Shawn's POV
"Mom alis na po ako"
"Okay anak, inagat sa pagdrive. Love you" kiniss ko sa cheeks si mommy bago umalis.
"Aish Smokey! Anubayan!" Nagulat ako bigla kasing sumulpot si Smokey somewhere.
"Kuya wag mo nga awayin si Smokey!" Galit na sabi ni Sam at kinuha si Smokey. "Sinaktan ka ba ng pangit na yan ha Smokey? Wag ka mag-alala papagalitan ko sya" aba loko to ah! Tawagin daw ba kong pangit at sa harap ko pa talaga! Tss mas mahalaga pa ata talaga yung pusa nyang yun kesa sakin eh!
"Tumingin ka din kasi minsan sa daanan mo kuya panget!" Aba kanina pa to ah! Kukurutin ko na sana yung pisnge nya pero bigla syang lumayo sakin.
"Bleh! :p" tumakbo na sya paakyat sa hagdan namin. Tawagin daw ba kong pangit eh sa gwapo kong to tapos sasabihan akong pangit? Kung di ko lang sya kapatid baka binatukan ko na sya, pero syempre joke lang yun love na love ko yun kahit lagi nya ko inaasar at kahit pinagpalit na din nya ko sa pusa -___-
Sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar na. Malapit na ko sa school namin pero may nakita akong kotse sa tapat ng gate tapos bumaba dun si Ghanna. Aba ayos ah, ang aga nya pumasok. May lumabas na isang lalaki sa kotse at lumapit kay Ghanna. Matangkad yung lalaki at halatang mas matanda samin, tatay nya siguro. Nakipag beso lang si Ghanna sa kanya bago ito pumasok sa school. Tiningnan ko yung tatay nya hanggang sa makapasok na sya sa kotse nya.
Parang familiar yung mukha ng tatay nya. I think nakita ko na sya somewhere pero di ko maalala.
Haay mas mabuti pang wag ko na lang isipin sasakit lang ang ulo ko. Nagpark na ko ng kotse ko bago pumasok sa room.
Pagpasok ko naabutan ko pa ang nagbabangayan na triplets sa room. And as usual referee nila si Carla.
"Haay umagang-umaga ang iingay nila" napatingin naman ako sa nagsalita sa likuran ko. Si Ken lang pala.
"Obviously" pailing-iling ko pang sabi.
"Ano pa nga bang bago" umupo na si Ken sa upuan nya at inayos ang mga gamit nya. Nilibot ng mga mata ko yung buong room namin. Ang aga nya kanina ah, bakit wala pa sya?
"Nag-cr lang sya Shawn" nagtataka kong tiningnan si Ken. Ano sinasabi nito?
"Huh? Ano sinasabi mo?"
"Sabi ko nag-cr lang si Ghanna kaya wala pa sya dito. Nakasalubong ko kasi sya sa labas kanina lang"
"Oh tapos? Bakit mo yan sinasabi sakin?" Tinigil naman ni Ken yung pag-aayos nya ng mga gamit nya at humarap sakin.
"Halata kasi sa mukha mo na hinahanap mo sya, kaya sinabi ko na sayo" binalik na nya yung atensyon sa mga gamit nya. Seriously anong problema nitong si sungit? Psychic ba sya? Tsaka bakit ko ba sya hinahanap? Ayy ewan nasisiraan na ko.
"Uyy Ghanna pagsabihan mo nga si Anna"
"Oo nga, lagi nya na lang kami inaaway"
"Sila pagsabihan mo Andy! Pasaway kasi sila!" Sigaw nung tatlo kay Ghanna na kakapasok pa lang ng room. Nagtakip naman agad ng tenga nya si Ghanna, nabingi siguro sya dun sa tatlo.
"H-ha? Ano bang problema nyo at nagbabangayan na kayo agad" lumapit na sa kanila si Ghanna at kinausap yung tatlo. Sinermonan nila Carla at Ghanna yung tatlo. Yan kasi hilig magbangayan.
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Teen FictionIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?