8

5K 88 2
                                    

Ito na po ang continuation guys!!!

EnJOY:)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLEO POV


~~~~~~Flashback 2

Nandito ako ngayon sa library ng school nagbabasa ng libro habang nakikinig ng music. Hindi parin mawala sa isip ko ang tagpo namin kahapon sa restaurant. Napailing na lang ako at napabuntong hininga. Napatingin naman ako sa wristwatch ko magsi 6 na pala kaya hiniram ko na lang ang libro na binasa ko. Lumabas na ako at naglakad meron pa namang paunti unting estudyante na naglalakad. Tingungo ko na ang hagdan dahil pupunta ako sa ikalawang palapag para kunin yong iba ko pang libro sa locker. Pagkarating ko sa tapat ng locker ko binuksan ko ito agad at hinanap ang kailangan ko. Habang naghahalungkat ako sa gamit ko bigla na lang akong napalingon sa sumigaw.


"YOU BITCH!!!!" sigaw ni sheena habang naturo sa akin at mabibilis ang hakbang papunta sa akin. yes si sheena nga ang girlfriend ni Zandro. Nagulat ako ng makatanggap ako ng isang malutong na sampal na siyang kinabaling ng mukha ko sa ibang direksyon at  ikinasinghap ng mga estudyante.

"ANONG PROBLEMA MO. BAKIT MO KO SINAMPAL???" hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses. Ikaw ba naman sampalin hindi ka magagalit?

"YOU DESERVE THAT SLAP BITCH!! GANYAN KA NA BA KA DESPERADA PARA MAAGAW MO SA AKIN SI ZANDRO AT PLINANO MO TALAGANG E ARRANGE MARRIAGE KAYO. AKALA MO MAKUKUHA MO SA AKIN SI ZANDRO DREAM ON BITCH AKO LANG ANG MAHAL NI ZANDRO. AKO LANG" sigaw niya sa pagmumukha ko at sinabunutan ako. Tumulo ang luha ko sa sinabi niya mas masakit ang mga sinabi niya kaysa sa pagsabunut niya sa akin.

"a-ray s-sheena tama na b-bitawan mo ko" umiiyak na saad ko habang pilit kinukuha ang kamay niya sa buhok ko. Ang sakit parang matatanggal ang anit ko. Nakatingin lang ang mga estudyante sa amin dahil alam ko na natatakot sila kay sheena pagpumigil sila sa amin. Mabait lang si sheena pag nakaharap si Zandro para siyang anghel pero kapag nakatalikod siya mas masahol pa siya sa masama she's one of the bully here in our school kaya takot sila sa kanya.


"YAN ANG BAGAY SA MGA KATULAD MONG MANG-AAGAW. MALANDI KA BWESIT KANG BABAE KA BAKIT KASI HINDI MO NA LANG TANGGAPIN NA HINDI KA NIYA MAMAHALIN. " sigaw niya habang hindi pa din niya binibitawan ang buhok ko. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng makita kong sinasabunutan siya ng isang babae dahilan para mabitawan ako ni sheena at lumaban siya doon sa babaeng nanabunut sa kanya, hindi ko kilala ang babae base narin sa suot nito alam kong taga ibang school.


"HAYOP KA MANG-AAGAW KA PAPATAYIN  KITANG MALANDI KA" sigaw nong babae habang nagsasabunutan sila


"ARAY!!! FUCK!! SINO KA BA BWESIT KA BITAWAN MO KO ANO BA" sigaw naman pabalik ni sheena. Bigla naman akong natauhan at umalis sa kinatatayuan ko, pinahid ko ang luha ko at lumapit sa kanila para awatin sila.

"tama na !!! tama na!!" paulit ulit na sabi ko habang pinipigilan sila. Nagulat ako ng tinulak ng babae si sheena dahilan ng pagkakasalampak  nito sa sahig. Napahawak ito sa tiyan at napangiwi sa sakit. Dali dali naman akong lumapit sa kanya at dinaluhan siya. Kahit karibal ko siya sa puso ni Zandro hindi ko parin maatim na hindi mag-alala sa kanya.


"sheena!! are y-you alright??" nag-aalalang tanong ko sa kanya at inalalayan siya. Ang kaliwa kong kamay nahawak sa ibabaw ng tuhod niya habang ang isa ko na mang kamay nasa likod niya para sana iupo ito pero na napahinto ako sa pag-alalay sa kanya ng sumigaw ito

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon