Chapter 20

76 3 33
                                    

Zacks's POV

Uneasy pa rin yung pakiramdam ko dahil dun sa mukha ni Carla kanina. Gusto ko syang kausapin at itanong sa kanya kung ayos lang ba sya, pero di ko naman alam kung pano ko sya i-aapproach or kung mas gusto nya ba na mapag-isa muna.

Damn I'm so bothered as hell! Ngayon ko lang kasi nakita yung ganung ekspresyon sa mukha nya. Nakita na namin syang malungkot pero iba kasing lungkot yung nakikita ko sa mga mata nya. Yung lungkot na may halong sakit. Hindi physical pain kundi emotional pain.

Tiningnan ko sila sa likod and ayun, nag-aasaran pa din sina Anna at Ken, tsk akala ata ng ugok na yun hindi ko napapansin mga galawan nya. Utot nya! Si Zeke naman mukhang napansin din yung naging expression ni Carla kanina. Nagtatanong yung mukha nya pero nag-shrug na lang ako kasi hindi ko din naman alam kung ano ang problema nya.

Nakarating din kami sa auditorium at madami na din yung mga students na nandito. Habang naglalakad para maghanap ng mauupuan, nakita namin si Ghanna na kumakaway samin kaya lumapit kami sa kanya.

"Buti nandito na kayo. Pinagreserve ko na kayo ng upuan, tara" inaya kami ni Ghanna dun sa nireserve nyang mga upuan para samin. Salamat naman at hindi na kami mahihirapan maghanap ng mauupuan.

"Sige iwan ko na kayo dito, kailangan ko na bumalik dun eh" sabi nya pagkatapos nya kami ihatid sa upuan namin. Nakapwesto kami sa gitna kung saan malapit din ang stage. Kayo na bahala mag-visualize basta sa gitnang harap kami.

"Ang busy mo naman!" sabat ni Anna. Mukhang tapos na ata yung asaran nila Ken.

"Ganun talaga, SSG President eh. Dapat nga katulong din namin kayo! Ang daya talaga" pagmamaktol ni Ghanna.

"Ganun talaga, malakas kami eh! Tsaka kaya mo na yan!" proud pang sabi ni Anna. Wow, what an excuse -___-

"Sus, ang sabihin mo tamad ka lang! Hindi ka na nahiya, president ka ng ChemCa tapos ang tamad mo!" I agree with you Zeke!

"Tigilan mo nga ako! Tsaka anong tamad? Hoy, FYI lang, kami kaya ang naghandle ng preparations dito sa auditorium! SSG lang ang naghandle ng program! Tsaka kami naka-assign kami sa event bukas, di ba Carla?" tsk defensive naman masyado nang bunso namin, nandamay pa talaga!

Tumango lang si Carla sa mga pinagsasabi ni Anna at ayun pinagyabang nya yun kay Zeke. Naiiling na umalis si Ghanna kasi may gagawin pa sila ng SSG.

"Oo na lang, kayabangan mo talaga!" at ayun walang tigil na bangayan nina Anna at Zeke. Gusto ko din sana makisali pero hindi ko magawa kasi bothered pa din ako kay Carla.

Ilang saglit pa nag-start na yung opening ceremonies para sa Foundation Day celebration. Nag-opening remarks muna yung principal ng school and other staffs.

"Foundation Day will be celebrated for 3 consecutive days. The first day is alloted for the booths prepared by the Junior Students, second day is for the contests of Senior students and the last day is for the closing ceremonies and party" paliwanag nung head organizer ng Foundation Day. Mukhang masaya yung ganap sa last day.

Habang nagsasalita yung head organizer sa harap, bigla namang dumating si Shawn. Si Anna yung nakakita sa kanya kaya kinawayan nya si Shawn at pinapunta sa pwesto namin.

"Aga natin ah" sarcastic kong sabi sa kanya. Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Sorry nalate ako ng gising tapos si Sam pa, inaway ako gawa ni Smoky" badtrip na paliwanag nya. Tsk iba talaga si Sammy, mas mahal pa talaga nya yung pusa nya kesa sa kuya Shawn nya lol.

A Hundred Days With You [ON HOLD] Where stories live. Discover now