"Did you really have to do that?" I snapped at him as soon as we entered the lift.
Binitawan ko ang pagkakahawak sa braso niya at mariin na tinitigan siya. Nagkasalubong ang kilay ko at matalim ang mga mata sa galit habang nakatingin sa kanya.
Hindi siya umimik. Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang ang mga mata niya sa nakasaradong elevator door. Unti-unting nalusaw ang galit ko dahil sa katahimikan na ipinapakita niya sa akin.
"Hindi mo man lang ba ako sasagutin?" mas malumanay ngunit mariin pa rin ang boses ko.
No answer.
Tumunog ang elevator nang huminto ito sa isang floor. Nanatili ang mga mata ko kay Zion na hindi pa rin sumasagot hanggang ngayon.
Kumuyom ang panga ko. "If you're not going to talk to me, then maybe I should just leave."
Naglakad na ako palabas sa nakabukas na elevator door ngunit bago pa ako makahakbang palabas ay hinablot ni Zion ang braso ko. Hinatak niya ako palapit sa kanya at ikinulong sa isang mahigpit na yakap.
My face was pressed against his firm and hard chest. Zion buried his face to the crook of my neck. He was breathing hard as he tightened his arms around me. I felt my chest tightening, too.
Hindi ko alam kung wala bang tao sa labas o pinili lang nito na h'wag pumasok. Sumarado na ang elevator door ngunit hindi pa rin ako pinapakawalan ni Zion sa yakap.
"Zion..." I mumbled against his chest, feeling a little weakened from his hug.
"I'm sorry, baby." he croaked, his voice low and a little breathless. Butterflies were all over my stomach. "I'm just... really... jealous. Ayaw kong magselos pero nagseselos ako, Savion."
He took a sharp breath. "And I'm terrified. I'm terrified shitless that you'll find yourself falling for him. I don't want you to... Please, don't fall for anyone else, Savion. Please, don't fall for him. Please..."
Humiwalay sa akin si Zion sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako ng deretso sa mga mata. "Stay in love with me, baby..."
Nakakalusaw at nakakapanghina ang mga titig niya. Napakagat ako sa labi ko. May biglang dumaan na sakit sa mukha niya. Mariin siyang pumikit na parang nahihirapan.
"And if..." marahas na suminghap siya. "If you're not in love with me anymore, I can make you fall for me again. I promise I can make you love me again. Baby, I promise..."
Muling ipinikit ni Zion ang mga mata bago idinikit ang noo niya sa akin. Nanatiling nakabukas ang aking mga mata. Hindi ako makahinga. Naninikip ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay may paulit-ulit na pumipisil sa puso ko.
His warm and minty breath was fanning on my face. He started to inch his lips closer to mine. My eyes automatically closed when the tip of our noses touched. I heard my heart jump. He's going to kiss me, and I'm too weak to stop him. My heart was too frail and my mind was too feeble.
His lips were almost touching mine when the elevator stopped and dinged when we've arrived at the lobby. It woke me from my stupor that I quickly pulled away from him.
I cleared my throat. "Let's go."
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagyuko ni Zion. Hindi ko iyon pinansin at deretso-deretso lang sa paglakad palabas ng elevator. Narinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga bago sumunod sa akin.
We were enveloped with silence the whole ride to the restaurant he took me. Nag-uusap lang kami kapag may itatanong siya sa akin na maliit na bagay─kung gusto ko ba makinig ng music, kung okay lang ba sa akin yung kanta, kung saan ko gusto kumain, kung ano ang gusto kong kainin. Tipid naman ang mga nagiging sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)
General FictionThree years. Ganoon katagal simula nung huli silang nagkita. Tatlong taon mula nang itulak niya ito palayo. Tatlong taon pero nalalasahan niya pa rin ang pait ng nakaraan. Three years ago, he lied to her. He made her believe! He took her heart and...