9

5.1K 101 3
                                    

CLEO POV

Lumipas ang isang linggo na walang Zandro na nagparamdam. Palagi ko siyang tinatawagan at tinetext pero hindi niya sinasagot o nagrereply man lang. Nag-aalala na ko sa kanya. Ano na kaya ang nangyari dun. Napabuntong hininga na lang ako at kinalma ang sarili ko. Nitong mga nakaraang araw ay may nararamdaman ako sa sarili ko palagi akong nahihilo at nasusuka, pili rin ako sa mga pagkain. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa sakin.

*ring ring*

Napatingin naman ako sa phone ko ng tumunog ito. Dismayado naman ako dahil akala ko sa Zandro ang tumawag. Iniaccept ko ang call at sinagot

"Francis?" tanong ko

"babes mall tayo matagal na tayong hindi nagkita namimis na kita please" sagot niya at alam kong naka puppy eyes siya ngayon. Ganyan yan pagmay hinihiling pa cute effect kumbaga

"ikaw na lang tinatamad ako ehh" nakangiti kong saad dahil iniimagine ko kasing nagsisimula na itong magpout. Ang cute pa na naman yun mag pout

"ehhhhh sige na please!! please!!! pretty please!! samahan mo na ako hindi mo ba na miss ang pinakamaganda mong bestfriend ha? sabihin mo daliii kundi friendship over na tayo" natawa naman ako sa sinabi niya

"tssssk ang OA mo bakla sarap mo batukan pasalamat ka mahal kita. Sasamahan kita sabihin mo muna ang magic words" nakangising saad ko.

"ok fine LIBRE NA KITA pasalamat ka rin dahil mahal din kita kung hindi bubunutin ko lahat ng buhok mo. Ang yaman yaman tapos ang kuripot tsssssskkk." saad niya na nagpatawa lalo sa akin sigurado akong umiirap na ito sa kawalan hahaha

"sunduin mo ko ha" sabi ko habang naglalakad papasok ng bahay nandito kasi ako ngayon sa garden nagdidilig sa mga bulaklak na tinanim ko.

"OO na" sagot niya at ibinaba ang tawag. Napailing na lang ako at umakyat sa kwarto ko para makapaghanda.




Makaraan ng ilang minuto narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Francis kaya bumaba nako. Pagkasarado ko ng gate kay nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya kaya lumapit ako. Akmang hahalikan na niya ako sa pisngi ng tinulak ko ang mukha niya gamit ang palad ko para kasing babaliktad ang sikmura ko sa pabango niya na nalalanghap ko.

"ang baho mo Francis. Naligo ka ba?"tanong ko sa kanya habang nakatakip ang kamay sa ilong ko. Dali dali naman nitong inamoy ang sarili niya. Pagkatapos tiningnan ako nito ng nangtataka.

"Ewan ko sayo!! ang bango ko kaya. may dyosa bang mabaho diba wala at dahil dyosa ako kaya mabango ako. kaya wag kang anu jan hmmmp" mataray na sabi nito habang nakapamaywang sa harapan ko. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Bigla ko na man napagdiskitahan ang ilong niya kaya pinisill ko ito na parang nanggigigil ang tangos kasi eh. Napaaray naman siya at pilit kinukuha ang kamay ko sa ilong niya.

"a-aray a-aray bitaw bitaw papatayin mo ba ako babes. Grabe siya!!! hindi ka man lang naawa sa maganda kong ilong. sumakay ka na nga tskkk ang sakit nun ha" saad niya habang hinihimas himas ang ilong niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nagsorry naman ako bago sumakay sa shotgun seat. Umikot naman siya at sumakay na rin.

Pinaandar na niya ang sasakyan at nagmaneho papuntang mall. Pagkapark niya ng kotse niya namasyal lang kami saglit, nanuod ng sine at naglaro sa arcade ganyan kasi kami magbonding noon.

"saan mo gustong kumain??" tanong ni Francis pagkalabas namin sa tom world

"ikaw bahala" sagot ko naman sa kanya.

"ahh may makita akong restau pagpunta natin dito mukhang bagong bukas doon nalang tayo gutom na kasi ako ehh." saad niya at dahil sa gutom na rin ako tumango na lang ako sa kanya.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon