Chapter Eight

103K 3.1K 416
                                    

Kumuha ako ng isang chocolate flavored na munchkin mula sa box. Ipinasok ko agad sa bibig ko ang bitesize na doughnut at mabilis na nginuya iyon. I turned the page and scanned the next sample.

I'm browsing through the latest layouts for the billboard that the Serrano's wanted. Kailangan na iyon ma-finalize this week dahil pagka-approve ay ipa-print na ito at ikakabit na agad dahil iyon ang magsisilbing teaser para sa bagong hotel. I think it's a very smart gimmick.

I popped another munchkin in my mouth and chewed.

The main subject of the photo is an expensive looking crown. There's a total of six crowns─two crowns for a king, two for a queen, one for a prince and another one for a princess. The team submitted five sample layouts for each crown that I need to choose from.

I stared at the fourth design for the sixth crown. Sa background nito ay may blurred image ng isang malaking building na gabi kinuhanan. Sa likod ng building ay may ibang mga building na nagmukhang mas maliit dahil sa angulo ng kuha. There's a faint bokeh effect from the city lights, too.

Sa gitna ng photo ay ang crown. Sa ilalim nito ay may nakalagay na: Wanna be a royalty?

That's the gist of every photo. Pareho lang ng tag line lahat. Ang kaibahan lang ay ang mga ginamit na background images, font type at size, at ang position ng texts.

Inabot ko ang mineral bottle para uminom doon. Nang makainom ay kinuha ko ang marker para pirmahan ang layout na ito. I only sign the layouts that I approve.

I turned to the last page and frowned when the design didn't hold a candle to the fourth one. I closed the folder and pushed it away from me.

Napahinga ako nang malalim dahil sa wakas ay tapos na ako. Mahigit isang oras at kalahati rin akong namili. Sumandal ako sa swivel chair at inangat ang mga braso. I heard the clicking of my joints as I stretched.

Umayos ako sa pagkakaupo at pinindot ang button sa intercom para tawagan si Fatima mula sa labas ng office. Hindi ko na kailangan sabihin sa kanya na pumasok dahil alam niya na ang ibig sabihin ng pagtunog ng intercom kapag wala akong naging direct orders.

Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto ko bago iyon bumukas. Pumasok si Fatima sa loob at marahan na isinara ang pinto mula sa kanyang likuran.

"Yes po, ma'am?"

"I'm done with this." inangat ko ang folder. Agad na lumapit si Fatima para kunin iyon mula sa akin. "What's the rest of my schedule for this afternoon?"

"Ah. Yung on-going shoot po ngayon sa new branch ng Serrano Hotel. The supervisor requested for your attendance. Para po ma-i-check niyo ang progress nila at mapalitan agad kung may hindi kayo nagustuhan."

Napanguso ako. Naalala ko pa iyon. Plano ko naman talaga na pumunta doon at maging hands on mula umpisa pa lang ng shoot. May pinuntahan akong importanteng meeting para sa isa pang project kaya hindi natuloy ang plano ko.

"Alright. I'll go." sabi ko habang tumatango. "Have you checked kung nasa office si Mr. Guillon?"

"Yes po. Kakatawag lang ng assistant niya. Kakarating lang po galing sa isang lunch meeting." agad na sagot ni Fatima.

"Okay. Thanks, Fatima."

"Gusto niyo po bang ipahanda ko ang sasakyan niyo sa harap ng lobby?"

"No. Inform mo na lang ang production team na papunta kami ni Mr. Guillon."

"Okay po, ma'am. Is that all po?"

"Yes. I'll be heading out. Just transfer important calls to me. Kapag hindi importante ay bukas mo na lang sa akin i-report."

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon