(UNDER REVISION) Meet Madison, Isang Probinsiyana na nakipagsaparalan sa Maynila para mahanap ang pamilya niya. Pero kung isang araw, makatagpo niya ang isang lalake na kilala sa pangalan na "Cold Prince" at alukin siya maging asawa niya within 200...
"Where is better, This black or Green?" Habang pinapakita ng mama ni Nash ang dalawang bag. Halos 30 minutes na kami dito pero di parin siya nakakapili ng damit.
"Maganda naman po yang dalawa, pero mas maganda yung green." Sabi ko, para makapili na siya.
"Yes, I'm gonna wear this tomorrow."
"Ano po ang meron bukas?" Tanong ko, dahil kanina pa siya pili ng pili ng damit habang nakaupo lang ako, since wala akong pambayad sa mga ganyan.
"Oh, I forgot to tell you may house party bukas sa bahay. So, we need to buy you a dress, and pamper." Sasagot na sana ako ng wag na ng inunahan niya ako.
"Hush there Madison. I'm on it." Sabi niya at sinenyas yung sales lady na kunin na yung green na damit. Napangiti nalang ako sa kaniya dahil nahihiya na ako.
Maraming pinapiling damit sa akin, ika- 20 ko na atang balik nito sa dressing room dahil ayaw niya sa mga damit.
Kaya ako nalang ang humanap ng damit para matapos na, may nakita akong cream na damit (see pic)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Agad kong triny ito at pagkalabas ko ng dressing room, napatayo ang mama ni Nash at hinug ako.
"Simple but elegant, darling." Sabi niya at nagsmile ako. Binili na namin yung damit at red high heels.
Nakakapagod rin magshopinng kasama ang mama ni Nash, kaya nagutom na siya at nagpasiya na kumain sa Max's since miss na daw niyang kumain dito.
Nakahanap na kami ng seat ng biglang nagvibrate phone ko. Daham dahan kong kinuha yung phone at binasa sa ilalim ng mesa.
From: Sungit
"Musta na kayo ni Mom? Sana makauwi ka pa ng buhay Hahahaha."
Nakakainis talaga ang lalakeng yun pero bakit parang napangiti ako, kahit kaunti may malasakit pala siya.
Agad ko namang rineplayan siya,
To: Sungit
"Wag kang magalala, kung mamatay man ako ikaw ang unang mumultuhin ko."
At habang nagsesend biglang nagsalita ang mama ni Nash, "So, tell me your story Madison."
-
Nash's POv
From: Panget
"Wag kang magalala, kung mamatay man ako ikaw ang unang mumultuhin ko."
Natawa ako sa sinabi ni panget. Mabuti kong mabuti ang pakikitungo ng nanay ko sa kaniya, pero kung hindi good luck nalang.
Nandito rin ako sa mall ngayon pero nagdisguise lang muna ako dahil mahirap na. Kanina ko pa sila nakitang nashopping pero sa tingin ko ngayon ay kumakain na sila.
Pumunta ako sa isang Mobile Shop at tumingin ng mga cellphones, bibilhin ko yung panget ng bagong cellphone dahil galing 20th century pa ata yung cellphone niya.
Habang tinetest yung cellphone, naalala kong kailangan ko pala mag 'fake' proposal bukas sa house party. Kailangan ko bumili ng singsing.
Binili ko na yung cellphone, at pumunta na patungo kung saan bibili ako ng singsing.
"Can you give me the besutiful engagement rings." Sabi ko sa babae na nagaassist.
Agad naman siyang naglabas ng 4 na singsing. Yung una plain lang siya pero may mga maliliit na diamonds. Yung pangalawa may isang malaking diamond na square. Yung pangatlo isang round diamond sa gitna. Yung pangapat isang heart na pink diamond.
"Ah eto sir, Para sa akin ito yung mga magaganda." at pinakita niya yung pangalawa at pang-apat.
"Anything will do." Sabi ko, hindi naman importante yan dahil fake lang naman 'to.
"Sure ka po ba sir? Sabagay, wala naman sa singsing 'yan nasa lalake yan kung paano siya didiskarte upang makuha ang kamay ng babae." Maraming satsat pa yung sales lady
"I'll get the 4th one." Sabi ko at pinili yung pink na heart diamond para kakaiba. Agad naman niyang binalot ito, at binayaran na. Masuwerte rin si panget binilhan ko na nga siya ng cellphone, ito pang 80,000 pesos worth na singsing.
Pagkatapos kong mabili na 'yun, agad naman akong pumunta na sa parking lot upang umuwi na. Pagkapasok ko ng kotse, nagvibrate yung cellphone ko at nakita kong nagtext na naman yung panget.
From: Panget
"Mauubos na ang english ko sa Mama mo. Gawin mo na ng paraan, baka mabuking na tayo."
Agad ko namang tinawagan si Mama. "Oh hello, darling." Bungad ni Mom sa akin.
"Mom, can you and Madison go home na? I miss her na kasi, and may pupuntahin kami later." Agad namang narinig ko si Mom na magiggle.
"Wow, my son really is inlove. Osiya, Were done eating narin. So we better get home na." Sabi niya, at i sighed in relief.
Agad ko namang pinatay na yung tawag at agad na umalis na sa mall, baka kasi maunahan pa ako nilang umuwi.
Pagkadating ko sa bahay, agad akong pumunta sa kuwarto at tinago yung singsing pero yung cellphone iniwan ko sa bed side table.
Narinig kong ang ingay ni mama sa baba, nandito na rin sila. Agad naman akong lumabas ng kuwarto at bumaba.
Nakita ko na maraming shopping bags ang mga dala nila, sinenyas naman ako ni Madison na lumapit. Lumapit naman ako at hinalikan siya sa pisngi, at sinabi "I missed you."
Oh shit. Uhm no way.
Agad naman akong umalis at tiningnan siya, di siya makapagsalita. "Ah-- Uhmm, Pupunta muna ako sa taas." Sabi nita at agad naman pumubta sa kuwarto.
She is acting weird. Dahan dahan lang ako pumunta sa kuwarto. Pumasok ako sa kuwarto at nakita ko na nagpanggap siyang natutulog,
"Best in acting ka na," Sabi ko at nakita ko namang dumilat siya. Lumapit ako sa kaniya at kinuha yung cellphone sa may bed side table.
"Oh, Regalo ko sayo." Sabi ko at binigay sa kaniya, nakita kong nagulat siya.
"Wala akong pambayad diyan." Sabi niya.
"Bayarin mo after 10 years." Sabi ko at inilagay yung cellphone sa kama at lumabas na.
Bakit parang nagiiba na ang pakikitungo ko sa panget na yun? -