3

5.8K 116 7
                                    

CLEO POV



Nandito na kami ngayon sa parking lot ng restau. Sinundo kasi siya ng driver nila.


" hatid ka na namin babe" anyaya niya sa akin. Napailing naman kaagad ako


"huwag na mag tataxi nalang ako. Alam kong hinihintay ka na nila tita at tito kaya kailangan mo ng umuwi" tanggi ko sa kanya at alam ko ring kailangan niyang mag pahinga dahil siguradong pagod yan sa byahe


"sure ka " paninigurado niya. Napatango naman ako agad

Ang kulit


" sige mag-ingat ka " sabi niya lumapit naman ako at nagbeso beso kami.



" ikaw rin salamat pala sa pasalubong" nakangiti kong sagot at itinaas ang paper bag na bigay niya. Ngumiti lang ito at tumango. Sumakay na siya sa kotse nila at painaandar ito. Kumaway pa ako hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Napatingin ako sa wrist watch ko 5 pm na pala patay ako nito. Pagkapara ko ng taxi ay sumakay kaagad ako. Pagkarating sa tapad ng gate namin ay dali dali akong nagbayad at lumabas. Maingat kong binuksan ang gate para hindi makagawa ng ingay. Napahinga naman ako ng maluwag ng maisara ko ito ng maayos. Pagpihit ko paharap ay para naman akong napako sa kinatatayuan ko ng makasalubong ko galit na galit na mukha ng asawa ko.



"WHERE. HAVE. YOU .BEEN?? "madiing sigaw niya habang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin


Napapikit nalang ako ng sigawan niya ako. Dali dali siyang lumapit sa akin at hinila ang buhok ko.



"a-aray nasasaktan ako z-zandro" nauutal na sabi ko habang hawak ang kamay niya na nakakapit sa buhok ko. Ang sakit ng anit ko parang malalagas lahat ng buhok ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Kinaladkad niya ako papasok ng bahay.



"MASASAKTAN KA TALAGA MALANDI KA!?! SAAN KA GALING??" tanong niya at tinulak kaya napaupo ako sa sahig


"s-sa kaibigan lang" naiiyak na sagot ko sa kanya. Natatakot ako sa kanya



"SA KAIBIGAN? SINUNGALING!!!! *pak* ANG SABIHIN MO NAKIPAGLAMPUNGAN KA SA LALAKI MO" sigaw niya



"h...hindi totoo yan wala akong lalaki" depensa ko sa sarili ko. Hinigit niya ako patayo at sinakal. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa higpit ng pagkakasakal niya.



"WALA?? ANO IBIG SABIHIN NITO HUH *insert sampal ng mga picture sa sakin" WALA KA NA BA TALAGANG MAGAWA KUNDI ANG LUMANDI." sagot na sigaw niya at binitawan ako. Habol ko naman ang hininga ko habang nakahawak sa leeg ko. Umupo naman siya sa sofa habang hindi inaalis ang masamang titig sa akin. Tiningnan ko naman ang mga picture na nagkalat sa sahig. Mga stolen shots namin ito ni francis sa airport at restaurant. Hindi kasi niya alam na bakla si francis at hindi ko rin sasabihin dahil nakiusap ang mga magulang ni francis na wala dapat makaalam na bakla ang nag iisang nagapagmana nila. Napaatras naman ako ng tumayo siya galing sa pagkakaupo. Akala ko sasaktan na naman niya ako pero nilagpasan lang niya ako at lumabas ng bahay. Tumayo na lang ako at umakyat sa aking kwarto. Tumalon kaagad ako sa aking kama at tumingin sa kisame. Dala na siguro ng pagod ay nagpahila nalang ng antok.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nagising ako sa lakas ng tawanan kaya tumayo ako at pumuntang banyo. Paglabas ko napatingin ako sa oras 8 pm na pala mahaba haba rin pala ang tulog ko. Bumaba nako na sanay hindi ko nalang ginawa nakita ko lang naman ang asawa ko na may lintang nakakandung sa kanya at nagtatawanan. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Hindi ko napansin ang pagsagi ko sa vase kaya nahulog ito at nabasag na siyang ikinalingon nila. Nakita kong nagmamadaling tumakbo ang asawa ko paakyat, akala ko ay mag-aalala siya saakin dahil nakita niya ang kamay kong tumutulo ang dugo dahil sa sinubukan kong ligpitin ang mga bubug. Laking gulat ko ng makatanggap ako ng isang malutong na sampal sa kanya.



" FUCK!! ALAM MO BA KUNG GAANO KAHALAGA ANG VASE NATO MAHALAGA PA TO KAYSA SA BUHAY MO. WALA KA TALAGANG KWENTA IKAW ANG MALAS SA BUHAY KO PUTANGINA" sigaw niya habang dinuro duro ako.



Tumulo nalang ang luha ko ang sakit isipin na wala akong halaga sa kanya. Ganyan ba talaga niya kamahal si sheena na pati gamit nito ay mahalaga rin. Regalo kasi sana niya kay sheena ang vase nayon dahil mahilig si sheena sa bulaklak pero hindi natuloy dahil nakipaghiwalay na si sheena. Naigik naman ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hinila pababa ng hagdan. Nadaanan pa namin ang babae niya na nakatingin lang sa akin ng masama. Nataranta naman ako ng dinala niya ako sa labas at tinulak. Napasalampak naman ako sa bermuda grass dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Napatayo ako ng makitang naglakad si zandro papasok ng bahay kaya hinabol ko siya pero gaya kanina tinulak lang niya ako ulit. Napahagulhol nalang ako ng makitang sarado na ang pinto tumayo ako at lumapit dito.



"z-zandro p...papasukin mo ko please maawa ka" paulit  ulit nasabi ko habang kumakatok.  Nanghihina ko namang binitawan ang pinto dahil kahit anong gawin ko hinding hindi siya makikinig sa sakin. Napatalon naman ako ng biglang kumulog ng malakas sabay buhos ng malakas na ulan. Tumakbo ako patungo sa garden ng bahay namin may parang kubo kasi doon tambayan pagnagpapahangin . Umupo ako doon at iniyakap ang sarili ko. Binalewala ko na lang ang luha kong patuloy sa pagtulo. Napatingin naman ako sa langit at taimtim na nanalangin


Lord

bakit po nangyayari sa akin ito. Wala naman po akong ginawang masama. Bakit nasasaktan ako ng ganito?? Bakit pinahihirapan ako ?? Mabait naman ako wala akong inagrabyado na tao nagmahal lang ako at umaasang mamahalin rin ako wala naman po akong ibang hinihiling pero bakit ipinagkakait ng tadhana yun. Wala na ba talagang pag-asang maging masaya ako. Diyos ko sana bigyan niyo pa po ako ng lakas na ipaglaban siya.


Hindi ko maiwasang tanungin ang diyos kong bakit ako nagkaganito. Pinunasan ko ang luha ko at pumikit. Gusto kong magpahinga dahil pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko.


"Mahal kita Zandro pero nagsisimula na kong mapagod" mahinang sambit ko before everything turns to black

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon