09 : PAST IS PAST

73 5 0
                                    

Tumigil sa harap ng isang kainan sina Matt.

"Nanay Caring's Silogan (Open 24/7)" ang nakasulat na pangalan ng kainan. Walang kumakain ngayon sa loob dahil lagpas 12 midnight nadin.

Pagbaba ng sasakyan ay sinalubong agad sila Matt ng isang ale na medyo may katandaan na pero maliksi pa ding maglakad.

"Matteo! Carmina!" Bati nito habang lumalapit sa dalawa. Nang makalapit ay sinilip nito ang loob ng sasakyan ni Matt. "Si Enrique?" Tanong nito.

"Nanay, kami lang pong dalawa." Nakangiting sagot ni Matt habang hinawakan ng may paglalambing ang balikat ng matanda.

"Kamusta po Nanay?" Ang bati ni Mina.

"Hala sige. Pumasok muna kayo at doon tayo sa loob magkamustahan." Aya ng matanda habang hila hila na si Mina papasok sa kainan.

Pagkaupo ng dalawa sa loob ay nagpaalam ang matanda at ipinagluto sila. Pagkaluto ay lumabas ito na may dalang dalawang tapsilog. Scrambled egg kay Matt at sunny side up kay Mina.

"Oh kumain na muna kayo." Ipinatong nito ang mga pinggang may pagkain sa lamesa at tumabi sa kanilang dalawa.

"Kamusta kayo? Tagal nyong hindi naliligaw dito ah. Pati bakit hindi nyo naman sinama si Eric" Tanong ng matanda.

"Okay naman kami Nanay. Pasensya na at hindi kami laging nakakadaan. Busy lang kasi sa kanya kanyang trabaho." Paliwanag ni Matt.

"Opo Nanay. Busy lang talaga. Si Eric po ay may date ngayon kaya hindi nakasama." Dagdag ni Mina.

"Hindi pa din talaga nagbabago ang batang iyon. Playboy pa din. Tsk tsk." Pabirong sabi ni Aling Caring. "Oh sya maiwan ko muna kayo. Kumain muna kayo. Pag may kelangan nasa kusina lang ako ha." Pagtapos ay bumalik na ng kusina ang matanda.

Nag umpisa nang kumain si Matt. Samantalang si Mina ay napatulala na naman.

Inabot ni Matt ang pinggan ni Mina. Ipinatong nya sa fried rice ang sunny side up egg at saka ito hinati para lumabas ang yolk. Pagkatapos ay ibinalik nya ito sa harap ni Mina. Hinawakan nya ang mga kamay ng dalaga at pinahawakan dito ang kutsara at tinidor. Napatingin sa kanya si Mina. Nginitian niya ang dalaga at sinenyasan na kumain na.

Ngumiti ang dalaga sa kaibigan at nag umpisang kumain. Pagkasubo ng isa ay napansin ni Matt na may tumulong luha sa kaibigan. Walang anu anu ay hinila niya ito papalapit sa kanya at niyapos niya.

Pumatak na nang dirediretso ang luha ng dalaga habang mahigpit syang niyapos ni Matt.

*flashback - last year ng college

Nakaupo sina Matt at Eric sa loob ng silogan ni Nanay Caring.

"Gago talaga yun! Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ko sya pinayagang ligawan si Mina." Pagalit na sabi ni Matt habang nakatikom ang mga kamay na nanginginig sa galit.

"Nanggigigil ako ngayon Matt hindi ko alam magagawa ko pag nakita ko yung gagong yun." Sabi ni Eric na galit din.

"Saan na daw ba si Mina?" Tanong ni Matt.

"Teka tatawagan ko." Sabi ni Eric habang idinadial ang number ni Mina para tawagan.

"Dito na ako!" Sabi ni Mina mula sa likuran ng dalawa. Kakadating lang nya. Ibinababa nya salang libro sa lamesa at naupo aa tabi ng mga kaibigan.

"Oh bakit ganyan mga mukha nyo?" Itinanong nya sa mga kaibigan na bakas na may pag aalala sa mga expression ng mukha nila. "I'm fine." Ngumiti ng pilit si Mina. "Nanay! Tatlong tapsi! Alam mo na po luto ng mga itlog!" Tawag ni Mina kay aling Caring.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now