02 : A GIRL WHO'S AFRAID TO LOVE

130 5 2
                                    

WILLY GONZAGA● 53 years old● Businessman● Mina's forever love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WILLY GONZAGA
● 53 years old
● Businessman
● Mina's forever love. A restaurant owner. Makulit and cool daddy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa bahay ni Mina

"Daddy! I'm home!" Sigaw ni Mina pagpasok ng bahay nila. "Daddy?!" Pagtawag ulit niya dahil hindi nasagot ang Daddy nya. Dumiretso si Mina sa kusina dahil naamoy nya ang masarap na amoy ng paella.

"Mmmmmmm... amoy pa lang daddy ansarap na ah!" Parang batang naglalambing na niyapos ni Mina ang daddy nya na ngayon ay nakaapron at nagluluto.

"Syempre! Ako nagluto neto e." Sagot ni Daddy Willy sa anak.

"Anong meron Daddy? Bakit ikaw nagluto? Tsaka ang aga mo din ngayon. Gulat ako nung nagtext ka na uwi ako maaga kasi magluluto kang dinner ih."

"ahhh? Wala lang. Miss ko lang ipagluto prinsesa ko." Nakangiting sabi ni Daddy Willy.

"Naks naman!" Patawang sabi ni Mina. Nag apron din ito at kinuha ang sandok sa Daddy nya. "Ako na po maghango Daddy. Palit ka na Daddy. Iutos ko na lang din kay ate Judith na iayos lamesa para makakain na tayo. Gutom na din ako ih. Hahaha!"

"Sige."

Pagkautos Ate Judith ay umakyat na din si Mina para magpalit ng damit. Ilang minuto ang lumipas ay bumaba na silang magDaddy para kumain.

"Nak, kamusta naman ang trabaho?"

"Okay naman po Daddy. Hindi gaanong katoxic ngayon compared last week."

"Good to hear. Ah! Nga pala kamusta lakad nyo kanina nina Eric?"

"ahhh, okay naman po Daddy. Mabilis lang din kami kasi alam mo naman baka mapansin si Matt dun e pagkaguluhan. Hehe."

"Sikat na kasi talaga yung kaibigan mo na yun. At gwapo lalo diba?" Tinignan ni Daddy Willy si Mina na parang inaasar o may panunukso.

"Ay nako Daddy, ayan ka na naman. Parang kapatid ko lang yung mokong na yun. Silang dalawa ni Eric." Napabuntong hininga si Mina.

"Di ka naman mabiro anak. Kelan mo ba balak magkaboyfriend? Natanda ka na. Natanda na din si Daddy. Baka patay na ako wala ka pa din asawa. Gusto ko din naman magkaapo." Patawang panunukso ni Daddy Willy sa anak.

"Bata pa ako daddy. Bata ka pa din. Matagal ka pa mamamatay! Tsaka Daddy, wag ka kasi. Wala akong panahon para mag isip ng lovelife. At ayoko din magkalovelife. Ayos naman na tayo lang diba." Napatingin lang si Mina sa malayo habang si Daddy Willy ay nakatingin sa kanya na mukhang nag aalala.

"Nasan na kaya yung mga bugok na yun?" Sabi ni Daddy Willy para mawala ang bigat ng usapan.

"Sinong mga bugo--"

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now