Annyeong Haseyo!
Omg guys good news! Nakasali ang MCCH sa Top Humor and Teen Fiction. Omg omg i can't believe this.
Vote and Comment nalang mga babes :)
---------------------------------
Madison's POV
Pagkapasok namin sa bahay, nagunahan kami kung sino ang mauna papasok sa kwarto.
At ako yung nauna, at humiga ako agad sa kama. Ng biglang humiga rin ang mokong na 'to.
"Hoy! Ano 'to? Hindi ka ba uuwi sa inyo?" Pasigaw na tanong ko sa kanya?. Nagacting naman siyang tulog, sabagay artista 'to eh, mahilig magkunwari. Pinisil ko yung pisngi niya wala parin, ng pinisil ko naman ang tagiliran niya ayon napasigaw ng aray.
"Aray!" Sigaw niya. Tumawa naman ako sa kanya, yan lang pala ang nagpapagising sa kanya ha?
"Umuwi ka na kasi sa inyo!" Sabay tulak ko sa kanya. Umupo naman siya sa kama.
"Anong uuwi? Bahay ko na rin 'to... moron." Anong hindi uuwi? Anong bahay na niya 'to? Anong moron?
"Anong sabi mo?" Sabi ko. Inirapan na naman ako niya.
Tumayo na siya, haay salamat at uuwi na ang kumag na 'to. Kukunin ko na sana ang kumot ko ng biglang..
O_________________________________O
"INAAY KO POO!" Napasigaw ako sa sakit ng likod at pwet ko. Bigla naman niya ako hinila sa baba, at humiga na siya sa kama at nagkumot pa!
"Shh. Someone's sleeping." Sabi niya at nagarteng natutulog na naman.
"Kung sipain kita diyan?" Sigaw ko na naman, nakakapikon na nga ang lalakeng 'to, sadista pa siya! Uggh.
Di na siya umimik. Tulog na ata, tiningnan ko kung tulog na nga.
Mukhang tao naman pala siya kung matulog, sana lagi nalang siya tulog. Hahahaha
"Manyak!" Nagulat ako ng idilat niya ang mga mata niya at sumigaw na manyak, napatayo naman ako kaagad.
"A-anong m-manyak?" Nauutal kong sabi.
"Ang manyak mo pala! Grabe! Babae ka pa naman!" Sigaw niya, uggh!
"Walang hiya ka." Sabi ko at hinampas siya ng unan ko, hinampas naman niya ako, napipillow fight na nga kami, habang sumisigaw sa isa't isa.
Pagkatapos naming mag pillow fight napahiga kami sa kama dahil sa kapaguran. Bigla naman niya ako tinandayan naman niya ako.
O________________O
Tinutulak ko yung paa niya pero dinagdagan pa niya ng kamay niya. Dahil sa kainisan ko tiningnan ko siya, umarteng natutulog na naman.
"Hoy!" Sabay palo sa kamay niya. Wala parin siyang imik nakakainis na ah!
"Shh. Matulog ka na." Sabi niya, lalo akong nainis. Matutulog ako katabi ng lalakeng 'to? Huhh!? Di pwede, di pa ako ready!
"Ano ba!" Sigaw ko na naman mas lumapit pa siya sa akin, yung mukha niya napakalapit sa mukha ko omg. no.
"Sige, sumigaw ka ulit, hahalikan talaga kita." Pagbabanta niya.
Wala akong magawa,ayoko namang mahalikan ng lalake na 'to. I don't want him to give my first kiss.
Hanggang sa napaidlip ako, at biglang nagising dahil tumayo ang lalakeng ito.
"Sht." Sabi niya at lumabas ng kwarto ko, napatayo naman ako at sinundan siya sa labas.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Lumabas pala siya ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/4537775-288-k731931.jpg)
BINABASA MO ANG
My Contract Cold Husband (On going)
Teen Fiction(UNDER REVISION) Meet Madison, Isang Probinsiyana na nakipagsaparalan sa Maynila para mahanap ang pamilya niya. Pero kung isang araw, makatagpo niya ang isang lalake na kilala sa pangalan na "Cold Prince" at alukin siya maging asawa niya within 200...