12

5.9K 132 8
                                    

hi quys nandito na naman ang author niyong maganda pag walang katabi hahahahahaha sensya na kung ngayon lang ako naka pagparamdam dahil naputulan kami ng Internet hehehehe but seriously totoo yun quys at dahil mahal ko kayo nagpunta pa talaga ako sa internet cafe para makapag UD ang bait ko noh?? hahahahahahaha

miss you labz

so enjoy Quys and thank you!!

muahhhh

_______________________________________________________________

CLEO POV

Napamulat ako ng aking mata at bumalot ang kadiliman sa aking paningin. Napalinga linga ako ng makarinig ako ng iyak ng sanggol. Lumakad ako para hanapin kung saan ito nanggaling.

"oha!! oha!! oha!!" Napalingon ako ng umiyak na naman ito kaya tinungo ko ito. Habang sinusundan ko ang iyak napahinto ako at napapikit ng mata dahil sa bigla nalang nagkaliwanag. Nang pakiramdam ko ay nakapag adjust na ang aking mata hinay hinay ko itong minulat. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlalamig ang kamay ko at nanghihina ang tuhod ko pakiramdam ko para akong matutumba anytime.

"b-ba---baby k-ko" nauutal na saad ko at nagsimulang tumulo ang luha ko. Tuluyan na akong napaluhod at napatakip ng kamay sa bibig dahil sa nakikita ko. Ang anak ko. Ang anak kong nakahiga sa malamig na sahig na walang saplot at puno ng dugo habang umiiyak.Para bang bagong panganak ganyan ang itsura niya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil makikita mo na nakuha niya ang ilong at ang labi ko maliban sa mata at hugis ng mukha na nakuha kay Zandro. Patuloy pa rin itong umiiyak kaya gumapang ako papalapit rito. Nanginginig ang kamay ko habang dahan dahan ko siyang kinarga at dinala sa bisig ko.

My poor child

Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at pinunasan ang balat niya na puno ng dugo. Nasaktan ako ng makita kong panay pa rin ang iyak nito. Hinalikan ko ang noo nito at inalo.

"t-tumahan ka n---na ba...baby. N--Nandito n-na si mo---mommy wala ng m-mananakit s--sayo. M-mahal n-na M..mahal ka ni mommy . Hindi na tayo magkakahiwalay pinapangako ko yan aalagaan kita ng mabuti at mamahalin ng buong buo kaya wag mo kong iiwan ha" umiiyak na saad ko at hinaplos haplos ang pisngi ng anak ko. Hindi ko kayang mawala ang anak ko iwan nako ng lahat wag lang ang anak ko dahil hindi ko yun kakayanin, mababaliw ako pagnagkataon. Nagpalinga linga ako sa paligid para maghanap ng kahit anong tela para sa anak ko dahil alam kong giniginaw na siya. Napahinga ako ng maluwag ng makakita ako ng lampin sa hindi kalayuan sa amin. Nilapag ko muna ang anak ko para kuhanin yun. Napangiti ako ng makuha ko na ito kaya dali dali kong binalikan ang anak ko. Gayun na lang ang kaba ko ng makitang wala na ito sa pinaglapagan ko. Sunod sunod na tumulo na naman ang luha ko dahil natatakot akong baka hindi ko na makita ang anak ko.

"b-baby nasaan ka??" tanong ko na para bang sasagot ito. Napasabunot ako sa buhok ng hindi ko mahagilap ang anak ko.

"b-baby huwag mo na man takotin si m-mommy ng ganito oh. D-diba hindi mo iiwan si m-mommy kaya magpakita ka na please" pakiusap ko kahit hindi naman ako maintindihan ng anak ko. Patuloy pa rin ang paghahanap ko kahit pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag-asa. Napaupo na lang ako at napahagolhul. Niyakap ko na lang ang lampin na nakuha ko bago ako nawalan ng malay.

____________________

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kamay ko at hinalikan ako sa noo. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame at ang amoy ng hospital. Nakahinga ako ng maluwag panaginip lang pala akala ko kung ano na. Napatingin naman ako sa taong nasa tabi ko ngayon.

"r-ryan" tawag ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"oh thank god!! you're awake. Ano na nararamdaman mo?? may masakit ba sayo?? Dito ka lang ha tatawagin ko ang do---" hindi ko pinansin ang mga tanong niya at umupo na lang sa kama. Napahawak naman ang kanan kong kamay sa tiyan ko dahil hawak kasi ni ryan ang kaliwa kong kamay.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon