28 : GOOD BOY GONE BAD

74 1 0
                                    

*flashback

"Ihatid na kita." Aya ni Wil nang nakita ang anak na palabas.

"Wag na po Daddy. Magtataxi na lang ako. Nagpatawag na ako kay Erika." Sabi ni Mina.

Dali dali si Mina na lumabas at sumakay sa taxi na nag aantay sa harapan ng bahay nila. Bitbit nya ang isang box na nakawrap na parang regalo. Binuksan nya ang bag nya at chineck ang envelop na may lamang 2 ticket sa isang classical music concert. Ito kasi ang music na paborito ni Gabby.

Ilang minuto pa ay nakarating na si Mina sa condo kung san nakatira si Gabby. Solo lang si Gabby sa bahay dahil sa Singapore na nakatira ang parents nya dahil sa work.

Ngayon ang birthday nya at gusto nya itong isurprise sa pag ayang manuod ng concert.

Nakangiti si Mina na umakyat sa floor ng unit ni Gabby. Nakailang ring ng doorbell si Mina bago pa may magbukas ng pintuan.

Nanlaki ang mga mata ni Mina at hindi namalayang nabitawan nito ang hawak na regalo at tickets nang makita na isang babae na nakatapis lamang ng tuwalya ang nagbukas ng pintuan. Pintuan ng bahay ng boyfriend nya.

Tuluyang tumulo ang luha ni Mina ng makitang lumabas si Gabby na nakaboxer shorts lang. Napatigil at halatang gulat din ang binata nang makita na si Mina na nakatayo sa labas ng kanyang condo unit.

Pinunasan ni Mina ang luhang pumapatak sa mga mata nya at dali daling naglakad papalayo ng unit ni Gabby.

"Mina wait!" Sigaw ni Gabby na papalapit sa nagmamadaling si Mina.

Tila walan narinig si Mina at bagkus ay dirediretso sa pagpindot ng button ng elevator pababa.

Hinawakan ni Gabby ang braso nya at hinila ito upang tumingin sa kanya.

"Let me explain." Ani Gabby.

Inalis ni Mina ang pagkakahawak ni Gabby sa kanya. At umiwas ng tingin.

"Hindi ko alam panong nangyari. Nagkaayaan ang team kagabi. Napainom ako. Hindi ko namalayan nalasing ako. Wala na akong matandaan. Ni hindi ko nga alam paano ako nakauwi. And that girl, hindi ko alam paanong nangyari pero when I woke up katabi ko na sya. I'm sorry. Hindi ko talaga alam nangyari. Wag na natin to palakihin please." Paliwanag ni Gabby.

Napabuntong hininga si Mina. "So you're telling me wala kang alam. Hindi mo alam ginawa mo. Na nagising ka na lang may katabi kang babae sa kama mo! Na wag na nating palakihin?! So kakalimutan na lang natin yung nakita ko ngayon??? Ganun ba?!" Muling humarap si Mina kay Gabby. "Hindi ako ganun katanga. Kahit lasing na lasing ka or kahit ano pang dahilan mo, you slept with another woman! Period!."

Nang nagbukas ang pinto ng elevator ay sumakay na dito si Mina. Naiwang nakatingin lang si Gabby habang sumasara ang pinto nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now