04 : STAR BALL

92 4 1
                                    

Dumating na ang araw ng Star Ball. Maaga sanang babangon si Mina pero natulog sya ulit dahil naalala nya ang sabi sa kanya ni Matt nung tumawag ito kagabi.

"Tanghali ka nang gumising ha. Magbeauty rest ka. Ayokong malaki pa sa mata ko yung eyebags ng date ko."

Kaya tanghali na nga syang gumising. Matapos ng lunch ay dumating na ang P.A. ni Matt na si Ruby para sunduin si Mina.

"Hindi na makaalis ng condo si Matt. Dumating na si Sir Billy e ayun nanonoxic na naman agad doon. Andami na agad bilin kay Matt." Paliwanag ni Ruby kay Mina.

"ah ganun ba Ate Ruby. E di badtrip na naman si Matt nyan."

"Hindi din. Sanay na sya eh. Hahahahaha!"

Tawanan lang sila sa sasakyan habang papunta sa condo ni Matt. Dahil itong si Ruby ay may taglay na kadaldalan at kakulitan.

Pagdating sa condo ay umakyat na agad sila.sa unit ni Matt.

"Hi Carmina." Bati ni Billy kay Mina.

"Hi po." Nakangiting sagot ni Mina.

"Well, ayusan nya na si Mina." Utos ni Billy sa 2 make up artist ni Matt na napatayo agad mula sa pagkakaupo sa couch.

"Hi girl, kamusta ka na? Hindi mo ba kasama si pogi?" Tanong ni Bennie ang pioneer makeup artist ni Matt. Nag uumpisa pa lang sa showbiz si Matt ay makeup artist na nya itong si Bennie. Kaya naman kilala na din nya si Mina.

"Sinong pogi naman ateng?" Pagtatanong ni Mina na may pagtataka.

"Si Papa Eric."

"Ah, out of the country sya may seminar."

"Ay sayang naman. Sya, ayusan ka na namin. Eto pala si Angel." Ipinakilala ni Bennie yung isang makeup artist. "Bago lang sya."

Kumaway lang si Angel na mukhang mahiyain. At nginitian din sya ni Mina.

"Anong gusto mong ayos Mina?" Tanong ni Bennie.

"Yung ayos na gaganda si Mina."

Napalingon si Mina at nakita nya si Matt na may tuwalya pa sa palikat at mukhang kakaligo lang.

"Maganda naman na si Mina ah." Sabi ni Bennie.

Tumawa lang si Matt na mukhang inaasar si Mina.

"Kahit ano Bennie, kaw na bahala. Ikaw naman expert kaya go lang." Sabat ni Mina para dedmahin ang pang aasar ni Matt.

Nag umpisa nang ayusan ni Bennie si Mina. Samantalang si Angel naman ang nag aayos kay Matt. Si Billy ay binibilan ng mga dos and don'ts si Matt.

Naunang natapos ayusan si Matt at pumasok na ito sa kwarto nya upang magpalit ng tuxedo.

"Gwapo ba?" Tanong ni Matt habang lumalapit kay Mina na malapit na ding matapos ayusan.

"Kung sabihin ko bang hindi maniniwala ka?" Pangbabara ni Mina.

"Syempre hindi. Hahahaha! Sige tapusin nyo muna yan. Sa kwarto lang ulit ako ha. Tawagin nyo na lang ako pag okay ka na." Nakangiting sabi ni Matt at bumalik na sya sa kwarto.

Matapos ayusan si Mina ay sinamahan sya Rubi sa guest room upang magpalit ng damit. Paglabas ng kwarto ay nasa napatulala si Bennie, Angel, Billy at Matt dahil sa kagandahan ni Mina na lalo pang dinagdagan ng elegante nyang black gown.

"Si Anton talaga ang pinakagusto kong couturier. Napakaelegante ng mga design nya. Bagay sayo yang gown na yan Carmina." Papuri ni Billy.

Ngiti lang ang isinagot ni Mina.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now