22 : PAPARAZZI

43 1 0
                                    

Nakalipas ang ilang linggo mula nang maging magboyfriend-girlfriend sina Justin at Mina. Mula rin ng gabing kausapin ni Matt si Justin ay hindi nagpapakita o tumatawag at nagtetext man lang kay Mina ang kaibigang aktor.

At dahil sikat itong si Justin ay madalas sa hindi puntahing lugar nagdedate ang magnobyo. O kung lumalabas sila ni Mina ay kinakailangang nakashades, saklob o eyeglasses si Justin para hindi sya makilala ng ibang tao.

Kung minsang nagdedate sila sa public places ay maingat na maingat silang dalawa na walang makakilala sa aktor.

Isang weekend ay dinalaw ni Justin si Mina sa bahay.

"Sayang hindi na naman kayo nag abot ni Daddy." Sabi ni Mina sa nobyo.

"Hayaan mo na magkakachance din na magkita kami." Pangiting sabi ni Justin habang kinuha ang isang leaflet na nakapatong sa side table ng kama ni Mina.

"Leaflet yan nung animal show na dapat panunuorin namin nina Matt at Eric last week kaso kinancel naman ni Matt." Sabi ni Mina na umupo sa tabi ni Justin. "Loko yon. Sya yung nagset nyan e. May ticket na kami last month pa, tas sya itong magkacancel bigla." Pasimangot na sabi ni Mina.

"ahh. Close pala talaga kayo ni Matt no." Sabi ni Justin habang itinuro ang isang corkboard na nakasabit sa pader ng kwarto ni Mina kung saan naka-pin ang pictures ni Mina kasama sina Matt at Eric.

"Diba sabi ko nga sayo, college pa lang friends na kami."

Ngumiti lang si Justin at binalikan ng tingin yung hawak na leaflet.

"Gusto mo pa rin bang manuod?" Tanong ang aktor sa kasintahan.

Nagulat si Mina at nang mapansin ito ni Justin ay itinuro nito yung hawak nyang leaflet na parang ang ibigsabihin ay yung animal show na nakalagay dito.

Tumango lamang si Mina na ngiting ngiti at halatang halatang excited.

"Para kang bata." Natatawang sabi ni Justin habang ginugulo ang buhok ni Mina na parang ginagawa pag may pinupuring bata.

Inialis naman ni Mina ang kamay ng binata sa buhok nya. "Bata pa naman ako talaga ah!"

Natawa lang si Justin at niyapos ang kasintahan. "Sige bukas punta tayo."

Ngiting ngiti si Mina na tumatango.

Kinabukasan ay sinundo ni Justin si Mina.

Pagdating nila sa venue ng animal show ay medyo madami nang tao. May mangilan ngilan na napapatingin kay Justin na parang mamumukaan sya. Kaya naman ay mabilis nila itong mga iniiwasan.

Makailang minuto ay nag umpisa na ang show. Tuwang tuwa ang mga manunuod sa galing ng mga hayop na nagpakita ng iba't ibang tricks.

Napapatingin si Justin sa kasintahan na tuwang tuwa habang nanonood. Habang paminsan ay nakikita din ni Mina na tuwang tuwa din si Justin na nanunuod.

Sa sobrang tuwa nina Mina at Justin panunuod ay hindi nila napapansin na may isang lalaki na makailang beses nang kumukuha ng pictures nilang dalawa.

Pagkatapos ng animal show ay nagpunta naman ang dalawa sa venue ng light and sound show.

"Alam mo ba nung bata ako, lagi akong dinadala dito ni Daddy pag nag aaway kami." Patawang kwento ni Mina habang pinapanuod ang makulay na ilaw na sumasayaw sa himig ng tugtog.

"Ha? Nag aaway?" Tanong ni Justin.

Tumango si Mina. "Yah. Nag aaway. Kasi pag nalelate sya sa pagsundo sakin sa school. Or pag nalelate sya sa recital ko. Basta pag nagtatampo ako sa kanya. Haha!" Natatawang pag alala ni Mina.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now