Park Jimin's Point of View
"JM!" Napatingin ako sa nagsalita. Kumakaway ito. Nang magtama ang tingin namin ay dali-dali ito lumapit sa kinalalagyan ko at umupo sa tabi ko. "Kumain ka na?" agad na tanong nito habang inaayos niya yung mga libro ko na nagkalat sa mesa at inilapag ang dalawang styro na sa tingin ko ay dala-dala niya.
Binaling ko muli ang atensyon ko sa libro.
"Uy JM, ang sipag natin ngayon ah. Gustong-gusto mo talaga mag-Valedictorian, 'no?"
Hindi ko siya pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng Trigo.
"Grabe oo, hangin lang ako rito. Woosh woosh. Bitawan mo nga 'yan," asik nito at kinuha sa kamay ko ang Trigo.
"Hey!"
"Anong hey hey ka diyan? Kakanta ka ba? Aysus. Hey, I was doing just fine before I met you~ I drink too much and that's an issue. But, I'm okay~"
"Heaven," ma-otoridad kong sabi sa kanya na siyang nagpahinto sa pagkanta nito.
Napanguso ito. "Kumain muna tayo. Liliit ka niyan, sige ka. Masyado mo naman kasi sinusubsob ang sarili mo sa pag-aaral. Ikaw na ang matalino, eto na medalyo," papuri nito habang kunwaring may nilagay sa leeg ko na medalyo.
"Wala eh, malaki ang pangarap," usal ko at kinindatan 'to.
Oo. Malaki ang pangarap ko no'ng dumating siya sa buhay ko. Nakakatawa tignan 'no? Nung dating puro kalokohan lang ang alam ko, hindi nagseseryoso sa klase e ngayon matino na. Nagtino na dahil sa kanya.
Napatingin ako kay Heaven.
"Malaki ang pangarap pero yung height, kailan pa? Hoy, don't me!" singhal nito kaya pinisil ko ang pisnge niya at ngumisi.
"Ang bait mo talaga sa 'kin 'no?" natatawa na parang naiinis kong sabi habang hindi binibitawan yung pagpisil ko sa pisnge niya. Nginitian naman niya agad ako ng nakakaloko at kinurot rin nito ang pisnge ko, hindi isa pero dalawa. "S'yempre, ako pa ba? Sa ganda kong ito? At tiyaka, isa pa, galing Heaven ata 'to!" papuri nitong sabi kaya napangiwi agad ako at binitawan ang pagpisil ng pisnge niya, gano'n rin siya.
"Demonyita," bulong ko matapos kong tignan ang langit.
"Ano sabi mo?" tanong nito.
"Wala wala."
"Hindi e, may sinasabi ka eh. Ano 'yon?"
BINABASA MO ANG
Matalino ka 'di ba?
Teen Fiction「 C O M P L E T E D ━ A N O V E L L A S T O R Y 」 ❝ tutal ikaw ang matalino, e 'di i-explain mo nga tong nararamdaman ko para sa'yo. ❞ ➥ park jimin as himself +reached 100k reads ❥ 05/11/17 +novella story +highest ranking ↴ #1 in Teen Fiction book...