Chapter 12

413 10 5
                                    

Anna POV

Grabe yung mga kuya ko noh? Isip-bata -___-

Pinag-awayan nila kung sino yung pumatay, eh kung sila kaya patayin ko? Nakakaloka!

Nandito ako ngayon sa kwarto nagbabasa ng libro, kanina pa naka-uwi si Carla pagkatapos nya magmiryenda dito. Yung kambal naman, ayun bati na ulit at nanonood ng anime.

Grabe close na close talaga sila eh, magkasama sila sa isang kwarto, yes, ang wierd man pakinggan pero yun ang katotohanan.

Sobrang close nila at hindi mapaghiwalay, pati hilig nila pareho. Hilig nilang maghati sa lahat ng bagay sa isa't isa.

Pero alam ko naman na may malalim na dahilan yun.

Ikinatatakot ko lang ay may dumating sa buhay nila na hindi nila pwedeng paghatian...

Zeke POV

Pagkatapos ako sermonan ni Carla, nakipagbati na ko kay Zack. Grabe matindi din sya parang si Anna lang -_-

Nandito kami ni Zack sa kwarto namin. Don't get us wrong kung magkasama kami sa iisang kwarto, close lang talaga kami ng kakambal ko kaya ganon, tsaka tig-isa kami ng kama dito, meron din kaming separate rooms pero mas gusto namin na magkasama. Kapag magkagalit lang kami napunta at natutulog sa separate rooms namin.

"Eto dala ko na yung snacks natin. Nakapili ka na ng movie?" Bigla ako napatingin sa may pintuan dahil sa nagsalitang si Zack.

"Syempre naman!"

"Transformers the last knight!" Sabay naming sabi. Grabe parehong-pareho talaga kami ni Zack.

Umupo na kami sa throw pillow sa kwarto namin at nanood na. Minsan nagpapalitan kami ni Zack ng pagkain.

Sobrang close talaga namin ni Zack simula nung mga bata pa kami.

Pareho kami ng mga hilig, at pareho din kami ng bagay na inaayawan.

"Uyy ano yan? Transformer movie ba yan? Panood din!" Nagulat kami nung biglang pumasok si Anna ss kwarto namin.

Wala na kaming nagawa kasi umupo na sya dun sa kama ko na nakatapat sa tv namin. Nanood na lang kami ng tahimik, nagreklamo pa nga si Anna kasi wala daw kaming pagkain sa kanya, kaya binigyan na lang namin para tumahimik na at makapanood kami ng maayos.

"Anubayan bitin naman!" Pagrereklamo ni Anna habang nakahiga na sa kama ko.

"May kasunod pa daw kasi yan" sabi ni Zack habang nililigpit yung pinagkainan namin.

"Oo nga, wag ka masyadong atat dyan!" Sabi ko naman sa kanya.

"Bumalik kana sa kwarto mo! Wag kana manggulo dito!" Dagdag ko pa. May kwarto at kama naman kasing kanya dito pa samin nakihiga -__-

"Mamaya na, nakakatamad sa kwarto ko eh. Hmm laro na lang tayo ng UNO" bigla nyang sabi kaya naman kinuha ko yung UNO cards ko sa drawer, inayos naman ni Zack yung paglalaruan namin sa sahig.

Nagsimula na kaming maglaro. Yellow card yung una kong binaba. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na yung laro namin.

Putek lang, talo na naman ako!

"Ang weak nyo! Kanina pa tayo naglalaro lagi kayong talo hahahahaha!" Loko talaga to si Anna. Talo na nga nang-asar pa!

Nagpatuloy lang yung game namin hanggang sa kami na lang ni Zack yung natira. Naka-UNO na kasi si Anna eh. Ang galing lang nya sa larong to -____-"

"Konti na lang mananalo na ko!"

"Asa ka ako mananalo dito!"

Myghad konti na lang.....

"Hah! Sabi sayo eh ako mananalo!" Grabe hahahaha ang saya ko lang, at last di na ako yung last at laging talo.

"Edi na ikaw na panalo" tiningnan ko si Zack dahil sa sinabi nyang yun. Hahahahaha nakakatawa mukha nya lol.

"Uy tulog na si Anna oh" sabi ko. Dito pa talaga dumayo ng tulog to oh!

"Anna gising na!" Sabi sa kanya ni Zack habang niyuyugyog si Anna. Pero ayaw nya gumising. Ito mahirap kay Anna eh, mahirap sya gisingin at kapag bigla mong ginising parang tigre kung magalit.

"Buhatin mo na Zack, ako na mag-aayos ng kama nya" tumango lang si Zack at binuhat na si Anna sa kwarto nya.

Kahit na minsan nakaka-inis at nakakatakot sya mahal parin naman si Anna.

"Nagtoothbrush kana Zeke?"

"Yup kanina pa, ikaw?"

"Kakatapos lang, tara tulog na tayo"

"Sige"

***

Morning @school

Nauna na kami pumasok kay Anna nalate kasi sya nagising.

"Good to see na magkabati na ulit kayo" sabi ni Carla at sumabay samin sa paglalakad.

"Good morning" sabay naming bati ni Zack sa kanya. Natawa naman si Carla samin.

"Ang nice naman at talagang sabay pa kayo ah hahahahah. Si Anna nasan na?"

"Nasa bahay pa tulog" sagot ko naman na tinawanan lang ni Carla.

"Ganon ba? Tara na sa room" inakbayan kami ni Carla kaya umakbay din kami sa kanya.

Sabay kaming pumasok na tatlo sa room namin.

Dumating na din agad si Anna at nagbangyan lang kaming tatlo and as usual, referee namin si Carla.

Habang tumatagal mas lumilinaw sakin ang nararamdaman ko. Actually matagal ko na tong nararamdaman pero palagi ko yun dinedeny sa sarili ko at ngayon malinaw na ang lahat sakin. Yung pakiramdam na matagal ko ng nararamdaman unti-unti ng lumilinaw sakin....

I'm inlove......






With....




.....Carla...




And alam ko na someday marerealize na din nya yun, after all...


....were twins...







Ito na nga yung kinatatakot, ang may dumating sa buhay namin na kahit kelan di namin pwedeng paghatian.






***

Sorry for the wait. Sorry kasi maiksi lang to, hinighlight ko lang yung feelings ng kambal hahahahaha. Like and comment lang kayo guys hahahaha. Salamat sa pagsupport ng story ko hahahaha lovelots to all! :*

A Hundred Days With You [ON HOLD] Where stories live. Discover now