05 : THE LOOK-A-LIKE

82 3 0
                                    

"Are you alright?" Muling tanong ni Justin.

"Ah. Yah. I'm okay. May naalala lang ako." Sagot ni Mina na inalis ang tingin kay Justin. Nagbuntong hininga ito at mababakas sa mukha na may malalim na iniisip si Mina.

"Kung hindi mo mamasamain ano ba yung naalala mo. Para kasing anlaming ng iniisip mo." Usisa ni Justin.

"Ah naalala ko lang yung isang kakilala ko." Sagot ni Mina na may pilit na ngiti.

Tumango lang si Justin na nakangiti din.

Mga ilang minuto din na natahimik ang dalawa. Si Mina ay nakatingin sa langit na ngayon ay puno ng mga nagliliwanag na bituin. Habang si Justin naman ay pinagmamasdan ang paa ni Mina.

"Masakit ba?" Tanong ni Justin na itinuturo ang paa ng dalaga.

"Medyo makirot lang. Nanibago lang siguro kasi hindi naman ako sanay magsuot ng high heels e."

Medyo napatawa si Justin sa sinabi ni Mina.

"Bakit anong nakakatawa sa sinabi ko?" Nakangusong tanong ni Mina.

"Ah wala lang kasi ngayon lang ako nakarinig ng babae na hindi sanay mag-high heels." Nabungisngis na sagot ni Justin.

"Ibahin mo ako." Napatawa na din ang dalaga.

"Pero kaya ko naman maglakad?" Usisa ni Justin.

"Siguro."

"Sige wait lang." Tumayo si Justin at may tinawagan sa cellphone nya.

Maya maya pa ay may dumating na isang lalaking may katandaan na at may iniabot na paper bag kay Justin.

"Thanks, Manong Eddie."

Tumango lang ang matanda at naglakad na muli paalis.

Iniabot ni Justin ang paper bag kay Mina. Kinuha ito ni Mina na may pagtataka.

"Yan na lang muna isuot mo. Para makalakad ka ng maayos." Utos ng binata.

"Ano to?" Tanong ni Mina habang binuksan ang bag. Pagkabukas ay nakita nya ang isang pares ng rubber slippers. Napatingin ito kay Justin at napangiti.

"Medyo malaki yan sayo kasi sakin yan pero pagtyagaan mo na kesa lalo ka pang masaktan dyan sa sapatos mo." Pagkasabi nito ay tumayo si Justin, pinulot ang sapatos ni Mina at inilagay sa paper bag. "Tara." Aya ni Justin habang iniabot ang isang kamay sa dalaga.

"Babalik na tayo sa loob?" Tanong ni Mina.

Umiling lang si Justin. "Gusto mo pa bang bumalik sa boring na party na yun? Mas maganda pupuntahan natin."

Walang isinagot si Mina kundi ay inabot nito ang kamay ni Justin. Inilalayan sya ng binata dahil medyo hirap ito sa pagtayo dahil sa makirot na paa.

Hinawakan ni Justin ang mga braso ng dalaga bilang pag alalay at nag umapisang maglakad papalayo sa hotel building kung san ginaganap ang Star Ball.

Naglalakad ang dalawa sa isang pathwalk na nasa gitna ng isang flower garden. Kahit gabi na ay kitang kita ang magaganda at makukulay na bulaklak dahil sa mga ilaw na nakapaligid din dito. Sa dulo ng pathwalk ay may isang gazebo na napapaliran din ng mga bulaklak at magandang mga pailaw.

"Wow." Mahinang sabi ni Mina na nakinig ni Justin at ikinangiti ng aktor.

Pagdating sa gazebo ay iniupo ni Justin si Mina.

"Dito natin aantayin yung ipinunta ko dito sa Star Ball." Sambit ni Justin.

Nagtatakang napatingin si Mina sa kanya.

"Yung hihintayin natin ang ipinunta mo dito?" Tanong ni Mina. "Sino? Si Kristine Padilla? Akala ko pa naman magkagalit kayo yun pala may something talaga ha. At may secret pa kayong pagkikita dito. Sabagay para nga naman wala makakita." Panunukso ni Mina. "Ay! Dapat pala umalis na ako paka makaabala pa ako senyo."

Tatayo na sana si Mina ng nagulat sya dahil may parang pumutok at ng paglingon nya ay nakita nya ang fireworks display na pagkaganda.

Mababakas sa mukha ni Mina na tuwang tuwa ito habang pinapanood ang fireworks display. Napapatingin sa kanya si Justin at nangingiti ang binata habang pinagmamasdan sya.

Nang muling mapatingin si Justin ay sakto namang tumingin din sa kanya si Mina. Iniiwas nila ang mga mata nila sa isat isa. Bumaling ulit sila sa panonood. Nakaramdam sila ng pagkailang.

"Alam mo kahawig mo sya." Ang biglang sabi ni Mina na hindi pa rin iniaalis ang tingin sa fireworks.

"Ha?" Pagtataka ni Justin. Napatingin ito sa dalaga.

"Yung kakilala ko na sabi kong naalala ko kanina... Kahawig mo sya." Nakatinging sinabi ni Mina kay Justin. "Kanina ko lang napatunayan na magkawahig nga kayo, nung natitigan kita ng malapitan." Pagpapatuloy ni Mina.

*flashback

Last year of college ni Mina

Nakaupo si Mina sa cafeteria ng school. Nakailang tingin na ito sa relo nya at mayat mayang chinecheck ang oras.

"Hoy girls bakit ngayon lang kayo?!" Pasigaw ng isang babae na nakaupo sa lamesang katabi ng kay Mina.

"Nanood pa kaming practice ng basketball e." Kinikilig na sabi ng isa sa dalawang babae na dumating.

"Oh?! Andaya nyo! Dapat sinama nyo ako. Andun ba si Matt?"

"Oo! At ang gwapo talaga nya lalo na pag naglalaro syang basketball!" Sagot ng isa pang babae at umupo na sila.

"Mas gwapo si Gabby!" Pasimangot na sigaw ng isa. "Kamukha talaga nya yung artista na si Justin Mendiola. Nakakakilig talaga! Akin na lang sya talaga. "

Napatingin si Mina nung nabanggit yung pangalan na "Gabby". Nakita sya nung isang babae sa kabilang lamesa at kinulbit yung babaeng kinikilig habang kinukwento yung "Gabby". Napatingin din ito kay Mina at bigla tumahimik. Maya maya pa ay umalis na ang tatlong babae.

Inilabas ni Mina ang cellphone nya at may tinawagan.

"Hoy mister "look-a-like" daw ni Justin Mendiola, nasaan ka na?! Kanina pa akong nag aantay ah." Pagalit na sabi ni Mina sa kausap sa telepono.

"Dito na po ako maam."

Napalingon si Mina at nakita ang isang gwapong lalaking may hawak ng telepono at nakalagay sa may tenga. Nakangiti ito sa kanya.

"Antagal mo." Pangusong sabi ni Mina.

"Sorry na. Napatagal practice e." Paumanhin ng lalaki sabay niyapos si Mina.

*end of flashback

"Ganun ba. E di gwapo din sya siguro." Pabirong sabi ni Justin kay Mina.

Ngumiti lang si Mina sa kanya at muling nanuod ng fireworks display.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now