Andy's POV
"T-teka, ano bang meron? S-san nyo ba ko dadalhin?" Tanong ko mga taong bigla na lang naglagay ng posas sa kamay ko at hinihigit ako sa kung saang lupalop ng gym.
"Sorry president, napag-utusan lang kami" sabi ni Mika, secretary ng SSG, isa sya sa mga humihila sakin. Nakita ko na pinosasan din nila si Shawn na hinila palayo. Luhh ano ba 'to? Bakit may ganito?
I tried to resist from their hold, but I just can't break free. Andami nilang may hawak sakin tapos may posas pa 'ko. Habang naglalakad kami, pasama ng pasama yung pakiramdam ko. Masama ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon at sa mga mangyayari pa mamaya.
Dumating kami sa isang booth dito sa gym. Madaming tao sa labas tapos ang bongga din nung designs at concept. May mga mahahabang bench na may mga naka-arrange na white cloth at flowers sa magkabilang side tapos may red carpet sa gitna with matching flower petals. Wait a minute, wait a damn minute! Long benches, Red carpet, flowers?! Don't tell me papunta kami ngayon sa..
Marriage Booth??!!!
Like no damn way! I didn't sign up for this!! What the fudge?!!
"This way, miss President" hinigit nila ako bigla sa gilid ng booth nila at pinapasok sa parang tent sa gilid na mini dressing room ang style. May vanity mirror dun at madaming make-up kits ang nakalagay dun, sa kabila naman yung isang clothes rack na may mga nakalagay na damit may mga sapatos, sandals, heels, stilettos pa nakalagay sa shoe rack na katabi nun. Then meron din nakalagay na full body mirror.
"Okay guys, we've got a customer! So let's all get back to business!" sigaw ni Mika at nagkanya-kanyang punta na sa pwesto nila yung mga babaeng kasama ko dito. Yep, puro babae kaming lahat dito.
Hinigit nila ako bigla at inabutan ng isang white dress, above the knee yung dress na binigay nila sakin may design din syang flower like embroidery sa may dulo nung dress. May mga beads na naka-arrange sa upper part nung dress at may white ribbon sa bandang bewang.
"Magpalit ka na para maayusan ka na namin" Sabi nung babae na nag-abot sakin ng dress na 'to. Tiningnan ko pa ulit yung dress na ipapasuot nila sakin at hindi ko maiwasan na mapangiwi. Maganda nga yung dress pero walanjo naman di ba? Nananahimik lang ako eh tapos may ganito pang mangyayari? Huhuhu.
Pero in fairness naman dito sa booth na 'to, prepared na prepared sila masyado. Pamula sa settings hanggang sa mga susuotin at accessories, halatang kinareer na talaga nila yung gimik nila sa booth na 'to. No wonder mabenta itong booth na 'to ngayon.
Edi ayun nga, nagpalit na ko ng damit. Wala din naman na akong magagawa, kahit ata balakin kong tumakas dito di ko magagawa kasi ang dami nila dito. Better get this over with.
Pagkatapos ko nagbihis pina-upo nila ako sa harap ng vanity mirror. Aayusin daw nila ng konti yung buhok ko nilagyan din nila ako ng pulbo at liptint. Walanjong marriage booth naman 'to, grabe sa preparations daig ko pa tunay na ikakasal dito eh!
"Bakit parang ang bongga naman ata ng booth nyo? Kailangan talaga may pa-ganito pa?" Tanong ko kay Mika pagkatapos nila ayusin yung buhok ko.
"Actually di naman dapat ganito sa booth na 'to. After hulihin yung ikakasal, konting ayos lang proceed na kami sa ceremony, kaya lang kasi special request 'to eh kaya ganito ang preparations namin" what the? Special request? Sino namang siraulong bored sa buhay ang magpapa-special request ng ganito??? Mahal din kaya ang bayad dito!! Putek lang, lagot sakin ang may pakana nito!
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Teen FictionIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?