Chapter 2 - PJ
PAGKATAPOS ng klase ay dumeretso na kong umuwi. Hindi ko na hinantay pa si Jimin dahil aabutin ng dalawang oras ang practice nila sa basketball. Finals pa naman nila next week kaya todo practice sila.
Kaya, mag-isa na naman ako ngayon.
Mag-isa kumakain. Mag-isa nanonood ng television. Mag-isa natutulog. Mag-isa lang ako sa nirentahan kong bahay.
Wala na kasi akong magulang nung sanggol pa lang ako. Pinatay sila nang kung sino mang walanghiyang nagnakaw ng aming lupa at ari-arian sa bansang tsina. Nakakalungkot dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita at makilala sila. Pero sa panahong pinatay ang aking magulang ay naitakas ako ni mudra Geraldyne, ang matalik na kaibigan ng tunay kong mama. Siya ang nagsilbing ina at ang tumayong tatay ko kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil binigyan niya ko nang pagkakataon na mabuhay sa mundo.
Kung iniisip niyo na bakit hindi ko kasama ang mudra dahil nasa China siya kasama ang tatlo niyang anak at ang kanyang asawa. Bata pa lang ako ay alam ko na hindi ako gusto ng asawa ni mudra at ang kanyang dalawang malditang anak na babae na magsama sa iisang bahay. Naalala ko nung bata pa ako ay lagi akong ipinagtatanggol ni Taehyung, panganay na anak ni mudra, sa kambal na lagi akong pinagtri-tripan. Tuwing ipinagtatanggol niya ko ay siya lagi ang pinapagalitan at pinaparusahan ng kanyang papa kaya nang magha-hayskul na ko ay napagdesisyon ko na makipagsapalaran sa Maynila mag-isa.
Dito sa Maynila, nakilala ko si Park Jimin na corny pagdating sa pag-ibig, ang kauna-unahang lalaki na iniyakan ko noong grade seven..
May gusto kasi ako sa kanya noon pero habang tumatagal ay nawala sa isang iglap iyon dahil sa ugali niya na kinaiinisan ko sa lahat. Ang pagiging mayabang. Mayabang sa panlabas, panloob, back and fourth, side, beside at umikot-ikot sa sobrang yabang.
"Ang gwapo ko talaga."
Nagulat ako nang may narinig akong boses mayabang sa likod ko.
Lumingon ako at hindi nga ko nagkakamali.
Speaking of the devil. "Bakit? Parehas lang yung daan natin pauwi ng bahay," usal nito at kinindatan ako.
"Ano ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito sa gitna ng madilim na eskinita?" balik tanong niya sa'kin.
Natahimik ako. Nasa ilalim kami ng nagpapatay-patay na ilaw ng poste.
Napansin kong lumapit siya sa akin. "'Diba may practice ka?" tanong ko uli.
BINABASA MO ANG
Matalino ka 'di ba?
Teen Fiction「 C O M P L E T E D ━ A N O V E L L A S T O R Y 」 ❝ tutal ikaw ang matalino, e 'di i-explain mo nga tong nararamdaman ko para sa'yo. ❞ ➥ park jimin as himself +reached 100k reads ❥ 05/11/17 +novella story +highest ranking ↴ #1 in Teen Fiction book...