19

10.5K 240 95
                                    

CLEO POV

'HINDI KITA KAYANG MAHALIN NA KAHIT KAILAN HINDING HINDI KITA MAMAHALIN'

'HINDI KITA KAYANG MAHALIN NA KAHIT KAILAN HINDING HINDI KITA MAMAHALIN'

'HINDI KITA KAYANG MAHALIN NA KAHIT KAILAN HINDING HINDI KITA MAMAHALIN'

'y-yung b-baby k-ko'

'y-yung b-baby k-ko'

'y-yung b-baby k-ko'

'the baby did'nt survive'

'the baby did'nt survive'



Napabalikwas ako ng bangon ng mapaniginipan ko na naman ang mga masasakit na nangyari sa akin. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang frustation. Gabi gabi akong dinadalaw ng aking nakaraan. Gusto ko ng kalimutan ang nakaraan ko pero hindi ko alam ang gagawin. Magta tatlong taon na simula ng iwanan ko siya at takbuhan ang lahat pero hanggang ngayon hinahunting parin ako ng bangungot ng nakaraan.




Inabot ko ang isang baso ng tubig na nakalapag sa aking bedside table at ininom. Feeling ko kasi nanunuyo ang lalamunan ko. Napatingin ako oras alas 3 na pala ng madaling araw. Tumayo na ako at sinuot ang robe ko. Tinungo ko ang balcony dito sa kwarto ko. Gusto kong lang magpahangin dahil hindi na naman rin ako makakatulog ulit.



Tinatanaw ko lang yung mga ilaw mula sa kinatatayuan ko. Ang ganda siguro kung buhay lang ang anak ko kasama ko siya ngayon. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko maiwasan na balikan ang mga paghihirap ko sa kamay ni Zandro. Hindi naging madali sa akin ang buhay ko dito sa canada ng dinala ako ng parents ko rito. Sobrang hirap ang dinanas ko. Minsan sa pagtulog ko bigla na lang akong sisigaw dahil natatakot ako na baka saktan na naman ako ni Zandro. Palagi akong umiiyak dahil hinahanap hanap ko ang anak ko. Para na akong baliw. Kaya nagpapasalamat ako dahil nasa tabi ko ang magulang at kaibigan ko na si Francis at Ryan hindi nila ako iniwan kahit nasasaktan, nasisigawan ko na sila. Kung sana kasi hindi ako nagpakatanga sa lintik na pag-ibig na yan sana hindi ako nasasaktan ng ganito pero wala na akong magagawa nangyari na.





Napapunas na naman ako sa pisngi ko ng may maramdaman akong basa. Tumutulo na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Pumasok na ako sa kwarto ko at tinungo ang banyo. Ginawa ko na ang morning rituals ko pagkatapos kong maihanda ang sarili ko lumbas na ako at tinungo ang kusina. Nagtimpla ako ng kape at nag toast ng bread para sa almusal ko. Ako lang mag-isa dito sa bahay namin kasi lumipad papuntang states sila dad para asikasuhin ang iba nilang business doon. Minsan naman dinadalaw ako ni Francis dito. Bumalik pala si Francis sa Australia hindi dahil sa pinalayas siya kundi naglayas talaga ang bakla gusto kasi ni Tito Roman (dad ni Francis) na ipakasal siya sa isa sa anak ng business partner niya kung baga arrange marriage din at para na rin daw maging straight na raw si Francis. Si Ryan nasa France may bago kasi silang branch doon at siya ang nagmamanage at dinadalaw rin niya ako paminsan minsan. Ako naman maliban sa pagmo move on nagpapatakbo ako ngayon ng coffee shop marami rami narin ang branches nito. Gusto ko sanang tumulong magpatakbo sa mga business ni dad pero ayaw niya hindi sa wala siyang tiwala sa akin pero dahil princessa niya ako. Hindi ko raw kailangan na magtrabaho dahil obligasyon raw ni dad ang ibigay sa akin ang lahat pero dahil sa kagustuhan kong magtrabaho kaya napagdesisyunan niya na coffee shop na lang para hindi ako masyadong mahirapan. Pumayag na rin ako kaysa naman sa wala mas mabuti na ito para may pagkakaabalahan na ko para hindi ko na masyadong maisip ang nakaraan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon