19 : WE'RE GETTING THERE

55 2 0
                                    

Nang matapos ang fireworks display ay bumalik na sa cafe sina Mina at Justin. Matagal ang naging kwentuhan ng dalawa.

Maghahating gabi na ng napagdesisyunan nilang umuwi na. Inihatid ni Justin si Mina sa bahay nito.

"Ingat ka pagmamaneho." Bilin ni Mina sa aktor. Nakatayo sila sa may gate ng bahay ni Mina.

"Salamat ha. So paano una na ako ha?" Pagpapaalam ni Justin.

Naglakad na si Justin papuntang sasakyan nya at napalingon ito ng tawagin sya ni Mina na papalapit sa kanya.

Pagkalapit sa kanya ng dalaga ay nanlaki ang mata ni Justin ng halikan sya nito sa pisngi.

"Salamat din." Pagkasabi nito ay patakbong bumalik si Mina sa may gate at kumaway muna sa binata na nakatingin lang sa kanya bago ito tuluyang pumasok ng bahay.

Nagmaneho ang aktor ng tuwang tuwa at mayat mayang hinahawakan ang pisngi na hinalikan ni Mina.

Nakatulog sa kanya kanyang kwarto ang dalawa ng may ngiti sa mga labi.

Araw araw ay nag uusap sa cellphone ang dalawa pag breaktime ni Mina sa trabaho o sa shooting ni Justin.

Araw araw ring pinapadalhan ni Justin ng bulaklak si Mina sa opisina na pinagtataka ng mga kasamahan nito at laging kinukulit si Mina kung sinong nagpapadala dahil "From J.M." lang ang nakasulat sa card ng pinadalang mga bulaklak.

Kung free sa weekend parehas ang dalawa ay nagkikita sila. Kumakain sa labas o kaya ay nagkukwentuhan sa park na malapit sa bahay nina Mina.

Pag busy si Justin ay gumagawa ito ng paraan na makaalis ng set at makasaglit na makipag kita kay Mina.

Sa tuwing lalabas ang dalawa ay nakasaklob lang si Justin at nang minsang tanungin ito ni Mina kung bakit hindi sya "magdisguise" ng mas maayos bukod sa saklob lang "Mas magdodraw ng attention pag ganun. E eto madali nang itangi pag may nakakilala sakin" ang sagot ng binata.

Pero dahil nagkasunod sunod ang schedule ni Justin sa shooting ng drama series, photoshoot at commercial tapings ay naging imposible na makatakas sya at makapunta kay Mina.

Habang nasa photoshoot ito ng isang fashion magazine ay makailang ulit itong nakaramdam ng pagkahilo pero binaliwala lang nya ito.

Matapos ang photoshoot at nagkagulo ang crew ng biglang matumba si Justin at mawalan ng malay.

Agad agad kumalat sa internet ang balita na nagcollapse si Justin. Pero hindi ito agad nalaman ni Mina dahil nasa "AWAY DAY" sya ng management committee. Itong ang araw kung saan lumalabas ng office ang management committee ng company (assistant VPs hanggang president). Nagmeeting sila pero at the same time ay nagrerelax para mawala ang stress.

Unfortunately ay nakalimutan ding magcharge ni Mina kaya buong araw patay ang cellphone nya. Kaya kahit ilang beses syang tawagan ni Matt ay hindi sya nito macontact.

Samantala napaconfine si Justin at pinayuhan ng doctor na magpahinga dahil sa sobrang pagod kaya ito nahimatay.

Alalang alalang dumating ng hospital ang lola ni Justin.

"Doc, how's my grandson?" Tanong nito sa doctor na nadatnan nya sa VIP room kung saan nagstay si Justin.

"He's okay na po Ma'am. Kailangan lang talaga nyang magpahinga." Sagot ng doctor at nagpaalam na itong lumabas.

Ibinilin na lamang ng lola ni Justin ang apo sa manager nito sapagkat hindi na nya maiintay na magising ito dahil may importante syang meeting napupuntahan at hindi pwedeng icancel.

Samantala pagkauwi ni Mina ay nag ayos na sya at nagpalit ng damit. Kinuha nya ang cellphone nya sa bag para maicharge. Nang magbukas ito ay nagsidatingan ang mga text ni Matt na nagsasabi na nasa hospital si Justin.

Agad tinawagan ni Mina si Matt.

"Nasaan sya nakaconfine? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Mina. Pagkasagot ng kaibigan ay agad nyang ibinababa ang telepono at agad bumababa. Sumakay sya ng sasakyan at nagmadaling magmaneho papuntang hospital.

Pagdating nya sa hospital ay nakasalubong nya ang manager ni Justin na papalabas upang ikuha ng gamit si Justin. Itinuro nito sa dalaga ang kwarto ng aktor at nakiusap na kung maaari ay samahan muna nito si Justin habang kukuha sya ng mga gamit nito.

Pumayag naman si Mina at dali daling nagpunta sa kwarto ni Justin.

Pagkapasok ay nakita nya ang aktor na tulog at may dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay.

Nilapitan nya ito at hinaplos ang pisngi. Kitang kita sa mukha ng dalaga ang pag aalala. Umupo si Mina sa silya sa tabi ng kama ni Justin. Pinagmamasdan lang ni Mina ang aktor.

Tumunog ang cellphone ni Mina. May natawag sa kanya na hindi nakaregister ang number. Agad nya itong sinagot. Yung manager pala ni Justin at sinabi nitong baka matagalan syang makapabalik dahil nagloko ang brake ng sasakyan nya at nakabangga ito ng isa pang sasakyan.

Pinakiusap muli nito si Mina na kung maaari ay wag muna nitong iwan si Justin habang wala pa sya. At umokay naman si Mina.

Hindi namalayan ni Mina na nakatulog na ito. At nang magising naman si Justin ay nagulat ito nang makita si Mina na nakasubsob sa may unan nya at tulog na tulog.

Hindi bumangon ang aktor at pinagmasdan lang din ang dalaga. Makailang beses nyang hinahaplos ang buhok ng dalaga at hindi mapigilang mapangiti.

Nang imulat ni Mina ang mga mata nya ay ang ngiti ni Justin ang bumungad sa kanya. Nakahiga si Justin at nakatitig sa kanya na nakangiti.

"Oh gising ka na pala." Agad tumayo si Mina at nag aktong palakad ng hilahin sya ni Justin at laking gulat nya ng mapaupo sya sa tabi ng binata sa kama.

Titig na titig kay Mina si Justin. Ang bilis ng tibok ng puso ng dalaga. Hindi nga alam ang gagawin nya. Hindi sya makatayo at hindi din binibitawan ni Justin ang pagkakahawak nito sa kanya.


I Love You From The StartWhere stories live. Discover now