh!!! Pero love na love ko to kahit ganyan sya.

"Oo nga eh, buti na lang din hindi tayo Top 1" pagsang-ayon naman ni Carla kay Analyn.

"Sige, pagtulungan nyo pa kong dalawa!!!"galit kong sabi sa kanila.Pss... Ako na naman ang nakita ng dalawang to.

" Joke lang!!!"sabay nilang sabi sakin.

"Hay. Gumawa na nga lang tayo ng projects ng matapos na to at may gagawin pa ko"sabi sa kanilang dalawa and thankfully naintindihan nila yon.

"Okay!!!" they said and we start to make our projects.

**

Pagkatapos naming gawin yung project namin, umuwi na agad sila Carla at Analyn, may gagawin pa din kasi sila eh.

Sila Carla at Analyn, nasa Top din sila bale kami yung Top 3 ng klase namin.Ako yung Top 1, si Carla yung Top 2, at si Analyn yung Top 3.Wala lang samin yung ranking namin sa room para maging magkakaibigan kami.Walang inggitang nagaganap kasi pantay-pantay ang tingin namin sa bawat isa, walang mas lamang, mas matalino, at BEST saming tatlo, basta para samin lahat kami ay BEST.

Amg sarap lang sa feeling na may mga kaibigan akong kaya kang intindihin at suportahan sa lahat ng bagay.I won't let go of the friendship we had no matter happens, they will always be my friends.

**

This will be my first ever story in wattpad, kaya sana magustuhan nyo.Medyo maikli lang po itong chapter 1, pero babawi po ako sa mga susund na chapters.Kung may mga suggestions or reactions po kayong gustong sabihin, wag po kayong mahiyang mag-comment.

Votes and Comments are highly appreciated!!!

A Hundred Days With You [ON HOLD] Where stories live. Discover now