Chapter 21

79 3 4
                                    

Zeke's POV

Ang dami naming ginagawa ngayon dahil sa booth, nakakapagod sya, oo, pero ayos lang naman at least mabenta yung raket namin di ba? Sulat dito, sulat doon, lakad dito, lakad doon, hayst daig ko pa nag-exercise neto eh!

Habang nag-aayos ng mga dares nila, biglang may grupo ng mga babae ang nagtutulakan sa pwesto ko at panay pa ang tili nila. Tsk tsk tsk, chillax lang mga miss, alam kong pogi ako pero sorry na lang, loyal kasi ako eh!

"Myghad bhie, di mo naman sinabi na ang dami pa lang pogi dito sa booth na 'to!"

"Ngayon ko nga lang din nalaman bhie eh! Buti pala talaga pumunta tayo dito!"

"Sinabi mo pa bhie! Willing ako magpadare at magpakulong dito!"

Kitams nyo na? Ang lakas talaga ng charms ko!

"Easy lang mga miss, ako lang 'to" nag-pogi sign pa ko sa kanila pero ang mga linta, ayun dinedma lang ang poging ako! Anak ng!

"Ahm sorry kuya, excuse me lang" hinawi nila ako sa daan at nilagpasan ako.

Akala ko papunta sila sa pwesto ko pero ang mga linta dun nagpunta sa cashier at sa may kulungan! Nandun nakapwesto sina Shawn at Ken, ang mga ateng linta naman na yun, ayun todo pacute sa kanilang dalawa! Like hello!!! Sa pogi kong 'to, dinedma nyo lang?!! Bulag ba mga yun??!! Anak ng! Eh lamang pa ko ng sampung paligo kaysa sa dalawang yun eh! Takte talaga oh!

Bumalik na ko sa trabaho ko at hindi na lang pinansin yung mga ateng linta na yun! Badtrip tuloy ako! Taena lang talaga -___-++

Nakabusangot ako habang nagtatarabaho nang bigla akong napatingin sa may tabihan ko. Ang tahimik ni Carla ah, tapos yung kakambal ko ayun panay sulyap lang kay Carla. Actually, kanina ko pa talaga napapansin na may kakaiba Kay Carla eh, nakangiti nga sya pero malungkot yung mga mata nya.

Lalapitan ko na sana sila pero bigla na lang nagtanong sa kanya si Zack. Mukhang nainis na si Carla sa kanya kaya tumahimik na lang si kambal at hinayaan na sya, pero dahil ako si Zeke, ang dakilang chismoso at alaskador, lumapit ako sa kanila at nakigulo.

"Haay nakaka-badtrip naman! Biruin nyo yun, nilagpasan lang ako ng mga babae na yun kanina at pumunta sila sa pwesto nung dalawang kumag?! Mga hindi marunong tumingin ng gwapo ang mga lintang yun! Tsk tsk tsk" tinawanan lang ako ni kambal at hindi na binigyan pa ng pansin ang mga hinaing ko sa buhay. Seriously, wala man lang support sakin ang kakambal ko?!! Yah! I hate you na!!!

"Pogi naman ako, pero bakit dinedma lang nila ako?!" tanong ko kay Carla pagkalapit ko sa kanya.

"Alam mo Zeke, wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo. At isa pa, walang may pake sa nga rants mo sa buhay, kaya mabuti pa bumalik ka na lang sa ginagawa mo!" Awtsu, burned ako mga pre!

"Wa-epek ba talaga charms ko?" Nag-pogi sign pa ko sa kanya pero sinamaan lang nya ako ng tingin.

"Tumigil ka nga Zeke! Isa pa talaga, sasapatusin na kita!" Yikes!

"Wag naman! Sayang ang pogi kong mukha kung makikipag-besohan lang ako sa sapatos!"

"Pogi? San banda, aber?" Aba't, tinatanong pa ba talaga yun??

"Hindi mo ba nakikita? Etong gandang mukha kong 'to na mala-Adonis ang hubog, tapos hindi mo makita? Aba ineng, magsalamin ka na!"

"HAHAHAHAHA! Ewan ko sayo, napaka-hangin mo talaga!"

"Ayan, edi tumawa ka na din!" Natigilan sya sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ayos na sakin na tawagin mo kong mahangin, ang mahalaga napangiti at napatawa naman kita" sabi ko sa kanya sabay wink. Boom! Iba talaga mga banatang Zeke Andrei Lynn! XD

A Hundred Days With You [ON HOLD] Where stories live. Discover now