7

5.1K 99 2
                                    

CLEO POV

Napabangon ako ng maramdaman kong parang babaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako sa banyo at nilabas ang dapat ilabas pagkatapos naligo narin ako at nagbihis. Lumabas na ako pero bago ako tuluyang bumaba ng hagdan napadaan muna ako sa kwarto ni Zandro. Dahan dahan ko itong binuksan at pumasok. Hindi pala siya umuwi dahil nasa ayos parin ang gamit niya. Ito ang pangalawang beses kong nakapasok dito. Una noong nagdala siya ng babae at ngayon. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng silid napatigil ako ng may makita akong kahon na nasa gilid ng bedside table niya. Nilapitan ko ito at binuksan para akong nanlumo ng makita kong puro pala mga picture nila ni sheena ang laman nun. Ang sakit dahil makikita mo talagang importante sa kanya ito dahil ni wala man lang alikabok parang palaging nililinisan. Napatigil ako sa kakahalungkat sa mga picture ng dumapo ang paningin ko sa isang maliit na larawan. Tumulo ang luha ko ng makita kong ultrasound picture pala iyon sa baby nila Sheena at Zandro. Kinuha ko ito at dinala sa kama ni Zandro umupo ako doon at tinitigan ang larawan.

Gusto kong sisihin ang bata na nasa larawan dahil siya ang dahilan kong bakit kinamumuhian ako ni Zandro, pero alam kong wala siyang kasalanan. Habang tinititigan ko ang larawan hindi ko maiwasang bumalik sa nakaraan kong saan nagsimula ang galit niya sa akin.


~~~~~~~~~~~~FlashBack1


Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant kasama ang parents ko. May sasabihin raw sila ewan ko kung anong trip nila at dito pa naisipang sabihin pwede naman sa bahay. Hindi ko na lang sila pinansin at pinaglaruan ang cake na nasa harapan ko. May hinihintay pa raw kasi kami.


"kyahhh best kamusta kana mas gumanda ka lalo ah." Napaangat naman ako ng tingin dahil sa nagsalita. Mama pala ni Zandro. Nagbabatian sila ngayon magbabarkada kasi sila noon kaya ganyan sila ka close pero ngayon nalang sila nagkita ulit dahil nasa ibang bansa nag stay ang parents ni Zandro habang ang parents ko naman busy din.


" wahhhh mas gumanda ka nga eh" sagot naman ni mommy. Nakatingin lang ako sa kanila ng mapadako ang tingin ko sa isang taong seryosong nakatitig sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil iniiwasan ko na siya ngayon kasi alam ko wala ng patutunguhan ang nararamdaman ko sa kanya.

" Best ito na ba si cleo kay gandang bata" Napatayo naman ako at binati ang tita at tito. Niyakap nila akong dalawa kaya niyakap ko rin sila pabalik at binati. Namiss ko rin kasi sila dahil ang huli naming pagkikita ay nung 2nd year high school kami ni zandro.


"kanino pa ba magmamana kundi sa dyosa niyang mama hahaha" masayang sagot ni mommy at inaya na nila silang umupo kaya umupo narin ako. Napatingin ako kay Zandro ng umupo ito sa harapan ko pero binawi ko naman agad. Nag-order na kami habang nagkukwentuhan ang matatanda natahimik naman ako dahil nararamdaman ko ang titig ni Zandro.


Bakit ganyan siya makatitig parang may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya?= tanong ko sa sarili. Nagkibit balikat nalang ako at inabala nalang ang sarili ko. Kumain na kami ng dumating ang order namin pagkatapos tumikhim si tito Zayn ang papa ni Zandro at nagsalita ito.


"Siguro naguguluhan kayong dalawa kong bakit namin kayo dinala dito. Noong mga nasa edad pa ninyo kami noon nagkaroon kami ng kasunduang ipakasal ang mga anak namin kaya nakapagdesisyon kaming ipakasal kayo." seryosong saad ni tito Zayn na ikinatulala ko habang ang mga nanay namin parang mapupunit na ang labi sa laki ng ngiti at si dad naman seryoso rin itong nakatingin sa amin.

" NO WAY DAD!! HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA KANYA ALAM MO NAMAN NA MAY GIRLFRIEND AKO DIBA AT MAHAL NA MAHAL KO YUN" nagulat ako ng biglang tumayo si Zandro sa upuan niya at sumigaw na siyang ikinatingin ng mga crew wala kasing ibang costumer dahil pinaclose nila ang restau. Para naman akong tinusok ng punyal diretso sa puso dahil sa mga sinabi niya.

"DON'T YOU DARE HIGH YOUR TONE AT ME YOUNG MAN!!! MAGPAPAKASAL KAYO SA AYAW AT SA GUSTO MO AND THAT'S FINAL AND DON'T FORGET TO BREAK...UP...WITH...YOUR...GIRLFRIEND" matigas na sabi ni tito kay Zandro.


"no hindi ko gagawin yun never. si sheena lang ang gusto kong pakasalan wala ng iba " sagot naman ni zandro


"pwes wala ka ng magagawa kundi pakasalan si Cleo kung hindi ako ang gagawa ng paraan para ang babae mo na ang siyang kusang lumayo at wag kang aasang makakatanggap ka sa akin ni isang singko kaya you better choose wisely kilala mo ako Zandro" Napaupo naman si Zandro at napayuko hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpunas niya sa luha niya.


"t-tito tita mom dad ayaw ko pong m-magpakasal. Ayaw k-ko pong matali si Zandro sa isang tao na hindi niya mahal. P-pabayaan nalang po natin sila ni sheena" kahit labag sa loob ko sinabi kong ayaw ko ng magpakasal dahil alam kong wala ring mangyayari sinong matatagal sa isang one sided love, loveless marriage.

Edi ikaw sino pa ba= sagot naman ng isip ko.

"no princess magpapakasal kayo pagka graduate niyo, naka ready na ang lahat at nasa sinapupunan pa lang pinagkasundo na kayo. Sige iiwan namin kayo rito huh para makapag bonding kayo." nakangiting saad ni mom na alam kong peke dahil may nakikita akong pag-aalala sa mata nila ni dad siguro dahil sa pinakita ni Zandro na pag kadigusto. Tumayo na sila at naiwan kaming dalawa ni Zandro. Dumaan ang mahabang katahimikan nakatingin lang ako kay Zandro na nakayuko parin at alam kong umiiyak dahil marahang yumuyugyug ang balikat niya. Tumulo ang luha ko dahil nasasaktan ako kung paano niya iyakan si sheena. ang swerte ni sheena dahil minahal siya ng isang tulad ni zandro na kayang gawin ang lahat kahit isakripisyo pa ang kaligayahan niya wag lang siyang masaktan. Napaiwas naman ako ng tingin at pinusan ang luha ko hindi ko kayang makita siyang umiyak kaya tumingin nalang ako sa labas.

"ang galing mo namang umakting na pababayaan mo kami ni sheena, na ayaw mo akong pakasalan dahil ayaw mo akong matali sayo if i know ikaw ang nag plano nito at alam kong  gusto munang magsisigaw at magtatalon sa saya dahil magagawa mo na ang plano mong paghiwalayin kami ni sheena. Masaya ka na ba dahil mapapasayo na ko pwes ito lang ang masasabi ko kahit makasal man tayo hindi mo parin makukuha ang puso ko, hindi mo parin mapapalitan si sheena at hinding hindi kita mamahalin never" malamig niyang saad na siyang nagpalingon sa akin habang ito naman ay nakatitig sa akin na para akong gustong sakalin.


"w-wala akong alam Zandro. OO aaminin ko nakaramdam ako ng saya ng marinig na magpapakasal tayo pero alam ko naman na wala na talaga na hindi mo na ako matututunang mahalin tanggap ko na yun. Wag mo na naman akong pagbintangan dahil kahit gaano kita kamahal pipiliin ko parin ang maging masaya ka sa piling ng iba kahit masaktan man ako." umiiyak na sagot ko sa kanya. Tumawa lang ito ng pagak at matalim akong tiningnan.

"ha ha ha magmamamaangan ka pa huh akala mo maniniwala pa ako sayo hindi manyayari yun. Akala ko isa kang matinong babae yun pala nasa loob rin ang kulo isa ka rin pala sa mga cheap na babae na wala ng ibang ginawa kundi ipagsiksikan ang sarili. Alam mo naaawa ako sa iyo dahil napakadesperada mo para makuha lang ako tandaan mo to hindi ko hahayaang maging masaya ka sa piling ko I WILL MAKE YOUR LIFE A LIVING HELL isasak mo sa kukute mo yan." nakangisi niyang sabi at walang sabi sabing tumayo ito at lumabas ng restau. Naiwan naman akong tulala habang tumutulo ang luha hanggang sa napahagulhol ako ganyan na pala kababa ang tingin niya sa sakin.


Ang sakit isipin na ang taong mahal mo mababa pa sa isang bayarang babae ang tingin niya sa sayo

~~~~~~~~~~~~~~Flash Back End

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hoooooo  hanggang jan muna may continuation pa ang flashback guys

Thank you so much sa lahat ng bumasa sa story ko and sorry na rin kong bitin siya at hindi ko nakamit ang satisfaction na gusto nyo kasi first time ko kasi sumulat ng storya so alam niyo na


Once again thank you specially to my one and only labz ang aking #1 fan thank you so much for your support darkangel5254 muawwwah

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon