12 : A PIECE OF ADVICE

66 3 0
                                    

Nakailang araw matapos ang presscon ay ipinalabas na ang drama series na Just the way you are at sa unang araw pa lang ay ang taas na ng ratings nito. Laging trending sa social networking sites ang mga topic tungkol dito. Ilang araw na ding usap usapan ang mga sagot ni Justin at Matt sa presscon.

Samantalang sa opisina ni Mina.

"Knock knock." Sabi ni Eric habang kumakatok sa bukas na pintuan ng opisina ni Mina.

Pagkakita sa kanya ni Mina ay pumasok ito sa loob at umupo sa mesa.

"Daanan kita mayang uwian?" Tanong ni Eric sa kaibigan na ngayon ay nakaharap sa monitor at may tinatype.

"Yes please. Sabay tayo wala akong dalang sasakyan." Pangiting sagot nito na hindi inaalis sa monitor ng tingin.

"Nagcommute ka lang?"

Umiling si Mina. "Hinatid ako ni Daddy."

"Si Matt daw ba?" Tanong ni Eric.

"Hindi naman sumagot nung nagmessage ako sa kanya e." Sagot ni Mina.

"Ah baka busy pa." Pagkasabi ay tumayo ito at naglakad na papuntang pintuan. Lumingon muna ito bago lumabas. "Maya na lang. Basta libre mo ha, ikaw nag aya remember." Pasabol ni Eric at tuluyan ng lumabas.

Nang oras na nang uwian ay tinawagan ni Mina si Eric at sinabing mauna na ito pagbaba at susunod na lang sya.

Pagdating sa parking ay nilapitan ni Mina ang sasakyan ni Eric at kinatok ito nang matanaw na nasa loob na si Eric. May kausap ito sa cellphone at ibinaba bago buksan alisin ang lock ng pintuan para makapasok si Mina.

"Sino kausap mo?" Tanong ni Mina habang umuupo sa passenger seat.

"Si Matt."

"Anong sabi? San na daw sya?"

"Susunod na lang daw sya. Kaso baka late na nga late. Hapon na daw nag umpisa shooting nila. Late na daw dumating yung si Kristine kaya hindi agad nakapag umpisa." Paliwanag ni Eric.

Tumango lang si Mina. Si Eric naman nag nagdrive na.

After ng ilang minutes na pagdadrive nakarating na sila sa Greenbelt. Pagkapark ay dumiretso na ang mga ito sa Redbox kung saan nagpareserve si Mina ng isang booth para sa kanilang tatlong magkakaibigan.

Pagkaturo kung sang booth sila ay pumasok na sina Mina at Eric doon.

"Hala! May iba ka pa bang inaya?" Tanong ni Eric kay Mina pagkakitang malaki yung ipinareserve na booth ni Mina.

"Wala tayo lang tatlo. May billiard table kasi kaya eto pinareserve ko. Miss ko na kayang magbilyar." Sagot ni Mina na umupo sa couch.

Binuklat agad ni Eric ang song book at nang mahanap ang favorite nyang kanyang "It Might Be You" ay nag umpisa na itong kumanta. Nakailang kanta si Eric nang dumating na ang pagkain nila.

"Sinong tinatawagan mo?" Tanong ni Eric kay Mina nang mapansin nitong may dinadial sya sa cellphone.

"Ah si Matt. Tanungin ko anong oras sya makakapunta."

Nakailang tawag ito pero hindi sumasagot si Matt.

"Baka nasa shooting pa." Pagkasabi ni Eric nito ay ibinaba na ni Mina ang cellphone nya.

Kinuha nya ang song book at nagtype na din ng mga nahanap nyang kanta.

Sa gada pagtapos kumanta ni Eric ay kakanta din si Mina. Nang mapagod ay tumigil na ang mga ito.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now