Zion

95.5K 3.1K 406
                                    

My ringing phone disrupted the silence in the expanse of my room─it disrupted my sleep too. I let it ring, hoping that the caller would realize I have no intention of answering it, but it never stopped.

I rolled, turning on my stomach. I buried my face on my soft pillow before growling in annoyance. Tuluyan nang nasira ang tulog ko dahil sa maingay na tunog.

Fuck, if this isn't Savion, I'm gonna brutally kill whoever's calling.

Nakasubsob pa rin ang mukha ko sa unan nang abutin ang tumutunog na phone sa ibabaw ng nightstand. Umayos ako sa pagkakahiga.

My eyes were squinted as I stared at the screen. It was motherfucking Leviticus.

Nalukot ang mukha ko at tiningnan ang oras sa itaas na bahagi ng screen. Lumalim ang simangot ko nang makita kung anong oras pa lang.

It's only after five in the morning! What the hell?

"Fuck you, Leviticus. Someone must be dying or else─"

"Fuck you, too, Fucker! Ikaw paglalamayan namin kapag hindi ka pa pumunta dito! Coach's gone berserk! He found out that you skipped training the other day and now he's fucking pissed because you're not here yet!"

"Dito? Am I supposed to be somewhere?" I asked with my eyes closed. My voice was still hoarse from sleep.

"What the fuck? Nagtext ako sa'yo na may training tayo ngayong umaga!" iritadong sagot ni Levi. Napaupo agad ako sa sinabi niya. Oh, shit.

"Seriously?" nagmamadaling tumayo ako mula sa kama. "Damn. I'll be there in thirty."

"Thirty? Dude, you need to be here in one min─" kahit na nagsasalita pa si Levi ay pinatayan ko na agad siya ng tawag. I threw my phone on top of the bed and rushed my way to the bathroom.

After a quick shower and getting dressed, I grabbed some energy bar on the pantry before heading out. Halos paliparin ko ang sasakyan papuntang campus. Mabilis na itinakbo ko ang parking lot papuntang gym.

The guys were already doing the drill when I reached the gym. Napatingin ang iba sa akin. Nakangisi ang mga gago, tuwang-tuwa na mapapagalitan ako. Pati si Levi na nakikipagpasahan ng bola sa isa pa naming teammate ay huminto para lang tawanan ako. I flipped him the bird.

"Serrano!" umalingasaw ang sigaw ni Coach Aragoncillo mula sa dulo ng court. Napangiwi ako ngunit agad rin na inayos ang mukha. Huminga ako nang malalim. Hinigpitan ko ang hawak sa gym bag at lumapit na.

"Coach, I'm really─" pinutol ni Coach ang pagsalita ko nang ilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

"Give me your phone." he sternly ordered.

"Coach?" nakakunot noong tanong ko.

"Hand me your phone, Serrano. Don't make me say it again." he said in a dreadful voice.

Hindi ko na hinintay pang ulitin niya ang sinabi. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ng training shorts na suot. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko pa iyon nache-check.

Simula nang makuha ko ang number ni Savion ay nakasanayan ko na laging tingnan iyon tuwing umaga. I'm waiting for the day that she'd be the first one to text me good morning.

Kagat-kagat ang labi ay inabot ko ang phone kay Coach nang hindi iyon tinitingnan. I wouldn't want to anger him further. Pagkakuha ng phone mula sa akin ay agad niyang inilagay iyon sa kanyang bulsa.

"You're not allowed to use your phone the whole day. Including water breaks and lunch."

Nanlaki ang mga mata ko. "Whole day, Coach?"

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon