"Naka-set up na ba ang laptop at projector?" I asked my assistant. The elevator chimed when we reached the floor where the conference room is. Lumabas ako at sumunod naman agad siya sa akin.
"Yes po, Ma'am." she replied.
"How about yung samples? Naka-ready na rin ba?"
"Compiled and double checked na rin po." Fatima immediately answered.
"Good." I breathed out.
Ngayong araw na ang unang presentation para sa Serrano Project. Kapag may presentation na ganito ay kinakabahan talaga ako, pero doble ang kaba ko para sa presentation ngayong araw. I want everything to go as smooth as possible.
Inunahan ako ni Fatima sa paglakad at binuksan ang pinto para sa akin. Dere-deretso ako sa pagpasok sa loob. Una kong nakita ang dalawang staff na in-assign ko para sa presentation na ito. One of them will be facilitating the meeting, the other one will assist.
"Good afternoon po, Ma'am." magkasunod na bati nilang dalawa nang makita ako.
Tumango ako sa kanila bago itinuloy ang paglibot ng mga mata sa loob ng conference room. Wala ng ibang tao bukod sa kanila. Kumunot ang noo ko at nilingon si Fatima na ngayon ay nakatabi na sa akin.
"Where's Henry?"
"Hindi pa po siya dumadating, Ma'am. Gusto niyo po bang tawagan ko?" nagmamadaling binuksan ni Fatima ang bag niya para siguro kunin ang kanyang phone.
"No. Just assist them. I'll call him myself." hindi ko na hinintay ang sagot ni Fatima. Kinuha ko ang phone mula sa dala kong shoulder bag.
I unlocked my phone and dialled Henry's number. Nag ring iyon ng ilang beses bago sinagot ni Henry ang tawag.
"Henrietta!" bungad ko dito.
"Elizabeth." he grunted.
Ngumuso ako. "Bakit wala ka pa dito? Where are you?"
"I just got out of the elevator when you called. I'm walking right now." habang nagsasalita siya ay naglakad ako patungo sa double doors.
Pagkalabas ko pa lang ng conference room ay nakita ko na agad si Henry na naglalakad sa hallway. Ngumiti ako nang malaki sa pagkakita sa kanya.
Umangat ang kanyang kilay at inalis ang phone mula sa gilid ng tenga. Ganoon din ang ginawa ko at hinintay siya na makalapit sa akin.
"Excited to see me, Fajardo?" he said when he's finally in front of me, arching his brow.
I braced a step towards him. I wrapped my arms around his waist for a hug. The muscles in his body locked. I expected Henry to immediately push me off him but he surprisingly didn't.
"I thought you were gonna blew me off." my voice was muffled against his upper chest. I felt the tension in his body disappear. He settled his hand on my lower back.
"And give you a reason to fire me?" malokong sagot niya. Tumawa ako at inalis ang pagkakayakap sa kanya. Umatras ako palayo sa kanya.
"Come on. The meeting will be starting in a few minutes." sabi ko bago tumalikod sa kanya at binuksan ang pinto para pumasok na sa loob.
Naabutan ko silang nakaupo at mukhang may pinag-uusapan. Sabay-sabay silang napatingin at tumayo nang makita ako. Lumampas ang tingin nila sa akin at tumingin sa lalaking kasunod ko. They all greeted him and Henry greeted them back with a charming smile.
Magkatabing umupo kami ni Henry sa unahan na parte ng long table. Kinuha ni Fatima ang bag ko mula sa akin para itabi. Hinayaan ko naman siya.
May kinalikot si Henry sa kanyang phone. Siguro ay ka-text ang Maman niya. Whoever that is. Hinayaan ko na lang siya. Inangat ko ang kamay para tingnan ang aking wrist watch. Ilang saglit na lang ay paniguradong dadating na ang mga dadalo ng meeting.

BINABASA MO ANG
If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)
General FictionThree years. Ganoon katagal simula nung huli silang nagkita. Tatlong taon mula nang itulak niya ito palayo. Tatlong taon pero nalalasahan niya pa rin ang pait ng nakaraan. Three years ago, he lied to her. He made her believe! He took her heart and...