11

5.6K 116 14
                                    

RYAN POV



Nandito ako ngayon sa mini bar ng mansion namin. Umiinom ng alak habang nag-iisip kung paano ako makaka move on kay cleo. Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naiisip ko kung gaano kamahal ni cleo si Zandro. Minahal parin siya ni cleo  sa kabila ng pasakit na binigay niya. Ang swerte ng gago diba??Napabalik naman ako sa isip ko ng lumapit ang isa sa mga kasambahay namin.




"Sir pinapatawag po kayo ni Sir Robert" sabi niya habang nakayuko. Tumango naman ako bilang sagot kaya umalis na ito sa harap ko.  Ano kaya ang kailangan ni Dad. Ininom ko muna ang alak na nasa baso ko bago tumayo. Umakyat nako at tinungo ang office niya dito sa bahay. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang doornob at pumasok. Ibinaba naman agad ni Dad ang dokumento na binabasa niya ng maramdaman niya ang persensya ko.




"Pinatawag niyo po raw ako dad?" tanong ko sa kanya at umupo sa sofa. Tumayo naman ito at umupo sa kaharap ko na sofa.




"Yes son!! hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. since ako ang namamahala sa negosyo natin dito at dahil tumatanda narin ako hindi ko na kayang pamahalaan ang negosyo natin sa labas ng bansa at gusto ka rin na manatili nalang kami ng mama mo rito so I decided na ikaw ang magmanage ng kompanya natin sa France. If it's okay with you son?" saad niya habang nakatingin sa akin. May branch kasi kami sa France yun ang gusto niyang e manage ko.




"Yes dad!! kailan po ako aalis patungong France?" tanong ko sa kanya




"Thank you son!! I'm so proud of you, you're leaving as soon as possible because the company need you so badly. So I'm expecting you to do your best" nakangiting saad ni dad tumango naman ako at nagpaalam na. Napabuntong hininga naman ako ng makalabas ako sa opisina ni dad. Tama naman siguro ang desisyon ko di ba?? Kailangan ko ng lumayo para mahanap ko naman ang sarili ko at para mahanap ko na ang babae na para sa akin kahit masakit man sa akin ang katotohanang hindi si cleo yun.




Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Papunta ako ngayon sa bahay nila cleo dahil gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon man lang. Habang nagmamaneho ako bigla akong nakaramdam ng kaba pero hindi ko na lang ito pinansin, parang may mangyayaring masama. Napailing na lang ako sa nararamdaman ko.




Mas tumindi ang kaba ko ng matanaw ko ang bahay nila cleo na parang may nag-aaway sa labas. Sumiklab ang galit ko ng makita kong tinulak ni Zandro si cleo dahilan para mapasalampak ito sa gilid ng kalsada. Mabilis kong hininto ang kotse at dali daling lumabas. Tinakbo ko si Cleo na hanggang ngayon ay nasa kalsada parin at parang namimilipit sa sakit. Napahinto ako ng ilang hakbang ng makita ko ang dugo na umaagos sa hita niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, nakuyom ko ang kamao ko at handa na sanang sugurin si Zandro ng mapatigil ako dahil sa sigaw ni cleo na siyang nagpabalik sa akin.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon