Chapter Thirteen

105K 3K 1K
                                    

Zion failed to chase after me. He was probably held back by his father. I was thankful for it. But remembering the understanding that fell on his face... Hindi ko alam kung makukuha ko pa bang harapin si Mr. Serrano. He knows. Kita sa mukha at mga mata niya na alam niya ang nangyari.

Dumiretso ako sa restroom na malapit sa elevators ng floor para mag-ayos. I silently thanked God when there's no one inside the restroom.

My hair was a mess, my eyes were too bright, and my skin was glowing. Namumula at namamaga ang mga labi ko. Kalat-kalat pa ang lipstick sa gilid nito. Shit. Gusto kong lamunin ng lupa kapag naalala ko na nakita ako ng Daddy ni Zion na ganito ang itsura.

Kumuha ako ng maraming tissue mula sa dispenser. Ang ilan ay binasa ko ng tubig at nilagyan ng liquid soap. Pumasok sa loob ng stall para malinis ang sarili.

Habang pinupunasan ang gilid ng hita ko ay unti-unti akong huminto. Mariin na ipinikit ko ang mga mata at umupo sa nakasaradong toilet seat. Naninikip ang dibdib ko.

I shouldn't have kissed him back. I shouldn't have touched him. I shouldn't have gave in to him. I shouldn't have yearned for him like I did.

What I did was a mistake in every way, just like the drunken night weeks ago. I promised that it was a one-time thing. That it won't be happening again. And yet, here I am. God. I'm so pathetic.

Why is it so hard for me to resist him? Why can't I push him away every time he pulls me in? Why does his kisses weaken me? Why does hearing his pleas make me wanna give in?

Ano, Savion? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa'yo at hinayaan mo lang siya na halik-halikan ka? You even let him... Hindi ko nanatuloy ang iniisip at sinapo ko na lang ng dalawang kamay ang mukha sa kapalpakan.

I needed some perfume. I feel like I was reeking of sex. Or maybe I'm just being paranoid because I'm afraid that people could easily tell. My make-up needed retouching, too. Iyon nga lang ay wala akong magagawa dahil wala sa akin ang bag ko. It's with my assistant.

Umalis rin ako agad ng banyo nang matapos sa pag-ayos ng buhok at pag-alis ng nagkalat na lipstick. It's been... what, thirty minutes? Dahil wala na sa conference room si Mr. Serrano ay paniguradong wala na rin ang mga kasama nitong board members at ibang empleyado.

Naabutan kong nakatayo si Henry sa tapat ng conference room at galit na nakatitig sa pader. Nakakunot ang kanyang noo. Kahit na sa malayo ay kita ko ang pagkakakuyom ng panga at ang nakaguhit na iritasyon sa kanyang mga mata.

Inangat niya ang kanyang braso para tingnan ang suot na leather watch. Nahagip ng mga mata ko ang kamay niyang nasa ere na dala-dala ang shoulder bag ko.

Okay, self, it's time to put on a brave face and act like your usual self now.

Naramdaman siguro ni Henry ang pagtitig ko sa kanya dahil napalingon siya sa direksyon kung nasaan ako. Agad naman akong ngumiti nang malaki bago niya mahuli na may mali sa akin. Naglakad ako palapit sa kanya at agad na sinalubong naman niya ako.

Nanlaki ang mga mata ko at naglaho ang ngiti sa mga labi nang bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa buong mukha niya habang deretsong nakatingin sa akin.

"Are you okay? Saan ka galing? May ginawa ba siya sa'yo?" his tone was sharp and dangerous as he asked, one question after another. He sounded like an entirely different person.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Umuwang ang bibig ko. Isinara ko rin iyon agad. Sunod na kumunot ang aking noo at matapos ay pinilit na tumawa. "Of course, I'm okay. We just... talked in his office. Ano naman gagawin niya sa akin?"

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon