I had over a hundred missed calls on my phone when I checked it last night. It was from an unknown number. I wish I could say that I didn't have a clue who the caller was but every inch of my brain knew that it was him.
Buong araw siyang tumatawag sa akin kahapon. He didn't leave texts but he called me nearly every twenty-minutes. Parang pinisil ang puso ko dahil doon. Wala akong kaalam-alam na tumawag siya dahil naka-silent ang phone ko sa bag na itinabi ni Henry para sa akin. Hindi ko rin naman kasi iyon ginagamit kahapon.
Sunod na pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Mariin na napapapikit ako dahil doon. What the hell came into him? Bakit siya bigla-bigla na lang siyang sumugod?
Wala naman masamang ginawa sa akin si Henry. Ni-hindi nga kami magkatabi! Hindi niya pa ba alam na bakla si Henrietta? Damn it.
I feel guilty for Henry. Ilang beses na siyang nadadamay sa gulo namin ni Zion. I've thought of apologizing to him all morning. Ako na lang rin ang hihingi ng sorry sa pagsuntok ni Zion sa kanya.
I was snapped out of my thoughts when the elevator pinged and halted. Nang bumukas ang pinto ay lumabas agad ako. I decided to drop by on Henry's office first before heading to my office.
Nasa maliit na desk ang assistant ni Henry nang makarating ako sa tapat ng opisina niya. Agad siyang tumayo nang makita ang pagdating ko.
"Ma'am, good morning po!" masayang bati ni Sheena.
"Hey, Sheena." nakangiting sambit ko. "Is Henry inside?"
"Ah. Dumating na po si Sir, pero wala po siya sa loob. Sa roof deck daw po muna siya." maagap na paliwanag nito. Kumunot ang noo ako. What is he doing there?
Tumango ako sa kanya. "Okay. Thanks, Shee."
"You're most welcome po!"
Hindi na ako sumagot at dumiretso sa elevator bank. May employee na naghihintay rin sa tapat nito. Nang makita ako ay agad itong umayos ng tayo at pormal na bumati sa akin. I gave him a brief smile and nodded.
The elevator was thankfully going up kaya naging mabilis lang ang pag-akyat ko sa roof deck. Isang beses pa lang ako nakakapunta sa parte na ito ng building. I was... fourteen, I think? Noong nilibot ko ang bawat floors ng building out of boredom.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad agad sa akin ang malawak na empty space ng roof deck. Sa gitna nito ay may malaking putting marking ng helipad.
Inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng rooftop mula sa door way. Kumunot na ang noo ko dahil wala naman si henry doon. I turned my head to the right and my heart jolted in surprise when I saw Henry near me.
Sinapo ko ang dibdib ko sa gulat at natawa. "Damn! Nagulat ako sa'yo!"
Nakasandal si Henry sa pader malapit sa pinto. May pinaghalong gulat at pagtataka sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. I noticed the cigarettes stick that he was holding. Umuwang ang labi ko sa pagkakita doon.
"You smoke?" gulat na tanong ko sa kanya. I've never seen him smoke before.
He lightly pursed his lips and took a puff before dropping the cigarette on the ground, stepping on it with his foot. He blew the smoke away from my direction. Nang matapos ay tsaka lang siya lumapit sa akin.
"Sometimes." he answered, raking my whole face with his eyes before intently gazing at me. "What are you doing here?"
Ngumuso ako sa kanya. "Hinahanap kasi kita, sabi ng assistant mo, nandito ka daw. So, I went here."
"Bakit mo naman ako hinahanap?" he leaned his head to his right shoulder, still staring at me with the same intensity.
"Gusto ko kasi mag sorry sa'yo sa nangyari kagabi." bahagyang sumimangot ako habang nakatingin sa akin. "For what Zion did. Mali iyong ginawa niya... Kaya sorry."

BINABASA MO ANG
If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)
General FictionThree years. Ganoon katagal simula nung huli silang nagkita. Tatlong taon mula nang itulak niya ito palayo. Tatlong taon pero nalalasahan niya pa rin ang pait ng nakaraan. Three years ago, he lied to her. He made her believe! He took her heart and...