Chapter Two

124K 3K 278
                                    

Inangat ko ang aking kamay para tingnan ang wrist watch. I still have an hour for lunch and approximately thirty-five minutes to drive straight to the Serrano building.

Pinindot ko ang key fob para i-secure ang pinto. Tumunog ang sasakyan ko. Dumeretso ako sa loob ng casual restaurant na napili ni Tita Daphney.

Tita Daphney is my mother's adopted sister. She's only nine years older than me kaya parang kapatid lang ang turing sa akin ni Tita Daphney. Iyon nga lang ay hindi ko siya madalas nakakasama dahil palagi silang nagta-travel ng boyfriend niya.

Her boyfriend, Stan, is a travel photographer who's extremely popular in the industry. Nakilala ko na ito. He's a really cool guy. Tita Daphney is a travel writer. Her books are usually in the bestseller list and two of her published books are known internationally. Kaya nga match made in heaven sila dahil sa kanilang hilig at trabaho.

Nang makapasok ako sa loob ng restaurant ay hinanap agad ng mga mata ko ang lamesa kung nasaan si Tita Daphney at Mommy.

Tita Daphney just came back from Prague with Kuya Stan. I heard from my mother that she's finished another book.

"Savion!" a loud and chirpy voice came from the left corner of the restaurant.

Agad akong lumingon doon at nakita si Tita Daphney na nakatayo at kinakaway ang kamay. Sa isa sa mga upuan sa lamesa naman ay nakaupo si Mommy.

May lumabas na malaking ngiti sa mukha ko. Nagmamadaling lumapit ako sa kanila. Pagkalapit na pagkalapit ko ay hinigit agad ako ni Tita Daphney para yakapin nang mahigpit.

"Oh. I missed you, Savy baby!" she squeezed her arms around my body once before releasing me from her hold. Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko at parang naluluha pa habang nakatingin sa akin.

"Ang laki-laki mo na." nakangusong sabi niya.

"OA mo, Tita Daph. Nagkita kaya tayo a few months ago." hindi ko napigilan ang pag tawa. Hinawi ko ang mga kamay ni Tita mula sa mukha ko.

She sheepishly grinned. "Found a man yet?"

"No." I forced myself to sigh, like the thought of not having one really saddens me.

"Tsk. Don't worry, the next time na umalis ulit kami, uuwian talaga kita ng lalaki. Anong lahi ba gusto mo? Asian? Spanish? Oohhh! How about someone French?" napangiwi ako sa huling option.

"Oh. Ayaw mo ng French? You should try them! Lalo na pag mix breed. Majority are hot."

"Tita!" saway ko pero natawa rin.

"Daphney, wag mo nga turuan ng kung anu-ano ang anak ko. And please sit down, you two." umiling-iling pa si Mommy.

Tawa lang ang ginanti ni Tita Daphey doon. Umupo rin siya sa upuan na katapat ni Mommy. I walked towards my mother and gave her a kiss on the cheek before sitting on the empty chair beside her.

Kanina pa nag order si Mommy ng pagkain para sa akin. Tinawag niya na lang ang waiter para dalhin ito. The waiter placed a cold glass of water in front of me. Inabot ko naman iyon para inumin.

Mommy and Tita Daphney were both looking at me with silly grins on their face. Tumigil ako sa pag-inom. Ibinaba ko ang baso at nagtataka ngunit nakangisi pa ring tumingin sa kanila.

"What?" I laughed a little. May something ba sa mukha ko?

"Tell her, Daphney." my mother excitedly gushed.

"Yes, I will, ate. Let me calm myself first." tawa ni Tita Daphney. She even took long deep breaths.

"Tell me what?" hilaw na ang ngisi sa labi ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon