25 : THE INTERVIEW

30 1 0
                                    

Nilapitan ni Justin si Mina na nagsimulang tumulo muli ang mga luha. Niyakap nito si Mina nang mahigpit.

"Bakit hindi mo sakin sinabi?" Tanong ni Justin na yakap pa din si Mina.

"Ha?"

"Bakit hindi mo sinabing nasasaktan ka na pala? Bakit kay Matt ko pa nalaman?"

"Kay Matt?"

"Oo. Tinawagan nya ako at sinabi na puntahan kita dito sa lugar kung san ka pumupunta pag nalulungkot ka."

Hindi umimik si Mina. Tumulo lang nang tumulo ang mga luha nya. At lalong hinigpitan ni Justin ang pagkakayakap sa kanya. Nang humupa na ang pag iyak ni Mina ay inaya sya ni Justin ba maupo sa bench.

"Sorry Mina. Sorry if I caused you pain. Sorry kung di kita naprotektahan. I'm really sorry."

"wag lang magsorry hindi mo naman kasalanan."

"Bukas na bukas gagawan ko ng paraan para matigil na to."

"Ha?"

"Basta. Wag ka nang iiyak ha. Please."

Tumango lang si Mina. Lumipas ang mga minuto na tahimik lan ang dalawa na nakatingin sa mga bituin. Magkahawak ang mga kamay at nakahilig si Mina sa balikat ni Justin.

Nang mapansin ng dalawa na hatinggabi na ay napagdesisyunan nilang umuwi na.

Inihatid ni Justin sa bahay si Mina. Nang makarating ng kwarto ay agad humiga si Mina at nakatulog.

Samantalang habang nasa sasakyan pauwi ay may tinawagan si Justin.

"Tito Boying, magpapainterview na ako. Tomorrow. Just call my manager for the details. Thanks." Pagkasabi ay ibinaba na ni Justin ang cellphone nya.

Kinabukasan hindi pumasok si Mina dahil masama ang pakiramdam nya. Dahil na din sa pag iyak nya ng sobra kagabi.

Hindi sya lumabas ng kwarto at nakahiga lang sa kama. Paminsan minsang binubuksan nya ang browser sa cellphone nya pero hindi nya itinutuloy magsearch ng tungkol sa kanila ni Justin dahil alam na nastress lang sya.

Naisipan na lang nyan magbukas ng TV. At nang pagbukas nito ay isang morning talk show ang palabas at nanlaki ang mata ni Mina ng makita na si Justin pala ang guest sa show.

"So Justin, thanks sa pagpapaunlak mo sa programa na magsalita regarding sa issue na lumabas tungkol sayo." Sabi ng talk show host.

"Hindi na ako dapat magsasalita talaga Tito Boying kasi personal ko nang buhay yun kaso nadadamay na po kasi yung tao na ayokong madamay." Sagot ni Justin.

"Kung gayon Justin, diretsyahan na tayo. Sino nga ba ang kasama mo sa pictures na kumakalat ngayon? Girlfriend mo nga ba sya?"

"Opo Tito Boying. She's my girlfriend."

"Totoo ba ang mga speculation na kaya kayo nagbreak ni Kristine ay dahil dito sa sinasabi mong girlfriend ko ngayon?"

"No Tito Boying. First of all hindi naman naging kami ni Kristine e." Pagkasabi nito ay bulungan ang audience sa studio na nagulat sa sinabi ni Justin. "Kristine and I, we're just friends. Good friends. Hindi ko masisisi yung mga fans namin na nag assume na kami kasi ako if magkakaroon ako ng iniidolong loveteam gusto ko ding maging sila in real life. Pero samin po ni Kristine, hindi po kami. Hindi po naging kami." Pagkasabi nito ay nagbulungan ang mga audience na nagulat sa sinabi ni Justin.

"So sinasabi mo ngayon Justin na hindi naging kayo ni Kristine?"

"Opo."

"Mga haka haka lang pala yung mga kumakalat dating balita na in a relationship kayo ni Kristine."

"Opo Tito Boying."

"So this girlfriend of yours, she's not from showbiz right?"

"Opo Tito Boying."

"Pero nung lumabas yung pictures nyo may lumabas din na picture na kasama ni Matt Gonzales si girlfriend mo nung last star ball."

"Tito Boying, my girlfriend and Matt Gonzales are friends." Ikinagulat na naman ng audience ang revelation ni Justin.

"Ah so thru Matt kayo nagkakilala?"

"Parang ganun na nga po."

Nakailang tanong ang host kay Justin at lahat ay malinaw na sinasagot ng aktor.

"Bago tayo magpaalam, may gusto ka bang sabihin sa mga supporters mo at sa babaeng nagpapatibok ngayon ng puso ni Justin Mendiola." Pahabol ng host.

"Una sa mga supporters ko, ng loveteam namin ni Kristine, sana kung paano nyo kami minahal ni Kristine sana ganun nyo din mahalin yung babaeng minamahal ko ngayon. Please sana wag na lang natin sya sabihan ng masasakit na bagay kasi parang sinaktan nyo na din ako pag ganun." Nakangiting sabi ng aktor. "At sayo, alam mo na kung sino ka, andito lang ako parati para sayo kahit ano mangyari. Sorry talaga kung nagugulo yung tahik mong buhay. I love you so much."

At matapos mag paalam ng host ay natapos na din ang show. Tumayo si Mina at kunuha ang cellphone nya. Tinawagan nya ang nobyo pero hindi ito masagot dahil baka hindi nito hawak ang cellphone dahil kakatapos lang ng live guesting nya.

"Justin, I love you too. Thank you." Ang iniwang voicemail ni Mina sa aktor.



I Love You From The StartWhere stories live. Discover now