18

6.6K 126 16
                                    

ZANDRO POV



"ANO TO HA?! BAKIT MALI MALI ANG REPORT NA ITO?? AYUSIN NIYO ITO KUNG AYAW NIYONG MAWALAN NG TRABAHO. BINABAYARAN KAYO DITO HINDI PARA MAGPASARAP KUNDI PARA MAGTRABAHO. KAYA AYUSIN NIYO ANG TRABAHO NIYO."sigaw ko sa mga empleyado ko na wala ng ibang ginawa kundi mangchismis, magmakeup at iba pa. Nagsipagyuko naman ito at bumalik na sa ginagawa nilang trabaho. Marahas naman akong napabuntong hininga bago naglakad patungo sa opisina ko. Napabuga ako ng hangin bago dahan dahan na hinilot ang sintido ko dahil  sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang pagtatrabaho at paghahanap sa asawa ko. Mag-ta tatlong taon  na ang nakalipas simula ng iwan ako ni Cleo at hanggang ngayon umaasa parin ako na mahahanap ko siya. Isa pang dahilan kung bakit masakit ang ulo ko lalong lalo na ang puso kasi alam kong hinaharang ni dad(papa ni cleo) ang mga tauhan ko para hindi ko makita si Cleo.




Napatigil ako sa pagpasok sa opisina ko ng makita ko si Mark na prentang nakaupo sa sofa. Napatayo naman ito ng makita ako at lumapit sa akin para mag fist bump. Bago ko pala makalimutan nagkaayos na kami at ang gago binigyan pa ako ng kambal na sapak bago pinatawad.




"what are you doing here??" tanong ko sa kanya at naglakad na papuntang swivel chair ko. Umupo ako doon at nagsimula ng magbasa ng mga files. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag- upo niya sa upuan sa harapan ng table ko.




"alam mo na ba kung nasaan si cleo??" tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko sa kanya kanina. Natigilan naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Cleo. Tuwing naririnig ko ang pangalan niya mas lalo akong nakakaramdam ng pangungulila. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. Narinig ko naman na napabuntong hininga ito kaya napatingin ako sa kanya.




"tiwala lang bro. Darating din ang araw na malalaman mo kung nasaan si Cleo at sana naman pagbumalik na siya huwag mo na siyang saktan." seryosong saad niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Yes pagnahanap ko na si Cleo hindi ko na siya papakawalan pa at lalong lalo na hindi ko siya sasaktan ulit. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal na nagsisisi na ko sa lahat ng kagaguhan ko noon .




Dumaan ang isang mahabang katahimikan sa opisina ko. Napatingin ako ulit kay Mark at nakita kong nagbabasa ito ng files para siguro sa board meeting namin mamaya isa kasi si Mark sa mga stock holder dito sa kompanya. Nahagip ng mata ko ang picture frame ni Cleo na nasa table ko. Kinuha ko ito at pinakatitigan.




"miss na miss na kita hon. Bakit kasi ang gago ko sa nariyan ka pa sa tabi ko hindi kita pinahalagahan ngayon wala ka na hinahanap hanap naman kita. Gustong gusto na kitang yakapin, makita ang magandang ngiti mo, maamoy ang mabango mong buhok at mahagkan at mapupula mong labi pero hindi ko na magagawa yun dahil wala ka na rito sa tabi ko" bulong ko sa sarili ko habang hinaplos haplos ang nakangiting mukha ng asawa ko sa larawan. Nanatili ako sa malalim na pag-iisip.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon