14 : ALWAYS BY YOUR SIDE

69 2 0
                                    

Sunod na pinuntahan ng magkaibigan ang Adventure Tower. Andito ang wall climbing, rappelling, free fall at roller coaster zipline.

"Tatry mo lahat ha. Itatry natin lahat!" Utos ni Matt sa kaibigan habang sinusuotan ng safety helmet.

Nagpapadyak si Mina bilang pagtutol sa kaibigan pero imbis na pansinin nya ito ay nagpatuloy si Matt ng pag aayos ng straps na kakabitan ng harness sa Adventure Tower.

Unang nagpunta sa wall climbing sina Matt. Natapos ni Matt ang pag akyat hanggang dulo samantalang hindi pa nangalahati si Mina at umayaw na. Nang umakyat sila para magrappelling ay makailang ulit na nagtry magback out si Mina pero hindi sya pinayagan ni Matt. Kaya kahit takot na takot ay sumabak sa rappelling ang dalaga. Pagkababa ay inaya ulit ni Matt na umakyat si Mina para itry ang free fall pero this time hindi na talaga nya napilit si Mina.

Makatapos gawin ni Matt ang free fall ay pinuntahan nito si Mina na ngayon ay nakaupo sa isang covered area ng adventure park. Hinila nya ito pabalik ng adventure tower. At kahit gaanong pagpiglas sa kaibigan ay hindi sya nito binitawan.

Umakyat muli ang magkaibigan para maexperience ang Avatar one o ang roller coaster zipline.

Pagdating sa taas ay takot na takot si Mina.

"Mauna ka na." Sabi ni Matt na marahang itinulak si Mina papalapit sa facilitator.

Umiling lang si Mina. "Ayoko bababa na ako."

"Ganto na lang." Hinawakan ni Matt sa dalawang balikat si Mina. "Uuna ako para tignan mo na hindi naman talaga nakakatakot kasi makakaya ko."

Matagal munang nag isip si Mina bago tumango. Ngumiti si Matt at nag senyas ng okay. Lumapit na sya sa facilitator. Pinaupo sya nito sa at ikinabit ang harness. Binuksan ng facilitator yung harang at dahang dahang itinulak si Matt.

"Wooooooooo!!!!" Sigaw ni Matt na parang tuwang tuwa.

Nilingon ng lalaking facilitator si Mina.

"Okay na Maam?" Tanong nito.

Umiling si Mina. "Si kuya muna." Turo ni Mina sa lalaking kakadating lang.

Pinauna ng facilitator yung lalaking sumunod kay Mina.

"Maam inaantay ka na po ng boyfriend nyo sa baba." Sabay turo kay Matt. Sinilip ni Mina ng mabilis si Matt nang makita sya nito ay kinawayan sya at sumenyas na parang itry na nya.

Lumapit si Mina sa facilitator. "Safe ba talaga yan ha kuya?"

"Opo naman maam kita nyo nga yung boyfriend nyo safe naman nakababa."

"Sure ka ha. Tsaka di ko yun boyfriend." Paliwanag ni Mina na pinaupo na ng facilitator at inaayos na ang harness.

"Ah akala ko pa naman. Suwerte mo sana maam kasi kahawig yung artista na si Matt Gonzales e."

"Grabe ka kuya bakit kung sakali na boyfriend ko sya ang lagay ako lang swerte kasi gwapo sya. Sya hindi swerte sakin."

"Hahaha! Hindi naman sa ganun maam." Patawang sagot ng facilitator na nakahanda nang itulak si Mina. "Ready ka na maam?" Pero hindi pa nakakasagot si Mina ay itinulak na sya ng facilitator.

"Ahhhhhh!!!! Grabe ka kuya!!!! Ahhhh!!! Ayoko na talaga!!!!" Naiiyak na sabi ni Mina.

Nang malapit na sa dulo ay umakyat si Matt sa platform na titigilan ng zipline. Pagbaba ni Mina ay nagpupunas itong luha.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now