Final Chapter

113K 3K 323
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa kwarto ko para sumilip sa maliit na siwang. Madilim sa labas. Like every night, the wall lights are the only ones turned on, dimly lighting the dark path.

Naghintay muna ako ng ilang segundo sa ganoong posisyon. Nang makasigurado na ako na walang tao ay nilakihan ko na ang pag bukas sa pinto at maingat na lumabas ng kwarto.

Maingat ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Iniyakap ko ang loose knitted cream cardigan sa katawan para takpan ang suot kong itim na slip on dress bago binuksan ang pinto sa main door. Pagkalabas ay isinara ko iyon mula sa akin likod. I didn't bother locking it.

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makalabas ng gate. I heard the opening and closing of a car's door as I locked the gate with my key. Nang humarap na ako sa kanya ay naglalakad na siya palapit sa akin.

My heart fluttered at the sight of him. I'm always extra happy whenever I see Zion. Pakiramdam ko ay palaging sasabog ang puso ko sa tuwa kapag nakikita ko siya. I can't last a day without seeing him.

For the past month and two weeks since we got back together─I turned extremely sweet and clingy. Madalas ko siyang nilalambing. Napapansin niya rin iyon.

I sometimes call him whenever I want to hear his voice. Isang beses ay bigla ko na lang siyang gustong amuyin at yakapin. I drove all the way to their building just to do exactly that. I just really missed him, I guess. Kulang pa ang one month at two weeks para sa tatlong taon na nagkahiwalay kami. I need a whole life time with him to make up for that.

"Hi." bati niya bago ako hinila palapit sa kanya. Hinalikan niya ako sa labi bago mariin na inilapat ang mga labi sa aking noo.

"Where to?" he asked, raising a brow.

"Your place. I wanna cuddle." ngumuso ako pagkasagot sa kanya. His eyes twinkled with amusement. He lightly shook my head and swooped down to place another brief kiss on my mouth.

"Let's go then." pinadausdos niya ang kamay sa kamay ko at hinila patungo sa kanyang kotse.

My father permanently banned Zion from my room. Pupwede pa rin siyang dumalawa, iyon nga lang ay hanggang sa living room at kitchen lang kami. Pati sa entertainment room ay bawal na kaming dalawa lang.

Simula nung gabing iyon ay hindi na ako nagtangka pa muling itakas si Zion papasok sa loob ng bahay. He doesn't wanna risk it, too. Baka daw kasi bigla pang bawiin ni Daddy ang pagpayag sa kasal naming dalawa kung susuwayin namin ang rule nito.

Two days from now, I'm going to be officially engaged to Zion for a week. The night after he proposed, we shared the news to our parents over dinner. Hindi naman sila nagulat sa balita na natanggap. To them, Zion's proposal just made it concrete and official. The ring symbolizes that the wedding is really going to happen.

Pagkarating sa unit niya ay sa kwarto niya kami dumiretso. I wanna cuddle with him while watching a movie at hindi ako komportable sa couch sa living room niya.

Nagpa-deliver lang siya ng pizza at fries dahil wala ako sa mood na kumain ng junk food at puro ganoong snacks at energy bars na lang ang laman ng pantry niya.

I let him choose the film. Wala naman akong pakialam sa papanoorin. I just wanna be held by him.

Nakasandal si Zion sa headboard niya, hindi tulad ko na nakahiga talaga. I was lying on my side. My head placed on his chest, my arm wrapped around his stomach, and my legs were entangled with one of his. Almost half of my body was covering his.

Nakapulupot ang braso ni Zion sa likod ko, habang marahan na hinihimas ang aking buhok. Ang isang kamay naman ay abala sa pagsubo ng pagkain sa aming dalawa, paminsa-minsang yumayakap iyon sa bewang ko.

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon