Andy's POV
“I still can’t believe it! Nawala lang kami saglit tapos may something na kayong ginagawa?!” bungad sa sermon agad sakin ni Anna. Nakalabas na kami sa clinic and nandito kami ngayon sa bahay ko.
“Sabi ko naman sa inyo, aksidente nga lang yun! Tsaka duhh, first kiss ko yun eh!!! Tingin nyo ba gusto ko yun?!” inis kong sigaw pabalik sa kanya. Nagulat sya sa pagsigaw ko kaya tumahimik na sya.
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa nangyari, like alam ko naman na aksidente lang yun pero kasi naman ihhh! First kiss ko kaya yun! Tapos sa kanya lang napunta?!
*flashback*
After sabihin ni Shawn yung nangyari, tahimik pa rin ako dito sa tabi. Ano ba gusto nyong sabihin ko?! Shocked din ako noh!
“Look Ghanna, sorry it was my fa—” hindi na natuloy yung sasabihin nya kasi sinampal ko na agad sya. Nagulat silang lahat lalo na sya. Sino nga ba namang hindi magugulat kung bigla ka na lang sasampalin diba?
After nyang makabawi sa pagkakagulat, tumayo na ako agad. Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na.
“Just don't!” after ko sabihin yun tumakbo na ko palabas ng clinic.
*end of flashback*
Ang labo nung sinabi ko noh? Tapos ang rude ko pa, kasi naman ehh!! Masisisi nyo ba ko, shookt ako kasi first kiss ko yun! Alam ko naman na he’s really sorry for what happened pero ewan ko ba, naiinis ako na nahihiya! Di naman nya talaga kasalanan in the first place, pero kasi bakit ganun?!! Bakit ang epic nung kiss scene, di ba pwedeng mas romantic—wait what?!!! What the heck am I saying?!!
“Oh ano na balak mo?” tanong sakin ni Carla kaya napatingin ako sa kanya.
“I don’t want to talk about it now” nagnod na lang din sya sakin.
Ilang minuto din kaming tahimik bago yun basagin ni Anna.
“Alam nyo, ngayon ko lang napansin na bagay kayo ni Shawn” muntik na kong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya. Seriously?!!
“Well, when you think about it, bagay nga sila!” pag-agree din ni Carla sa sinabi ni Anna at nag-apir pa talaga sila.
“Ang dami nyong alam! Umuwi na nga kayo, nakaka-stress kayo!” pagtataboy ko sa kanila pero ang mga loka, ayun tuwang-tuwa pa!
“Di na ko magugulat kung maging kayo man ni Shawn, girl!”
“Agree! Basta wag muna isusuko ang bataan ha? Harot-harot na lang muna!” Whaaaatt?!!
Tawang-tawa naman sila sa nagging reaction ko. Kaibigan ko ba talaga itong mga ‘to?! Sukat akalaing bang ibugaw ako!
“Tse! Umuwi na kayo!” pinagtulakan ko na sila palabas ng bahay. Tuwang-tuwa talaga sakin eh noh? Masamid sana kayo sa pagtawa!
Pagka-alis nila, umakyat na ko sa kwarto ko para magpahinga. Nakakapagod ang araw na to. Yung simpleng plano sana na pag-aayos ng booth, nauwi sa aksidenteng pagkakanakaw ng first kiss ko dahil dun sa letseng aksidente sa hagdan! Shocks, wala na kong mukhang ihaharap sa kanya bukas!!
Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Lupa, pwede bang lamunin mo na lang ako?!
Tumunog bigla yung phone ko kaya kinuha ko yun. Message sa gc naming tatlo nung mga luka kong kaibigan.
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Teen FictionIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?