Anna's POV
"Eh?!!" Yan na lang yung kaya kong sabihing salita ngayon — kung matatawag ngang salita yan — sa sobrang gulat.
Like, shems seryoso?!! May gusto sya kay Ken?!! Well, wala namang masama na magkagusto sya sa kanya, normal lang naman yun. Pero di ko maintindihan kung bakit may inis akong nararamdaman. Nung narinig ko yung sagot nya sa tanong ko, parang gusto ko syang sigawan, sabunutan, tadyakan, at itapon sa Bermuda triangle. Wow ang OA ko naman -___-
Pero yun talaga eh, parang pinagtaksilan ako or something. (Wow lang talaga sa pagka-OA ng isip ko)
"S-sery-yoso... k-ka?"
Pero imbis na sagutin ang tanong ko, ngumiti lang sya at nauna na syang maglakad sakin. Like wut?? Yun na yun?! Wala man lang explanation or kung ano mang say sya dun?!!
Nakaka-frustrate naman!!!
Carla's POV
HAHAHAHA nakakatuwa yung reaction ni Anna kanina at the same time nakakatakot, para kasing any minute sasabunutan na nya ko.
Nauna na kong maglakad sa kanya papunta sa classroom namin, baka kasi masipa at masuntok na nya ko pag nagtagal pa kami dun.
Oo nga pala, yung about dun sa sinagot ko sa tanong ni Anna kanina, kung may gusto daw ba ko kay Ken....
Well......
What do you think? Meron nga ba or wala???
Hahahaha kayo na bahala mag-isip kung meron nga ba or wala, let's just wait kung anong mangyayari...
So ayun, nakahabol na sakin si Anna kaya sabay na kami ngayong naglalakad papunta sa classroom namin. Nakakapagtaka nga eh, di sya maingay ngayon. Kaya tiningnan ko sya para icheck, baka kasi naputulan na to ng dila or ano eh hahaha chaar.
Oh my gosh! Naputulan na nga sya ng dila!!!! Choooss. Naka-serious face lang sya, mukhang malalim ang iniisip. Iniisip pa rin kaya nya yung sinabi ko kanina?
Hmmm. Mukhang affected talaga sya ah. Nakakatuwa naman ^____^
Pagkadating namin sa room, naabutan namin dun si Zack na busy sa pag-aayos nung kung ano dun sa gilid may hawak din syang mga cartolina. Ahh baka siguro inayos yung pinaglagyan ng mga cartolina.
Di pa nya kami napapansin ni Anna, masyado kasi syang busy sa kung ano mang kinakalikot nya dun sa sulok. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit para sana gulatin sya. Nung nasa bandang likod na nya ko, biglang nagsalita si Anna.
"Hoy Zack, anong ginagawa mo dyan?!" Nagulat naman si Zack at biglang napaharap and since nasa may likod nya ko, ayun sobrang lapit ng mukha namin. Shocks.
Nagulat at namula yung mukha ni Zack nung narealize nya na ang lapit namin sa isa't isa, shet nakakahiya naman.
After kong makarecover sa gulat, umayos na ko ng tayo at lumayo na sa kanya. Shems, ang init ng pisngi ko >///< kasalan to ni Anna eh!
"H-ha? A-ano..a-no ina-ayos-s k-ko lan-g t-to" nauutal na sagot ni Zack kay Anna. Mukhang nasa state of shock pa rin hanggang ngayon.
"E-eto nga p-pala yung c-cartolina" inabot na lang nya yung cartolina na hawak nya kay Anna, medyo nangangatal pa nga yung kamay nya eh.
Kinuha naman agad ni Anna yung cartolina at halatang nawiwirdohan na kay Zack. Magsasalita na sana sya ng biglang may pumasok.
"Oh, andyan lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap" napatingin kaming tatlo kay Zeke na nakasilip sa pinto ng room.
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Novela JuvenilIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?