13

6K 126 8
                                    

guys gusto ko lang ipaalam na may mga di kaaya ayang mga salita sa chap na ito so dapat open minded tayo huh

so Enjoy



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ZANDRO POV

"Nagsisisisi na ko kung bakit ikaw pa ang minahal ko. Nagsisisi na ko kung bakit ikaw pa ang tinibok ng lintik kong puso. Nagsisisi na ko na nakilala pa kita."

"Nagsisisisi na ko kung bakit ikaw pa ang minahal ko. Nagsisisi na ko kung bakit ikaw pa ang tinibok ng lintik kong puso. Nagsisisi na ko na nakilala pa kita."

" Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na rin kita. At sisiguraduhin kong makakalimutan ko rin na may Zandro pa lang dumating sa buhay ko"

"Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na rin kita. At sisiguraduhin kong makakalimutan ko rin na may Zandro pa lang dumating sa buhay ko"

Nakuyom ko ng madiin ang kamao ko ng paulit ulit na bumalik sa alala ko ang mga binitiwang salita ni cleo. Bakit habang naglalakad ako paalis sa hospital parang pinipiga ang puso ko. Diba dapat maging masaya nako?? Pero bakit parang may humihila sa akin na bumalik kay cleo. Napailing nalang ako at sumakay na sa sasakyan ko. Hindi ko na siya kailangan dahil nandito na si sheena ang babaeng mahal ko.

Mahal mo nga ba?? O pinapaniwala mo lang ang sarili mong mahal mo pa  siya??=tanong ng isipan ko. I shook my head because of that thought.

alam ko mahal ko parin si sheena at hindi nagbago yun= kumbinsi ko sa sarili ko.

Bago ako umuwi ng bahay dumaan muna ako sa bar ni Mark. Pagkarating ko agad akong pumasok dahil kilala narin naman ako rito. Pagkapasok ko nakita ko si Mark na nakaupo sa Bar Counter kaya lumapit ako rito at umupo sa tabi niya. Binigyan naman ako agad ng alak ng bartender dahil nga sa kilala na ako rito.

"Sup Pare??" bati ni Mark sa akin. Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Pinapaikot ikot ko ang alak sa loob ng baso ko habang nakatitig dito.

"Ano na naman problema mo?? Inaway mo na naman si Cleo?? Alam mo pre ang mga katulad ni Cleo ang dapat na minamahal kaya kung ako sayo hindi ko na papakawalan yun sige ka baka magsisi ka. Sya nga pala maiba tayo bakit hindi na yata napupunta si ryan dito??" tanong niya. Napahawak ako ng mahigpit sa baso ng marinig ko ang pangalan ni Ryan.  Si Ryan na mahal na mahal ang asawa ko. OO alam ko may pagtingin siya sa asawa ko kaya hindi ko maiwasang hindi magselos sa kanya. Wala kasing alam si Mark na may gusto si Ryan kay Cleo dahil ang alam lang niya sa akin may gusto si cleo kaya malabo raw itong magkagusto kay Ryan. Bumalik na naman sa alala ko ang panahon na dapat sasabihin ko na kay cleo na mahal ko na rin siya





~~FLASHBACK~~

Sa mga araw na ipinapakita at ipinaparamdam ni cleo na mahal niya ako, natutunan ko narin na mahalin siya. Kaya napagdesisyunan ko na nasabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Napangiti naman ako sa naisip ko.

Hindi mo na kailangang ligawan ako cleo dahil ako na ang liligaw sayo= bulong ko sa sarili ko habang malaki ang ngiting naglalakad papasok ng gym dahil may kukuhanin ako doon.  Napailing naman ako malala na to hahahaha

Pagpasok ko nakita ko si Ryan na may hawak na 3 white roses at teddy bear. Makikita mo sa mukha niya ang excitement at saya habang kausap ang iba sa mga ka team mates namin.  Hindi mo na ako dumeritso dahil gusto ko malaman kung para kanino yun kaya makikinig muna ako sa usapan nila. Mabuti na lang hindi pa nila ako napapansin kaya lumapit ako kunti para marinig ko sila ng mabuti. Tsismoso na kung tsismoso curious ako eh dahil para kasing may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon