16 : OUTREACH PROGRAM

52 1 0
                                    

Nakalipas ang ilang linggo matapos ang dinner nina Mina at Justin. Dahil napagdesisyunan ng dalawa na maging magkaibigan na lang ay madalas ng tetext si Justin kay Mina para mangamusta at nagreresponse naman ang dalaga.

Ilang beses na din silang lumalabas after makipagmeeting tungkol sa project.

Naging comfortable na sila sa isa't isa. Minsan isang weekend sa bahay ni Mina ay dumalaw si Justin ng hindi inaasahan.

"Mina, may naghahanap sayo!" Sabi ni Judith na kumakatok sa kwarto ng dalaga.

"Ha? Sino ate?" Tanong ni Mina sa kasambahay na ngiting ngiti at mukhang hindi mapakali.

"Yung artista! Si Justin Mendiola." Parang kinikilig na sabi ni Judith.

"Bakit naman parang kilig na kilig ka ate Judith?" Natatawang sabi ni Mina na naglalakad na pababa.

Pagbaba ay nakita nya nakakaupo sa sofa si Justin at nang makita sya nito ay bigla itong tumayo.

"Sige upo ka lang." Sabi ni Mina sa bisita at naupo na din.

Maya maya pa ay lumabas si Erika ang isa pang kasambahay nina Mina na may dalang dalawang basong juice. Gaya ng tiyahin nyang si Judith ay ngiting ngiti din ito na mukhang kinikilig dahil sa bisita ni Mina.

"Inom ka muna." Alok ni Mina. "Bakit ka pala napadaan? May problema ba sa project natin? Nako hindi naman ako tinatawagan ni engr.Edward ah." Pagkasabi ay idinial ni Mina ang number ng engineer in charge nya na nakabase sa project site.

"No. No. Walang problema." Sabi ni Justin kaya agad ibimaba ni Mina ang cellphone nya. "Aayain sana kita sa isang outreach program na inorganize ng isang friend ko. Well, sa isang orphanage sa Olangapo. Nabanggit mo kasi minsan na gusto mong nagpaparticipate sa mga outreach program pag my time ka and may chance kasi gumaganda pakiramdam mo pag nakakatulong ka lahit paano sa iba." Paliwanag ni Justin.

Napangiti si Mina. "Sure. Kelan ba yan?"

"Bukas na sya actually. 4am yung alis nung bus na service natin. Nagrent na lang ng bus yung friend ko para isang sasakyan na lang yung mga volunteer."

"Sige. San ba yung assembly area para dun na lang tayo magkita?"

"Susunduin na lang kita." Pagkasabi ni Justin ay tumunog ang cellphone nya at pagkabasa ng text ay ang manager pala nya at pinapaalala na may interview ito sa isang magazine.

Nagpaalam na ito kay Mina. Inihayid sya ni mina hanggang sa may gate ng bahay.

"So paano sunduin na lang kita before 4am bukas?" Tanong ni Justin kay Mina at tumango,lang ang dalaga.

Bago sumakay sa sasakyan ay kumaway muna si Justin at kinawayan din naman ito ni Mina.

Pagkasarado ni Mina ng gate ay nagulat ito nang sa pagtalikod nya ay nakatayo sa likod nya sina Judith at Erika.

"Nakakagulat naman kayong magtiyahin dyan!" Sabi nito na napahawak sa may dibdib dahil sa gulat.

"Ate Mina, hindi mo naman kinukuwento na friend mo pala si papa Justin ko." Sabi ni Erika.

"Oo nga Mina hindi ka nagkukwento kaibigan mo pala yun." Dagdag ni Judith.

"Erika, Ate Judith. Kelan ko lang din sya nakilala. Akalain nyo ba naman na anak sya ng milyonaryo, o bilyonaryo, na kliente namin sa opisina. Tatay nya yung may ari nung resort na ginagawa namin sa Boracay." Paliwanag ni Mina.

"Ah yung kaya ka nagpuntang Boracay nung nakaraan." Sabi ni Judith.

"Korek!" Sagot ni Mina.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now