Chapter Seven

101K 2.8K 466
                                    

Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Henry. Pakiramdam ko nga ay magkakapasa na siya sa sobrang higpit ng pagkakapit ng kamay ko sa braso niya.

Kahit na nasa loob na kami ng elevator ay hindi ko pa rin siya binibitawan. Hindi siya nagreklamo. Hindi siya nag-inarte na bitawan ko siya. Tahimik lang siya at hinayaan ang pagkapit ko sa kanya.

There's a reason why I couldn't remove the tight grip on his arm. I needed the support. I needed to feel someone or else my knees would probably just give up and let me crash on the ground.

Malakas ang tibok ng puso ko. Mabilis rin ang paghinga ko. Wala ang ngisi sa labi ko na ipinakita ko kanina. The strength that I pretended to have earlier was slowly dematerializing into thin air.

Hindi ko namalayan ang paghinto ng elevator sa ground level. Hindi ko narinig ang pagtunog ng elevator bilang paghudyat ng pagdating sa floor. Pati ang pagbukas ng pinto ay hindi ko rin naramdaman.

Kung hindi ako hihilahin ni Henry ay hindi talaga ko gagalaw sa kinatatayuan. Hindi niya ako nilingon ay nagpatuloy sa paglakad palabas ng building.

I heard the faint greetings from the receptionist and the guard from earlier but I couldn't make myself greet them back. Nagpahila na lang ako kay Henry hanggang sa makarating kami sa parking lot sa gilid ng building. Iyong malapit sa entrance ng basement parking lot.

I was like on auto-pilot. Hindi ko na napansin ang ibang detalye sa paligid ko. Pinagbuksan ako ni Henry ng pinto at inalalayan akong pumasok sa loob ng gray niyang Jaguar. Sinarado niya muna ang pinto bago inikot ang sasakyan para sumakay sa driver's seat.

My eyes remained on the windshield even when he entered and the car door closed. My knuckles were trembling as the silence swallowed the both of us.

I could feel Henry's heated gaze on my face. He probably wants to ask me or at least say something but he's not sure if it's the right thing to do.

I wanted to tell him not to worry about me and that I'm okay but I couldn't move my lips. I didn't want to. Natatakot ako na baka imbis na salita ang lumabas ay bigla na lang akong sumabog.

My chest feels so heavy. There's an excruciating feeling in it and I couldn't make it go away. It was so frustrating that I wanted to shriek and just rip it off.

I'm Ylona Veran and Zion's mine.

Kumuyom ang panga ko nang marinig ang boses niya sa isipan ko. I was almost half tempted to hit my head against the window just so I couldn't hear her voice in my head.

Sa pagkakaalala na naman sa kanya ay hindi ko mapigilan ang paglabas ng galit ko na kanina ko pa pinipigilan.

I should have laugh at her face. Ano ngayon? Iyon dapat ang sinabi ko sa kanya. Ano ngayon kung sa kanya si Zion? Who the fuck cares? Kung gusto niya pa ay ako ang magplano ng kasal nilang dalawa! They could fuck each other's brains out in front of me and I'd just demand someone to give me a freaking popcorn!

He used you to clear the path for his cousin.

Angry tears started to blur my vision as it began to fill my eyes. I breathed in hard and harshly breathed out. I did that on repeat.

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. I was hoping it would stop my tears from falling. Nang nagpatuloy ang paglabo ng mga mata ko ay mas diniinan ko ang pagkakagat doon.

It was no use. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha pababa ng magkabilang pisngi ko. I released my bottom lip from being bitten down and the tears fell quickly.

Lumabas ang isang hikbi mula sa akin. Napalakas ang pagkakatampal ko sa bibig dahil sa bilis ng pag-angat ko ng kamay para takpan iyon. Pinigilan ko ang pagtakas ng malakas na hikbi mula bibig ko ngunit tuluyan na iyong kumawala mula sa akin.

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon