Carla's POV
Pagkatapos ipatawag si Andy, kami na lang ni Analyn ang naiwan dito para hintayin sya.
"Anong oras kaya matatapos si Andy?" biglang tanong sakin ni Analyn.
"Hindi ko alam eh" sabi ko sa kanya.Nagbabasa sya ng libro habang ako nagdodrawing.
"Inalok na kaya sya ni Ma'am Cecille?"Anong inalok??
"Anong inalok, Analyn?"
"Narinig ko kasi kanina na kasali ang school natin sa isang International Competition sa France, kaya siguro pinatawag si Andy para alukin sya na sumali sa contest na yun"Ahh..so ganon pala.
"Naaawa na ko kay Andy"
"Bakit naman?"
"Kasi tingnan mo, halos wala na syang pahinga dahil sa mga projects sa school, idagdag mo pa yung pagiging SSG president nya edi mas lalo syang nahihirapan.Tapos kung aalukin pa sya para dun sa Competition, I'm sure di na nya yun kakayanin and maybe just maybe, bumalik yung sakit nya dahil don."pagkasabi non ni Analyn, bigla akong kinabahan.Pano nga kung bimalik yung sakit nya?!Ano nang mangyayari sa kanya?!
"If that's the case, I think we should help her." I said as I pull her to the office.
Andy's POV
Pagkapasok sa office, pinaupo kaagad ako ni Ma'am Cecille sa isang bakanteng upuan dito.
"Bakit nyo po ako pinatawag?" panimula ko.
"May gusto kasi sana akong irequest sayo eh" sabi nya.Ano naman daw kaya yun??
"Ano po yun?"Sabay nang pagsabi ko non ang pagbukas ng pinto at pagpasok nina Analyn.
"Oh Analyn,Carla buti naman at nandito din kayo.Maupo muna kayo"umupo naman sila sa tabi ko.
"Okay dahil kumpleto na kayo hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa.Pinapunta ko kayo dito dahil gusto kayong tanungin if you can join the competition in France" she said.France?!Competition sa France?!Aba matindi!
"Ano po bang Competition?"tanong ni Analyn.
"Well the said Competition is about making a Music Video about the beauty of your own country and sa buong Pilipinas, kayong tatlo ang piling estudyante na inanyayahang sumali don" Wow, so kaming tatlo lang sa buong Pilipinas ang may opportunity na makipag-compete sa France?!
"I hope na makasali kayo kasi kayo lang ang inaasahan nang bansa natin and we have a big trust on the three of you" sabi samin ni Ma'am.Ang saya lang kasi may tiwala sila sa kakayahn namin.
"Don't worry, we will do our best to win the competition" I firmly said before we went out the office.
**
"Ano na naman ba yang pinasok mo Andyyyy!!!" sigaw sakin ni Analyn, nandito kami ngayon sa kwarto ko para mag-usap.
"Alam mo namang puno na nga yung schedule natin at wala pa tayong pahinga, tapos sumali ka pa dyan!!!" sabi naman sakin ni Carla.Ano bang kinagagalit nang dalawang to?!
"Eh bakit ba kayo nagagalit at sumisigaw dyan?" sabi ko sa kanila.
"Hindi kami nagagalit sayo nag-aalala lang naman kami sayo"sabi ni Carla
"Bakit?"
"Kasi baka sa sobrang pagka stress mo, baka bumalik yung sakit mo, we were just afraid and worried about your condition" paliwanag naman ni Analyn.
"Don't worry about me, I can handle myself" I said to them.Ayoko na kasi sila pag-alalahanin ulit dahil sa kalagayan ko.
"If you need help, we are just here for you"Carla said.
"Tama sya, nandito lang kami kung kailangan mo nang tulong" sabi naman ni Analyn.I'm so lucky to have them here beside me, palagi nila akong iniintindi at inaalala.
"Thanks" yun lang ang sinabi ko bago ko sila niyakap nang mahigpit.
I'm so thankful to God because he gave me friends that are always there in times of need, laging nandyan sa tuwing malungkot ka, handa kang suportahan sa anumang gagawin mo at hindi ka iiwan na lang basta sa ere.
"Sana manalo tayo sa Competition para sa karangalan ng school at bansa natin" I said to them and they told me the words that will asure me that we will really gonna win, they said...
"Yes, we will definitely win this competition"
**
Ang ganda nang gising ko kaninang umaga at talaga nga namang ready na akong pumasok.Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako para mag-almusal.Pagkatapos kong kumain, lumabas na ko at sumakay na nang kotse ko.Nag-text pa ko kina Carla at Analyn para sabihin na on the way na ko papuntang school.
Pagdating ko sa school, agad kong hinanap sina Analyn.Asan na kaya yung dalawang yun?
Naglakad na lang ako papunta sa room namin, pero habang naglalakad ako, maraming bulungan ang naririnig ko.
"Ano ba yan, porket Top 1 nagmamagaling na sya"
"Oo nga"
"Napaka sip-sip talaga sa teacher"
"Masyadong pabida"
"Nagpapahanga masyado"
"Nagpapabida sa mga teachers para lang makasali sa Competition sa France"
Yun yung mga bulungang naririnig ko, at aaminin ko nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.Kasalanan ko ba kung ako yung pinili nila na sumali sa contest na yun?Kasalan ko ba kung hindi nila matanggap yun?Kasalanan ko ba?!
Hindi na ko tumuloy sa room namin at tumakbo na ko palayo.Rinig ko parin ang mga bulungan nila tungkol sa kin kaya hindi ko na napigilan ang umiyak habang tumatakbo.Gusto ko lang lumayo dito, gusto kong mapag-isa.Umuwi ako sa bahay namin at nagkulong sa kwarto ko.Iyak lang ako nang iyak habang sinasabi ko lahat nang nararamdaman ko.
"Bakit ganon sila, kailangan nilang siraan ang isang tao.Porket hindi lang nila matanggap na ako yung pinili nila, magagalit na agad sila sakin!Kung ayaw nila na ako yung lumaban, edi sabihin nila sa mga teachers na sila na lang yung sumali!Hindi ko naman talaga gustong sumali sa mga contest na ganon eh, edi sila na lang ang makipag-compete kung gusto nila!" I shouted.Ang sakit para akong sinampal ng paulit-ulit sa mga salitang narinig ko mula sa kanila.Pakiramdam ko wala silang tiwala sakin, na ayaw talaga nila sakin.
Tumayo ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko.Icha-chat ko na lang si Carla.Binuksan ko ang laptop ko at at nag-type na.
"Ang sama nilang lahat, wala silang tiwala sakin.Wala silang utang na loob tapos kung makapag-salita sila akala nila kung sino silang magaling.Ang sarap imudmod yung pagmumukha nila sa kumukulong tubig o kaya naman sa tae ng kalabaw!!!"sabi ko sa message na tina-type ko.Sa sobrang maga nang mga mata ko at sa antok na narardaman ko dahil sa pag-iyak, hindi ko na alam kung kay Carla o na-send ko na kay Carla yung message na yun at nakatulog na ko.
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Teen FictionIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?