Chapter 4- Meet the Father

1.2K 33 7
                                    

Wooot, ginanahan magupdate kasi so eto -,-" 

goal: 5 votes// 4 comments

Sayang di umabot sa ting goal last chap.

-------------------------------- 

Madison’s POV

HALA!? ANYARE SA KANYA? AKO MAGPAPAKASAL SA KANYA? HE WISH.

“A-ANO!?” Sagot ko sa kanya, di kasi ako makapaniwala e. Utot niya, ano ako pick-up girl kung ano gusto niya gagawin ko?

“You heard me right?” Sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama! -.-

“Oo! Pero ayokong gawin ang gusto mo! Atsaka, di pa nga kita kilala tapos aasawahin mo ako? U wish!” Sigaw ko. Nakakabwiset talaga ng mga lalake, akala nila ang mga babae mga laruan lang. Pwe!

“Kung yun’ ang gusto mo osige!” Sabi niya at hinawakan ang kamay, ko hinablot ko kaagad ‘to. “Ako si Nash Park, 18 years old. Isang Model, Artista, Student, at President of School Council. Gwapo kahit anong gawin mo.” Dagdag niya.

“Puno ka talaga ng kayabangan! Che! At pake ko ba kung model, artista, ka kahit mag boldstar ka pa wala akong pakealam!” Sigaw ko nanaman.

Bigla naman siyang tumawa ng malakas, as in parang malakas. “Ako magiging Boldstar? Ikaw ata yung nababagay dun hindi ako since, basura ka lang naman!” Sigaw niya, nabigla ako sa sinabi niya. Ako basura? Never pa ako sinabihan ng ganyan. Di ko napigilan sarili ko at sinampal siya ng malakas. Agad akong umalis sa empyernong yun, lalabas sana ako ng bahay nila ng biglang may pumasok na matandang lalake.

Bigla niya akong tinuro, “Sino ka? At anong ginagawa mo dito.” Sabi niya sasagot na sana ako ng sumulpot ang demonyo sa tabi ko at inakbayan ako.

“Girlfriend ko po pa, but soon to be wife.” Sabi niya.

Okay, Girlfriend lang naman at soon to be wife.

Processing..

Processing..

Processing..

O__________________________O

“ANO!?” Napasigaw ako ng di oras.

Bigla niya ako binulungan.. “Makiride ka nalang, kundi magagalit si Papa sayo.” Sabi niya, tiningnan ko siya ng masama.

“Bakit may problema ba hija?” Tanong ng papa niya. Nakakainis talaga! Sa dami ng babaeng nandito bakit ako pa ang sinasabihan na girlfriend! Ugghh

“A-ah, w-wala po. Mauna na po ako, marami pa akong gagawin.” Sabi ko, kailangan kong umalis dito. Di ko na mapipigilan ang inis ko sa lalakeng ‘to.

“No hija, come and join us eat our dinner.” Sabi naman ng papa ng kumag na ‘to. Kinuha ko yung kamay ng kumag sa pagka-akbay niya, sumusobra na siya.

“Wag—“ Naputol yung sasabihin ko ng sumingit ang kumag.. “Opo daw. Susunod na kami.” Sabi ng kumag, pumasok na yung papa niya kami naman naiwan dito sa labas.

“ANONG GIRLFRIEND BA ANG PINAGSASABI MO DIYAN?” Sigaw ko, wala akong pakialam kong marinig ako ng papa niya, sumusobra na kasi siya.

“Sa tingin mo naman gusto ko. Pweh! Magunaw muna ang mundo bago kita maging girlfriend atsaka wag mong seryosohin ang pinagsasabi ko kanina, ASA ka pa.” Inemphasize pa talaga niya ang word na ASA, as if may gusto ako sa kanya. Gwapo nga siya pero ang ugali niya sing baho ng kanal e.

“BAKIT? Sa tingin mo may gusto ako sayo? UTOT mo. Sino ba kasi ang magkakagusto sa mabantot na ugali mong yan? Atsaka, ginagawa mo ang mga babae na laruan.” Sagot ko naman, bigla naman nagiba yung aura niya, yung parang kanina parang masigla ang aura niya pero ngayon nagiba na.

My Contract Cold Husband (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon