I dedicate this chapter to callieya for the new cover of this story. Thank you bebe for giving me inspiration to continue and for supporting me from the very beginning. I promise to not disappoint you and everyone who reads this story of mine. Thanks and I love you!!!
Andy's POV
Kanina pa ko dito sa loob ng clinic at binabantayan si Shawn. Bumalik na din sina Anna at yung iba pa sa gym kasi marami pang naiwang gawain dun. Inaya din nila akong sumama sa kanila pero I refused, sabi magbabantay na lang muna ako dito and they agreed naman kaya naiwan ako sa clinic with Shawn still lying on the bed unconscious.
Sabi ng nurse wala namang serious injury na nakuha si Shawn and thank God di nabagok or what yung ulo nya. Nagkaroon lang sya ng konting cut and bruise sa likod dahil dun sa ladder.
Nagsisisi ako kasi dahil sakin kaya sya nandyan ngayon and at the same time thankful kasi kung hindi dahil sa kanya, ako siguro yung nandyan ngayon sa kama at walang malay.
Kaya din ako nagpaiwan kasi nagiguilty ako sa nangyari, alam ko naman na walang may gusto ng nangyari but I can't help myself to feel guilty. I want to stay by his side to make sure na okay sya at mabawasan yung guiltiness na nararamdaman ko.
Habang hinihintay syang magising, I felt tired siguro dahil na din sa mga nangyari kanina at yung pagod ko sa pag-aayos ng booth namin kaya nakatulog ako sa upuan sa tabi ni Shawn with my head rested on his bed.
Anna's POV
Nandito na kami ngayon sa gym and back to business na. Nasettle na din namin yung commotion kanina regarding sa nangyari kina Shawn at Andy. Wala namang may gusto ng nangyari kaya di na namin pinalaki pa yung problema.
"Kamusta na kaya yung dalawa dun sa clinic? Ayos lang kaya sila?" tanong sakin ni Carla. Iniwan kasi namin yung dalawa sa clinic, actually ayaw din namin umalis kasi nag-aalala din kami pero nag-insist si Andy na bumalik na kami sa gym kasi marami pang dapat tapusin.
"Ayos lang naman siguro sila dun, don't worry pupuntahan din naman natin sila dun mamaya" I assured her, nag-aalala din naman ako pero sabi samin ni Andy na magfocus na lang muna sa booth namin kaya ayun nga ang ginagawa namin.
"Sis, san namin to dadalhin?" Pinakita sakin ni Zack yung hawak nyang pintura, tapos na kasi kaming magpaint at nagliligpit na kami.
"Ilagay nyo na lang muna sa classroom natin tapos padala dito yung cartolina na white sa room" he just nodded at me tapos umalis na sya dala yung iba pang mga pintura.
"Hey, okay na ba to or dadagdagan pa ng designs bago ilagay sa taas?" Pinakita sakin ni Zeke yung sign board ng booth namin.
"Hmm I think okay na yan, pero itanong mo pa din kay Carla since sya yung naka-assign sa designs" tumango lang sya then pumunta na sa pwesto ni Carla para mafinalize na yung design ng sign board at maikabit na.
Nagtataka ba kayo kung bakit di ko tinatawag na kuya yung mga kuya ko? Well ayaw kasi nila na tawagin ko silang kuya kasi nagmumukha daw silang matanda kahit baby face pa naman sila. Ang arte noh? Hayaan na, ayoko din naman eh kasi trip ko lang hahahaha tsaka tinatawag ko lang sila ng kuya pag trip ko lang din at gusto ko sila asarin hahahaha.
Anyways, back to business na tayo about dun sa ginagawa naming booth. Patapos na din naman kami pero bukas babalik pa kami para ifinalize yung mga designs and para na rin makapag-prepare.
Sina Carla may tinatapos pa about dun sa designs kuno ng booth tapos yung iba kinakabit na yung sign board. Ako? Eto nag-aayos na ng mga ginamit namin. Di naman namin pwedeng iwan na lang basta yung mga materials na ginamit namin kanina kasi baka may madisgrasya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/78392798-288-k74536.jpg)
YOU ARE READING
A Hundred Days With You [ON HOLD]
Teen FictionIf you only have limited days to live in this world, how would you spend it? What are the things you want to do in your remaining life? Are you able to accomplish those things on time? Do you have the strength to face the reality?