15

6.3K 112 7
                                    

ZANDRO POV



Umigting ang panga ko at napakuyom ako ng kamao. Para may biglang sumiklab na galit sa dibdib ko. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko dahil nagpauto ako sa isang babae. Bakit hindi ko napansin na dalawang linggo palang kaming magkakilala noon pero sinagot na niya ko agad. So matagal na pala niya akong kilala kaya ba ganun na lang niya kadali akong sinagot dahil may plano pala siya.



Napatingin naman ako sa siwang ng kwarto ni sheena ng makita kong papalapit sa akin ang lalaki na kasama niya. Yung jeff ba yun. Ewan wala akong pakialam sa kanya ang gusto ko ang makaharap si sheena. Umatras ako para magtago. Nakita ko itong bumaba ng hagdan at tinungo ang pinto palabas. Lumabas na ko at tinungo ko ang pinto ng kwarto ni sheena bago pabalibag na binuksan ko ito.




"AHHH SISIRAIN MO BA ANG PINTO KO JE------Z-Zandro??" gulat na gulat at nanglalaking mata itong nakatigin sa akin. Siguro hindi niya inaasahan na makita ako.



"Expecting someone babe??" sarcastic na tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya. Umiwas naman ito ng tingin at parang hindi mapakali sa kinauupuan niya.




"N-no!" tense at mabilis na sagot nito habang nakatingin sa pinto. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang takot na dumaan sa mga mata niya. Natatakot ba siya dahil baka mapag-abot kami ng lalaki niya?? Natatakot ba siya dahil baka narinig ko ang pinag-usapan nila kanina. Pwes dapat lang na matakot siya.




Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama sa tabi niya. Nakita ko pang sunod sunod itong napalunok at namamawis rin ang noo nito na parang kinakabahan. Ngumisi ako at hinawakan ang mukha niya.




"alam mo naman siguro ang ayaw ko diba yung mga manloloko at sinungaling. Kaya babe may tinatago ka ba sa akin??" Mahinahong tanong ko sa kanya habang hinahaplos haplos ang mukha niya at minsan pinupunasan ko ang pawis sa noo niya. Naramdaman ko namang nanigas ito sa kinauupuan niya kaya mas lumaki ang ngisi sa labi ko.




"W-wala!! W-wala naman akong t-tinatago sayo eh. M-mahal kita k-kaya bakit n-naman kita pa-paglilihiman??" nauutal na sagot nito habang nakatingin sa akin na parang nagungumbinsi na paniwalaan ko siya.




"Talaga wala kang tinatago sa akin. Na mahal mo ako (insert *pinapadaan ko ang daliri ko sa pingi niya pababa sa leeg niya*) SINUNGALING!!! SINUNGALING KA!!! NARINIG KO ANG PINAG-USAPAN NIYO KAYA WAG KA NG MAHANAP PA NG PALUSOT. KAILAN MO PA AKO NILOLOKO HA?? AT ANO YUNG NARINIG KONG SINABI NG LALAKE MO NA ANAK NIYO?? SHEENA ANAK KO BA TALAGA ANG DINADALA MO NOON O HINDI?? SABIHIN MO SA AKIN ANG TOTOO" sigaw ko habang sinasakal siya. Punong puno na ako sa mga pangyayari. Masyadong ng masakit.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon