17

6.2K 115 9
                                    

ZANDRO POV




Bagsak ang balikat na tinungo ko ang sasakyan ko. Pakiramdam ko ngayon wala akong  kwentang tao. Kung pwede ko lang bugbugin ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko ginawa ko na. Masakit sa akin dahil wala akong magawa. Kahit sundan ko pa sila ngayon alam ko na hindi ko siya makukuha dahil kay dad (papa ni cleo). Isa ang papa ni cleo sa pinakamayaman kaya marami itong connection na makakapigil sa akin na bawiin si cleo.




Mahigpit ang kapit ko sa manibela habang seryosong nakatingin sa daan.  Papunta ako ngayon sa mansyon ng magulang ko dahil pakiramdam ko kailangan ko ng masasandalan ngayon. Alam ko na maiintindihan nila ako.




Binuksan agad ng guard namin ang gate ng makita niya ang sasakyan ko kaya pinasok ko ito at dumeritso sa garahe. Mabilis kong pinark ang sasakyan ko at lumabas. Nakayuko ako habang papasok kaya hindi ko napansin ang kamaong sasalubong sa akin kaya napasalampak ako sa sahig. Napangiwi ako ng pinahid ko ang gilid ng labi ko dahil sa sakit kasi may sugat pa doon gawa ng pagkakasuntok ng papa ni cleo kanina. Napatingin ako sa may ari ng kamay sa harapan ko.



"what was that for dad?? why did you punch me??" tanong ko sa kanya at tinanggap ang kamay niya kaya tinulungan niya akong tumayo. Inis kong pinagpag ang damit ko at hinarap ang daddy ko na ngayon ay naka cross arm at seryosong nakatingin sa akin.



"You want to know why?? Well I punch you for being a jerk and for hurting cleo. Ano ng nangyayari sa iyo Zandro hindi kita pinalaki ng ganyan. Kahit minsan hindi ko inakala na magagawa mo kay Cleo yun. Tsk Tsk I'm very disappointed  Zandro." Napayuko naman ako dahil sa sinabi ni Dad nahihiya kasi ako dahil totoo ang sinabi niya wala akong kwenta lalong lalo na wala akong kwentang asawa.



"L-look dad I'm sorry dahil na disappoint ko kayo sa akin. Wala akong kwenta napakagago ko. Sinaktan ko ang asawa ko pero I swear nagsisisi na ko dad. Nagsisisi nako sa lahat ng pagkakamali ko." Nakayukong sabi ko at mabilis na pinahid ang gilid ng mata ko ng maramdaman kong nagtubig ito. Narinig ko naman na napabuntong hininga si dad at tinapik ang balikat ko kaya napatingin ako ulit sa kanya.



"I need your help dad.... please. I need to get my wife back" desperado kong saad habang nagsusumamong nakatingin kay dad.



"Doon natin yan pag - usapan" sagot ni dad at naglakad na papuntang mini bar dito sa mansyon. Mabilis naman akong sumunod at umupo sa tabi ni dad. Kumuha si dad ng dalawang kopita at sinalinan ito ng alak at binigay sa akin ang isang baso.



"Matagal na kaming magkaibigan ng papa ni Cleo at masasabi kong sobra itong magmahal. Kaya nakakasiguro ako na hindi ka niya mapapatawad dahil sinaktan mo ang nag-iisang prinsesa niya. I'm sorry anak pero wala akong magagawa hindi mo alam kung paano magalit ang papa ni Cleo pagsinabi niya gagawin talaga niya." seryosong lintaya ni dad. Lumukob ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi ni dad. Mabilis kong nilagok ang alak sa baso ko at pumikit ng mariin. Napailing iling ako hindi pwede. Hindi ako papayag. Gagawiin ko ang lahat kahit kalabanin ko ang lahat maibalik lang si Cleo sa akin.

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon