1

15.2K 185 8
                                    


CLEO POV


*splash*

Napabalikwas naman ako ng bangon ng makaramdam ang pagsaboy ng malamig na tubig sa akin. Nakita ko ang asawa ko na nakatayo na may hawak na pitchel. Sobrang lamig nung tubig sigurado akong galing yun sa ref.



" ANO?! TUTUNGANGA KA NA LANG JAN?! WALA PANG PAGKAIN SA KUSINA. MAY TRABAHO PA AKO. PALAMUNIN KA NA NGA, WALA KA PANG SILBI BWISIT" sigaw niya



"o-oo m-magl-luluto na" utal na utal na sabi ko




kaya kahit nangiginig ang tuhod ko dahil sa tubig na ibinuhos niya sa saakin at sa takot ko sa kanya pinilit ko talagang humakbang para makalabas ng silid ko dahil baka saktan na naman niya ako. Sinundan lang niya ako ng masamang tingin.




Ng makababa ay pumunta ako sa kusina para magluto ng breakfast. Binuksan ko ang ref. at kinuha ang mga kailangan ko. Nagluto ako ng ham, bacon, sunny side up egg , hotdog at nag toast narin ako ng tinapay. Ng makarinig ako ng mga yabag ay dali dali kong inihain sa mesa lahat ng niluto ko.




"kumain ka na" aya ko sa kanya




Umupo naman siya kaya ilagyan ko ng pagkain ang plato niya. Ipinagtimpla ko rin siya ng kape. Pagkatapos ko siyang ipaghain pumunta na ko sa living room ayaw niya kasi ako makasabay kumain nakakawala raw ng gana . Kaya hinanda ko na lang ang dadalhin niya para sa opisina. Siya ang CEO dahil ipinamahala na sa kanya ang kompanya pagkatapos ng merging ng kompanya nila at kompanya ng mga magulang ko.





Isang taon na kaming kasal pero ganyan parin ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko siya maiwan dahil mahal na mahal ko siya. Martyr na kung martyr at tanga na kung tanga basta mahal ko siya. Alam ko darating din ang panahon na matututunan rin niya akong mahalin pero sana hindi pa huli ang lahat.




"CLEO" natauhan ako ng marinig ang sigaw niya hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya.




"h-huh?bakit?" tanong ko.





"ANG SABI KO WAG KANG LALABAS NG BAHAY?!! WAG KANG MAGPAPASOK NG LALAKI MO!!!! MALANDI KA PA NAMAN AT MAGLINIS KA DITO PARA MAGKAROON KA NAMAN NG SILBI" sigaw niya sa mukha ko.




Tumango naman ako para hindi na siya magalit sa akin. Masakit ang mga sinasabi niya sa akin pero hindi ko nalang pinapansin. Napatinigin naman ako sa necktie niya medyo hindi maayos kaya lumapit ako sa kanya at inayos ito.




" bilisan mo nga" naiiritang sabi nya sa akin kaya binilisan ko.




Pagkatapos kung maayos ang necktie tinulak lang niya ako, mabuti nalang nakapag balance ako kaya hindi ako natumba. Nilagpasan niya ako at lumabas ng pinto sinundan ko naman agad siya. Nakita kung pasakay na siya sa sasakyan niya kaya tumakbo ako papalapit sa kanya.




" Hon! Mag-ingat ka, mahal kita"
malambing na sabi ko




Hindi niya ako pinansin at tuluyan ng pumasok sa sasakyan niya. Kumaway ako sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Isang takas ng butil ng luha ang tumakas sa mata ko kaya mabilis ko pinahind iyon at pumasok sa bahay






Dumiretso ako sa kusina dahil gutom na ako. Nanlumo na lang ako ng makitang walang natira tinapon na naman niya ang pagkain palagi nalang ganyan kaya napag desisyonan kong makyat nalang sa kwarto ko para magpalit at ng makapag simula ng maglinis ng bahay.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon