Andy's POV
Mapapa-sana all ka na lang talaga kina Ken at Anna. Ang cute kasi nila, yung tipong ang showy ni Ken sa feelings nya tapos si Anna naman yung shy type na girl sa harap ni Ken.
Sarap jombagin nitong babaeng 'to eh! Masyadong pa-shy hahahaha.
Pero di mo naman sya masisisi, first time nya yung ganito eh. And knowing her personality? Expected na talaga na ganito ang reaction nya.
Pero ang swerte pa rin talaga ni Anna.
Tingnan nyo na lang kasi di ba, si Ken yung tipo ng tao na may cold and suplado aura. Yung type na nakakatakot i-aapproach but at the same time ang lakas ng dating?
Tapos sayo lang sya sweet at caring? Like boii sana all na lang talaga!!
Sa ganung way kasi, naipaparamdam mo na sa kanya kung gaano sya kahalaga sayo. Yung mga simpleng bagay na sa iisang tao mo lang ginagawa at pinapakita, sobrang saya na sa pakiramdam nun kasi feeling mo sobrang special mong tao.
Dumating na yung teacher namin ng first period kaya bumalik na kami sa mga upuan namin.
Kaka-upo ko pa lang nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Ghanna" lumingon naman agad ako sa katabi kong upuan, si Shawan pala yung tumawag sakin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Medyo lumapit sya ng konti sakin siguro para ibulong yung sasabihin nya. Lagot kasi kami kapag nahuli kami ng teacher namin na nag-uusap.
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" Nagulat naman ako sa tinanong nya na yun sakin.
I mean, ano namang pag-uusapan namin di ba?
Kahit lito pa rin ako kung bakit kami mag-uusap, pumayag pa rin ako. Mabait kasi akong tao eh.
Ang usapan is after class na lang kami mag-uusap dyan lang daw sa may malapit na coffee shop.
Naguluhan nga ako eh, I mean pwede naman kami mag-usap mamayang break time or kaya mamayang lunch pero mas gusto pa nya ay after class na lang daw.
Ayy ewan, bahala sya dyan.
– Break time –
"Haaayy, gutom na ko!" Sabi ni Zeke pagka-alis ng teacher namin sign na break time na.
"Palagi ka namang gutom!" Sabat naman ni Zack at ayun nagbangayan na sila dun.
Tahimik naman si Carla dun habang inaayos yung mga gamit nya.
"Tara na sa canteen" aya ni Ken kay Anna nung tumayo sya. Nakakakilig talaga itong mga 'to!
"A-yoko, di pa naman ako g-gutom" pagkasabi nun ni Anna bigla na lang kumalam yung tyan nya kaya natawa kaming lahat.
"Di ka pa pala gutom sa lagay na yan?" Patawang sabi ni Zeke kaya tumawa na din kami.
"Tara na nga! Gutom na ang mga alaga mo sa tyan!" Hinigit na ni Ken si Anna palabas ng room, nagrereklamo pa si Anna pero wala syang palag kay Ken.
Sumunod na din kami nina Shawn kina Ken at naglakad na palabas ng room.
On the way sa canteen, nakita ko na nag-iba ng way si Carla. San na naman kaya ang punta ng bruhang 'to??
Nagsabi ako kay Shawn na mauna na sila sa canteen, sya kasi kasabay ko sa paglalakad since nauna na samin yung apat.
Nagtanong pa sya kung san ako pupunta pero sabi ko na lang na susunod ako mamaya. Tumango muna sya sakin bago ako naglakad palayo.
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Roman pour AdolescentsIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?