16

6.5K 138 4
                                    

ZANDRO POV





Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng Condominium at daling daling pumunta sa sasakyan ko. Sumakay ako at pinaharurot ito patungo sa kanila cleo. Mahigpit ang kapit ko sa manibela dahil sa kabang nararamdaman ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Paano kung ayaw na ni Cleo sa akin?? Paano kung hindi na niya ako gustong makasama?? At paano kung hindi napala niya ako mahal?? Humigpit ang kapit ko sa manibela at marahas na bumuntong hininga. Napailing iling ako sa naiisip ko. Alam ko mahal pa ko ni Cleo. Tatanggapin ko kung galit siya sa akin dahil deserve ko naman yun pero huwag lang niya akong iwan dahil hindi ko makakaya yun.



Mabilis kong inihinto ang sasakyan ng marating ko ang harap ng malaking gate nila Cleo. Agaran akong bumaba at sunod sunod na pinindot ang doorbell ng makalapit ako rito. Bumukas ang gate at lumabas ang isa sa guard nila Cleo.



"Sir umalis na po kayo. Bawal po kayo dito" sabi niya sa akin habang hinaharangan ako.



"No!! hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakikita ang asawa ko. Kaya papasukin mo ako kung ayaw mong matanggalan ng trabaho." Sagot ko sa kanya at nagpumilit na pumasok. May lumabas na naman na isang guard at hinarangan na naman ako.



"Sir Zandro umalis napo kayo dito. Mapapagalitan po kami ni Sir ( papa ni cleo) pag nakita ka niya dito." Saad naman ni guard 2



"I don't care kung mapagalitan kayo. Si Cleo ang kailangan ko kaya papasukin niyo ko" nagpupumiglas na sabi ko sa kanila. Dahil sa kagustuhan na makita ko si Cleo tinulak ko ng malakas si guard 1 kaya napasalampak ito sa sahig. Akmang susuntukin ako ni guard 2 ng maunahan ko siyang suntukin sa mukha kaya napahandusay rin ito sa sahig. Habang hindi pa sila nakakabangon mabilis akong pumasok sa loob.



"C-cleo" napalingon sila ng tinawag ko si cleo. Nakatayo silang buong pamilya (cleo ,mom at dad niya) sa harap ng bahay nila. Parang nanghina ang tuhod ko at para akong binagsakan ng lupa at langit ng makita ko ang mga maleta. Anong ibig sabihin nito?? Aalis siya?? Iiwan niya ko?? Umigting ang panga ko at napakuyom kamao ako. Hindi maari. Hindi niya ako pwedeng iwan. Napatingin ako sa mama ni Cleo ng mabilis itong sumugod sa akin.




"ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MONG MAGPAKITA PA DITO MATAPOS MONG SAKTAN ANG ANAK KO AT PINATAY ANG APO NAMIN!! IPINAGKATIWALA KO ANG ANAK KO SAYO PERO ANONG GINAWA MO SINAKTAN AT PINAIYAK MO LANG SIYA. WALANGHIYA KA." Sigaw ng mom ni cleo sa akin at tinuturo turo ako habang naglalakad papalapit. Hindi na ko nagulat ng makatanggap ako ng isang malakas na sampal na siyang ikinabaling ng ulo ko sa ibang dereksyon. Tumayo ako ng tuwid at tinatagan ang loob. Hindi dapat ako panghinaan ng loob dahil ayaw kong mawala ng tuluyan si Cleo sa akin kaya tatanggapin ko ang lahat ng gagawin nila wag lang ilayo ang asawa ko. Napatingin naman ako kay cleo na nakatingin lang sa akin ng malamig. Parang sinuntok ng paulit ulit ang puso ko dahil sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi ako sanay dahil nasanay nako na kapag nakatingin siya sa akin ay puno ng pagmamahal pero ngayon wala akong ibang makita kundi galit at poot.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon