13 : OUT OF TOWN

57 2 0
                                    

Kinabuksan sa condo parin ni Matt.

Maagang nagising si Matt. 6am pa lang ay gising na sya. Halos apat na oras lang itong nakatulog dahil lagpas 2am na sila natapos ni Eric.

Paglabas nya ng kwarto ay nakahiga sa couch sa living area si Eric na tulog na tulog pa. Nilapitan nya ito at tinapik sa braso.

"Gumising ka na. Maaga pa tayo." Utos nito.

Ni hindi man lang mumulat si Eric. Muli itong tinapik ng kaibigan at ngayon ay medyo nilakasan na ni Matt.

Mumulat si Eric. "Oh. San tayo pupunta ba?" Tanong nito habang antok na antok pa.

"Babawi ako kay Mina. Diba sinabi ko sayo bago ka matulog na gigising tayo maaga." Sabi ni Matt habang hinihila patayo ang kaibigan.

Ayaw talagang tumayo ni Eric at pilit pinipigilang mahila ng kaibigan patayo. Binitawan na sya ni Matt.

"Nalimutan ko sasamahan ko nga pala si Mommy sa doctor ngayon. May sched sya na check up ngayon." Sabi nang nakpikit pa ding si Eric.

"Hindi mo yan sinabi sakin kanina!" Hinagisan ni Matt ng unan si Eric at bumalik ng kwarto.

Pagkapasok ng kwarto ay kumuha ito ng backpack naglagay ng mga damit at toiletries.

Pagkatapos magprepare ay lumabas na ito muli ng kwarto. Nakasuot ito ng stripes black and white cotton longsleeves, dark blue shorts at white sneakers. Bago lumabas ng condo ay binalikan nito si Eric at muling hinampas ng unan sa paanan.

Pagkasakay ng sasakyan ay inilabas nito ang kanyang cellphone at tinawagan si Mina.

"Oh?" Sagot ni Mina sa kabilang linya na halatang nagising lang sa tawag na yun.

"Dyan ako after 30 to 40 minutes. Magprepare ka. Magdala kang gamit for the whole weekend. And magshorts, t-shirt at sneakers ka na lang ngayon." Utos ni Matt.

"Ha?"

"And don't forget to bring sunscreen para sa mukha." Dagdag pa ni Matt. "Ah! Dala ka na din ng sunglasses at saklob." Pagkasabi ay ibinaba na nito ang cellphone.

Samantalang si Mina ay hindi alam ang gagawin dahil nagulat na lang sya na ang agang tumawag ng kaibigan nya na inutusan sya ng kung ano ano.

Bumalik sa pagkakatulog si Mina. Pero wala pang limang minuto ay tumawag ulit si Matt.

"Wag ka nang matutulog ha. Seryoso ako susunduin kita. On the way na ako."

Napabalikwas sa pagkakahiga si Mina nang ibaba na ng kaibigan ang tawag. Dali dali itong naligo at nag ayos ng mga kelangan nyang damit.

At maya maya pa ay tumatawag na muli si Matt. Sinabi nitong nasa labas na sya ng bahay ni Mina at kung okay na ay lumabas na din ang dalaga.

Matapos icheck kung may nalimutan pa ay dali daling bumaba si Mina at lumabas ng bahay.

Pagbukas nya ng gate ay nakita nyang nakatayo at nakasandal sa labas ng sasakyan ang kaibigan.

"Oh? Saan tayo pupunta?" Sabi ni Mina nang lapitan nito si Matt.

Kinuha ni Matt ang bag na dala ng kaibigan at inilagay sa likod na upuan ng sasakyan.

"Basta tara na. Diba sabi ko babawi ako." Pumasok na ito ng sasakyan at ganun din si Mina.

"Matulog ka na muna ulit." Utos ni Matt nang mapansing panay ang paghikab ng kaibigan.

"San ba tayo pupunta?"

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now